PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda wins two FAMAS Broadcast Arts Awards

Vice Ganda admits losing motivation after 16 years on It's Showtime.
by Jerry Olea
Published 11 hours ago
vice ganda famas broadcast arts awards
Vice Ganda gets candid about burnout after 16 years on It's Showtime: “Araw-araw for 16 years, at minsan po talaga napapagod ako. Nawawalan ako ng gana. Naiirita ako... Imagine niyo yung 16 years na yun, minsan, bilang pangkaraniwang tao lang, minsan nakakawala talaga ng amats. Yung parang ambaba ng amats ko… hindi ako ganadung-ganado. Parang hindi ko masyadong bet."
PHOTO/S: Jerry Olea

Dalawang beses umakyat ng entablado si Vice Ganda sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards noong Hulyo 20, 2026, Lunes ng gabi, sa Manila Hotel.

Una ay para tanggapin ang tropeyo ng It’s Showtime bilang Best Variety Show.

BEST VARIETY SHOW

Bahagi ng acceptance speech ng Unkabogable Superstar: “Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga Madlang People na patuloy na nanonood ng programa po namin araw-araw.

“We would like to congratulate the whole team, the entire It’s Showtime family, the ABS-CBN management.

“GMA-7, maraming-maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin sa inyong bahay para magkaroon kami ng tahanan.

“Sa panahon ngayon kasi napakahirap na pong mag-mount ng programa dahil ang dami nang iba’t ibang pinanonood ng mga tao sa iba’t ibang plataporma.

“Pero ang Showtime po ay nananatiling isa sa mga paborito ng Madlang People kaya maraming-maraming-maraming salamat.

Showtime still continues to thrive kahit napakaraming mga challenges na pinagdaanan ng programang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko, lalo na yung mga solid Showtime na nandidito, alam niyo kung ano ang pinagdadaanan ng programa namin ever since.

“Pero dahil sa pagpapala ng Panginoon, sa tulong ng napakarami, sa suporta ng napakaraming tao.

“At sa pagpupursige ng lahat ng mga taong nasa likod ng programang ito, ang aming direktor, ang aming mga writers, ang aking mga co-hosts, patuloy kaming nabibigyan ng oportunidad para makapagpasaya ng Madlang People.

“And these days, it’s really very hard to entertain our society of highly opinionated and highly entitled people.

“Mga taong laging ang daming sasabihin sa ginagawa mo, sa programa niyo, sa content niyo, sa segment ninyo na parang wala kayong ginagawang tama.

“Gayon pa man, hindi sumusuko iyong lahat ng tao na bumubuo ng programa namin.

“Kaya natutuwa ako na hanggang ngayon, pinipili niyo pong panoorin ang It’s Showtime.

“Ang again, thank you very much sa Madlang People for making It’s Showtime the most relevant noontime show now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga kinabog ng It’s Showtime sa kategoryang Best Variety Show ay Eat Bulaga, ASAP, Kada Umaga, TikToClock, at Letters & Music.

Read: GMA Network records PHP2.2B net income in 2025; to increase digital presence

vice ganda famas broadast arts awards
Vice Ganda with FAMAS officials
Photo/s: Jerry Olea

BEST HOST FOR ENTERTAINMENT

Ang kasunod na award ay Best Host for Entertainment, na pinagwagian ni Vice Ganda para sa It’s Showtime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katunggali rito ni Vice sina Dingdong Dantes ng Family Feud, Anne Curtis ng It’s Showtime, Tito, Vic & Joey ng Eat Bulaga!, Boy Abunda ng Fast Talk with Boy Abunda, at Edric C. Calma ng Wow.

“Yehey, meron na akong FAMAS for TV!” masayang bulalas ng Unkabogable Superstar.

“Binigyan nyo ako ng FAMAS for movies, ngayon naman for broadcast. Maraming-maraming salamat. First niyo ito, at first ko rin ito.

“Thank you so much for seeing me. Thank you so much for appreciating me, for validating my hard work, my purpose, my passion, my talent, my skills.

“Maraming-maraming-maraming salamat po.”

Ibinahagi ni Vice ang tropeyo sa mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

Iniisa-isa niya ang pangalan ng co-hosts, kabilang ang mga bagong kasama na sina Brent Manalo at Ralph de Leon, pati ang Showtime Baby Dolls.

Nakaligtaan niyang banggitin si Kim Chiu.

