PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Kim Chiu put feud rumors to rest on It's Showtime

No feud, no drama.
by PEP Troika
Published 7 hours ago
vice gand akim chiu it's showtime
Vice Ganda and Kim Chiu put an end to feud rumors after appearing together on It's Showtime following the controversy over Vice's FAMAS acceptance speech and their viral exchange on X.
PHOTO/S: GMA Network YouTube

GORGY RULA

Hulyo 20, 2026, Lunes ng gabi, sa The Manila Hotel, nagwagi sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards ang It’s Showtime bilang Best Variety Show, at si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment para sa It’s Showtime.

Sa acceptance speech ni Vice bilang Best Host for Entertainment ay binanggit ni Vice ang co-hosts sa It’s Showtime, maliban si Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, Hulyo 21, Martes ay nagkita at nagkausap sa programa sina Kim at Vice.

Afterwards ay nagkaintrigahan sa X (dating Twitter). Inookray kasi si Vice ng fans ni Kim.

Sumagot si Vice na naka-tag si Kim. Nag-post din si Kim sa usapin.

Read: Vice Ganda wins two FAMAS Broadcast Arts Awards

ALL'S WELL BETWEEN VICE GANDA AND KIM CHIU

Maraming nag-abang sa It’s Showtime ngayong Miyerkules, July 22, kung papasok ba pareho sina Kim at Vice, o kung may a-absent sa kanila.

Sa simula pa lang ay pinik-ap agad ng netizens ang tili ni Kim na pawang banat daw siya ngayon.

Wala pa si Vice Ganda sa opening kung saan in-interview ng hosts ang guests nilang 4Play.

May joke sina Jhong Hilario na naka-braid ang buhok, at nabanggit si Snoop Dogg.

Hindi ito na-gets ni Kim, kaya nagtanong siya kung ano ito.

Aniya, “Hindi ko naintindihan. Anong banat yun? Uy, ha? Sobra! Ang dami nang banat sa akin. Tama na!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero walang sumagot, tahimik lang ang mga co-host niya.

Diretso na sila sa pagpapasayaw ng "Oh Lala" sa grupong 4Play.

Umapir si Vice Ganda sa "Miss Q & A," kasama sina Jhong at Vhong Navarro.

Pagdating sa huling segment nilang "Laro Laro Pick," kasama na ni Vice Ganda sina Kim at Amy Perez.

Parang wala naman.

Okay naman silang dalawa, na parang walang isyung nagpalitan ng post sa X.

Tama ang ipinost ni Vice Ganda na wala silang away.

May nag-post na akala raw nila ay may um-absent na isa sa kanila,

May pumuri rin kay Kim na bilib daw sila sa energy ng aktres, na pumasok pa ito kahit may flight pa raw sa araw na ito.

Kaya ayun! Trending pa rin sila sa X hanggang ngayon.

Read: Vice Ganda claps back at Kim Chiu fans' "kacheapan"; Kim reacts

JERRY OLEA

Much ado about nothing.

Mortal sin ba na nakaligtaang banggitin ni Vice Ganda ang pangalan ni Kim Chiu?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maliit na bagay.

I believe, hindi kailangan to make a mountain out of a molehill.

I believe, hindi nakakaganda to make an elephant out of a mosquito.

I believe, ka-cheap-an na malunod sa isang tasang tubig kahit pa electrolyzed yan.

And I thank you!!!

NOEL FERRER

All’s well that ends well.

Kung makapag-react naman kasi ang ibang tao, wagas.

May nag-accept nga ng award na di napapasalamatan ang jowa o kahit ang direktor o produ man lang ng proyekto, di ba?

Hindi isang awards speech ang puwedeng makasira ng magandang pinagsamahan.

Period na sana itong isyu na ito.

Read: 1st FAMAS Broadcast Arts Awards: Highlights and sidelights

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Kim Chiu put an end to feud rumors after appearing together on It's Showtime following the controversy over Vice's FAMAS acceptance speech and their viral exchange on X.
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results