PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

I-Witness debunks claims against Kara David's Subic dumpsite docu

I-Witness cites government documents supporting its report on the Subic dumpsite
by PEP Troika
Published 6 hours ago
kara david i-witness
Award-winning public affairs program I-Witness releases an official statement addressing viral claims about Kara David's Ibinasurang Paraiso, stressing that its documentary is backed by official government documents and reaffirming its commitment to accurate, fair, and responsible journalism.
PHOTO/S: GMA Public Affairs YouTube

NOEL FERRER

Naglabas ng official statement ang programang I-Witness kaugnay sa “Ibinasurang Paraiso” documentary.

Ipinost ito sa kanilang Facebook page noong Hulyo 21, 2026, Martes.

Noong una’y English ang official statement.

Narito ang kabuuan ng official statement na Tagalog:

"Noong Hulyo 11, 2026, ipinalabas ng I-Witness ang 'Ibinasurang Paraiso,' isang dokumentaryo ni Kara David na naglahad ng epekto ng open dumpsite sa Sitio Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales.

"Inilahad ng dokumentaryo kung paano pinayagan ang operasyon ng open dumpsite sa loob ng ancestral land ng mga Aeta na nagdudulot ng panganib sa kanilang buhay at kalusugan.

"Batay sa mga opisyal na dokumentong nakalap at sinuri ng I-Witness, anim na taon nang nag-operate ang dumpsite nang walang kaukulang permit.

"Noong 2022 pa lamang, natuklasan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lumalabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang dumpsite.

"Sa kabila ng mga natuklasang ito, nagpatuloy pa rin ang operasyon ng dumpsite, kaya muling naglabas ang DENR ng Cease-and-Desist Order noong Marso ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inatasan din ng DENR na ilipat ang mga basura sa isang accredited sanitary landfill bilang bahagi ng pagsasara ng dumpsite.

"Matapos maipalabas ang dokumentaryo, umani ng atensyon ng publiko ang isyu at panawagan para sa agarang aksyon.

"Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang naglabas ng Cease-and-Desist Order ang DENR ngayong buwan."

Read: Daniel Matsunaga not rushing to get married, "happy" for ex-girlfriends

i-witness statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOTOO AT MALING PAHAYAG

Pagpapatuloy ng statement: "Gayunman, nitong mga nakaraang araw, kumalat sa social media ang ilang maling pahayag kaugnay ng dokumentaryo.

"Naniniwala kaming mahalagang tugunan ang mga ito batay sa kung ano ang totoo.

"MALING PAHAYAG: Ang dumpsite ay nasa pribadong lupain.

"TOTOO: Mahigit isang buwan ang ginugol ng I-Witness sa pagsasaliksik at pagdodokumento ng kuwento. Sa prosesong ito, nakakuha ang team ng kopya ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) na inilabas ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na nagpapatunay na ang lugar ay bahagi ng ancestral land ng mga Aeta. Batay din sa official records ng NCIP, ang Sitio Tibag, kung saan matatagpuan ang dumpsite ay nasa loob ng kinikilalang saklaw ng ancestral domain ng Aeta Ambala Indigenous Cultural Community.

"MALING PAHAYAG: Walang mabahong amoy na nagmumula sa dumpsite.

"TOTOO: Nakapanayam ng I-Witness ang mga residenteng nakatira malapit sa dumpsite. Marami sa kanila ang nagsabing ilang taon na nilang tinitiis ang mabahong amoy, lalo na kapag tag-ulan. May mga pamilyang nagsabi sa team na napilitan silang lisanin ang kanilang mga tahanan dahil sa epekto nito sa kanilang kalusugan at araw-araw na pamumuhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"MALING PAHAYAG: Ilang kilometro ang layo ng komunidad ng mga Aeta sa dumpsite.