Dagdag ni Vice: “Nakakatuwa! Pero bukod po dito, kasi kanina nung pupunta ako rito, sabi ko, ‘Ano ang mapapala ko pag pumunta ako sa event na yun bukod sa mano-nominate ako o baka manalo ako?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pinaka-take away ko ngayong gabing ito, I am just so happy to be here because aside from this trophy, I was able to witness the excitement in the eyes of these children tonight.

“You guys inspire me. Kanina pa ako nakatingin dito sa mga batang ito. Sabi ko, ‘Grabe yung mga mata nila! Excited na excited sila, at sila yung pinakamasaya tonight.’

“Sabi ko, ‘I wanna still be these children na hindi nawawala ang excitement.’”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang cast ng educational YouTube channel na Sining Bulilit.

Umokopa sila ng dalawang mesa, na ang isa ay katabi ng mesang inupuan nina Vice, Korina Sanchez, at RS Francisco.

Tinalo ng Born to Be Wild ang Sining Bulilit sa kategoryang Best Educational Show.

Pinagkalooban ang Sining Bulilit ng Special Citation for Excellence for Children’s Arts Education.

Naging best actor si Vice sa 73rd FAMAS Awards noong Agosto 22, 2025 para sa MMFF 2024 entry niyang And The Breadwinner Is…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tabla sila ni Arjo Atayde na nagwagi para naman sa MMFF 2024 entry nitong Topakk.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla eyed for a reunion movie?

NAKAKAWALA NG AMATS

Pagpapatuloy ni Vice: “For 16 years, I’ve been performing in front of the camera para panoorin niyo sa noontime show.

"Araw-araw for 16 years, at minsan po talaga napapagod ako.

“Nawawalan ako ng gana. Naiirita ako. Nai-stress ako sa dami ng nangyayari sa paligid, sa loob at sa labas ng building at ng studio.

“Sa buong Pilipinas. Nakaka-stress din po, especially Showtime has been airing live for the past 16 years.

“Imagine niyo yung 16 years na yun, minsan, bilang pangkaraniwang tao lang, minsan nakakawala talaga ng amats.

“Yung parang ambaba ng amats ko… hindi ako ganadung-ganado. Parang hindi ko masyadong bet.

“Pero seeing these children tonight made me realize — dapat ganyan, dapat excited tayo para masaya tayo.

“Because if you lose excitement, you lose the fun. If you lose the fun, you lose the joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And thanks so much for exciting me tonight. Aside from these children, nung narinig ko, nakita ko at ginawaran niyo si Miss Tina Loy, that gave me so much inspiration.

“Oh my God, hearing those stories, seeing her presence, feeling her energy tonight, and being able to witness her, and hear her voice na sobrang crisp pa.

“Sabi ko nga kay Miss Korina kanina, ‘Grabe, 90 years old na siya?! Ganyan pa kalinaw at kaganda yung boses niya.’

“Maririnig mo yung conviction niya. Maririnig mo yung disiplina sa lalamunan niya. Ninety years old, di ba?

“It would require so much discipline para ma-preserve niya yung ganung boses. Di ba?”

Si Tina Loy ang pinagkalooban ng Rosa Rosal Lifetime Achievement Award. Ika-90 kaarawan niya sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards.

Ipinagmalaki niya na 78 taon na siyang broadcaster.

Dalawang beses niyang ipinagmalaki, “I belong to the golden years of radio!”

tina loy famas broadcast awards
Tina Loy
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INSPIRATION

Sabi pa ni Vice Ganda: “Bukod sa tropeyong ito, this event gave me so much inspiration. And I’m so looking forward to going back to the [Showtime] studio tomorrow.

“Carrying this inspiration from the children and from Miss Tina Loy and this trophy.

“Maraming-maraming-maraming salamat po! At sana mabuhay muli na buhay na buhay ang telebisyon.

“At kasabay nito yung pagta-thrive ng iba pang mga platforms… ng YouTube, ng Facebook, at ng mga content creator.

“Sana lahat tayo magtagumpay, mabuhay tayong lahat! Maraming-maraming salamat po.”

Nagpalakpakan ang audience at sumigaw ang cast ng Sining Bulilit, “We love you, Meme Vice!!!”

Read: Vice Ganda admits It's Showtime lapses after viral organ system issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda gets candid about burnout after 16 years on It's Showtime: “Araw-araw for 16 years, at minsan po talaga napapagod ako. Nawawalan ako ng gana. Naiirita ako... Imagine niyo yung 16 years na yun, minsan, bilang pangkaraniwang tao lang, minsan nakakawala talaga ng amats. Yung parang ambaba ng amats ko… hindi ako ganadung-ganado. Parang hindi ko masyadong bet."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results