"TOTOO: Nakita ng team ang ilang abandonadong bahay na matatagpuan ilang metro lamang mula sa tambakan ng basura. Ayon sa mga residente, may mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa matinding baho, pagdami ng mga langaw at pangamba sa pangmatagalang epekto nito sa kanilang kalusugan. Nagtungo rin ang grupo sa isang sapa sa paanan ng tambakan kung saan inaanod ng umaagos na tubig ang mga basura. Ayon sa mga residente, hindi na ligtas inumin ang tubig mula sa sapang ito. Bukod dito, nakapanayam ng I-Witness ang chieftain at council of elders sa kalapit na Sitio Alibang, isang mas malaking pamayanang nasa paanan ng bundok. Sa mga panayam na nakunan sa video, kinumpirma ng mga pinuno ng komunidad na ang ilan sa kanilang tradisyunal na lugar ng pangangaso at pinagkukunan ng kabuhayan ay matatagpuan sa parehong lugar kung saan naroroon ang tambakan ng basura. Ipinahayag nila ang kanilang pangamba sa patuloy na operasyon ng tambakan, ngunit sinabi nilang wala silang kapangyarihang mapatigil ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang mga natuklasang ito ay hindi lamang nakabatay sa mga personal na salaysay. Sinusuportahan ang mga ito ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaan at naaayon sa mga natuklasan at naging hakbang ng DENR.

"Ang epekto ng tambakan ng basura ay hindi lamang nasusukat batay sa presensya o kawalan ng mga bahay sa paligid o kung may masangsang na amoy man ito o wala.

"Mahalagang isaalang-alang ang pangmatagalang epekto ng hindi wastong pagtatapon ng basura sa kapaligiran at kagubatan.

"Sa loob ng halos tatlong dekada, nananatiling tapat ang I-Witness sa tama, patas at responsableng pamamahayag. Ang bawat dokumentaryo ay nakabatay sa masusing pananaliksik at mapanuring pag-uulat.

"Buo ang aming paninindigan sa dokumentaryong 'Ibinasurang Paraiso' at sa mga katotohanang inilahad nito."

Read: Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash

i-witness statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nagwagi ang “Embalsamador de Motor” ng I-Witness bilang Best Documentary sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards noong Hulyo 20, 2026, Lunes, sa The Manila Hotel, Ermita, Manila.

Ang tumanggap ng tropeyo ay si Kara David, na inialay ang tropeo sa magigiting na riders ng T’boli South Cotabato.

Facebook post ni Kara noong Lunes: “Ito yung litrato namin kasama ang mga ‘embalsamador de motor’ ng south cotabato, pagkatapos ng isang buong araw na pagmomotorsiklo sa kabundukan ng TBoli.

“Napagsarhan na kami ng mga kainan kaya, isaw na lang ang aming nilantakan. Saludo ako sa malasakit ng Team Horror sa kanilang mga ka-tribo.

“Sila ang halimbawa ng tunay na public servant. Walang karangyaan, walang kapangyarihan… pero maglilingkod hanggang kamatayan. Isang karangalang makilala kayo! Sa inyo po ang award na ito. Congratulations po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KARA DAVID WEARS TRADITIONAL NECKLACE

Nag-post kapagkuwan si Kara kaugnay sa suot niyang kuwintas: “Wearing a traditional necklace given to us by the people of Tboli, South Cotabato at the FAMAS Awards for Broadcast Arts.

“When we learned that our I-Witness episode, Embalsamador de Motor, was nominated for Best Documentary, Direk Sunshine and I decided to wear these necklaces as a tribute to the Tboli riders who brave treacherous mountain roads to bring an essential service to remote communities.

“Salamat, FAMAS, for this recognition. Salamat sa ating mga embalsamador de motor. Saludo kami sa inyong tapang, malasakit, at dedikasyon!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEST PUBLIC AFFAIRS TALK SHOW

Nanalo naman bilang Best Public Affairs Talk Show ang I-Listen with Kara David.

Ang Facebook post ni kaugnay rito: “What I love most about my job on I-Listen is the opportunity to talk to ordinary people with extraordinary lives. At the same time, I also get to interview celebrities and discover the person behind the fame and the spotlight.

“Celebrity man o hindi, lahat tayo may kuwentong dapat pakinggan. Kuwento na kapupulutan natin ng aral.

“Maraming salamat FAMAS awards for Broadcast Arts sa pagkilala sa aming munting programa. Higit sa lahat, salamat sa mga taong nagbahagi ng kanilang kuwento. Salamat sa pagtitiwala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang tropeo para kay Kara. Tabla sila ni Ivana Alawi bilang Best Host for Public Service.

Wagi si Kara para sa I-Listen, at si Ivana para sa kanyang eponymous YouTube channel.

Ang Facebook post ni Kara kaugnay rito: “Waaaaahh! Maraming salamat FAMAS awards for Broadcast Arts. This was totally unexpected. Salamat po sa pagkilala sa aming mga programa.

“Makaaasa po kayo na lalo pa naming paghuhusayan ang aming trabaho. Salamat sa GMA at lalo na sa aking I-Witness at I-Listen teams sa inyong dedikasyon sa trabaho.

“Higit sa lahat, salamat po sa lahat ng Pilipinong nagtiwalang magbahagi ng kanilang kuwento. Salamat po sa pagtitiwala. Alay namin ito sa inyo!

“At siyempre, salamat po Panginoon.”

Ang lalo ko pang ikinahanga kay Kara ay ang kanyang kaaya-ayang ngiti habang hawak ang tatlo niyang tropeyo.

Pagkabibigat ng bawa’t tropeo — nahawakan ko yung tropeo ni Bb. Tina Loy na Rosa Rosal Lifetime Achievement Awardee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero si Kara, kayang-kayang hawakan ang tatlong tropeyo with matching smile. Mabuhay ka, Kara David!

Read: 1st FAMAS Broadcast Arts Awards: Highlights and sidelights

GORGY RULA

Sa 28 competitive categories ng 1st FAMAS Broadcast Arts Awards, nagkaroon lamang ng tabla ay sa kategoryang Best Host for Public Service kung saan wagi sina Kara David at Ivana Alawi.

Kinabog nila sina Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho, GMA), Vicky Morales (Wish Ko Lang, GMA), Dra. Edinell Calvario (Hiling Galing, GTV), at PAO Chief Atty. Percida Rueda-Acosta sa eponymous YouTube channel nito.

kara david ivana alawi famas
Kara David and Ivana Alawi
Photo/s: FAMAS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inayos pa ni Kara ang laylayan ng gown ni Ivana habang nasa entablado sila.

“Na-starstruck ako kay Ivana Alawi!” bulalas pa ni Kara.

Nagpasalamat muli si Kara sa FAMAS saka nagturan: “Lagi ko pong sinasabi, yung mga parangal na ito ay hindi naman talaga… hindi naman talaga sa amin.

“Ito po ay bunga ng paghihirap ng aming crew, ng aming staff, lahat po ng cameraman, production crew, production assistant. Ito po ay bunga ng kanilang paghihirap.

“But more than that, nagpapasalamat po ako sa lahat po ng mga taong pinagkatiwalaan po nila ako ng kanilang mga istorya.

“Kasi wala po kaming maikukuwento kapag hindi po sila nagtiwala sa amin.

“So, sa lahat po ng mga nagpainterbyu sa amin, at lahat po ng mga komunidad na pinapasok kami sa kanilang mga tahanan — maraming-maraming-maraming salamat po sa pagtitiwala…

“Makakaasa po kayo na iyung tiwala ninyo ay pahahalagahan ko po.”

IVANA ALAWI'S THANK-YOU SPEECH

Nagpasalamat din muli si Ivana sa FAMAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Earlier kasi ay nagwagi ang kanyang eponymous YouTube channel bilang Best Public Service Show.

Sabi pa ni Ivana: “I actually want to share this with also my co-nominees dahil napakaganda talaga ng mga ginagawa din nila.

“And again, with everything that’s happening in this world, I think it’s very, very important na nagse-share tayo ng positive contents and tumutulong tayo sa ating mga kababayan.

“Because di ba, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang?

"So, maraming-maraming salamat uli sa FAMAS. Thank you so much! God bless everyone!”

Read: Vice Ganda wins two FAMAS Broadcast Arts Awards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning public affairs program I-Witness releases an official statement addressing viral claims about Kara David's Ibinasurang Paraiso, stressing that its documentary is backed by official government documents and reaffirming its commitment to accurate, fair, and responsible journalism.
PHOTO/S: GMA Public Affairs YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results