JERRY OLEA
Last week ng June 2026 nang maulinigan kong may reunion project sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa TV5.
Pinagsabihan ako ng aking source na off the record pa iyon.
Noong Hulyo 2, natawa ako sa lumabas na meme online kung saan may litrato nina Jona, Jolina, at Marvin.
Nakalagay sa itaas ng ulo ng bawa’t litrato, “June Na, July Na, August 10.”
Nagkataon ba iyon o sinadya?
Noong Hulyo 14, nag-shout out sa Facebook si Direk Roman Perez Jr., “End of an Era.”
Ibig sabihin, tigil muna sa VMX (Vivamax) si Direk Roman. Magdidirek siya sa TV5.
Nang araw ring iyon ay nakumpirma ko sa aking source na si Direk Roman ang direktor ng TV show nina Jolens at Marvin.
Quiet pa rin ako. Ayaw kong i-preempt ang production.
Read: Will Ricky Lee's Ishmael Bernal biopic be ready for MMFF 2026?
JOLINA AND MARVIN TO STAR IN A DAILY SERIES
At ngayong Hulyo 22, Miyerkules, may Facebook posts si Direk Roman ng pix nina Jolina at Marvin (solo and group photos).
Ang captions: “July Na [heart emoji] August 10. Soon on TV5”
“Soooooon [heart emoji]”
Opo! Sinadya na August 10 (as in “Agustin”), Lunes, ang simula ng taping ng morning show nina Jolens at Marvin — bago mag-umpisa ang Ghost Month sa August 13.
Magsisimula naman ang pag-ere nito sa TV5 sa Setyembre 14.
Opo! Daily show ito, mapapanood bago ang Eat Bulaga!, at nakalatag ang three seasons nito.
Opo! Maliban kay Dominic Ochoa, kasama sa cast ng “bantayan serye” na ito sina Susan Africa, Cedrick Juan, Roxanne Guinoo, Pearl Gonzales, at ilang talents ng Star Worx.
Gagampanan ni Marvin dito ang mayamang may-ari ng school na may anak na babae, na gagampanan naman ng isang taga-Star Worx.
Ang wish ko lang… mag-guest dito si Jona. Para matupad ang manifestation na “June Na, July Na, August 10”!
Read: 1st FAMAS Broadcast Arts Awards: Highlights and sidelights
GORGY RULA
Itong morning show nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang isa sa ia-announce ng TV5 sa media conference na gagawin nila sa pagpasok ng buwan ng August.
Nauuso nga ang mga nostalgia na projects, kaya tingnan natin kung babalik ang magic ng kanilang tandem.
Sinubukan nila sa pelikula, ang Ex Ex Lovers nung Pebrero 2025, pero hindi hindi ganun kainit ang pagtanggap sa naturang pelikula.
Sa material na lang talaga ito, kung kuwela siya.
Mas type ng manonood ang simpleng kuwento, basta masaya lang.
Malaking bagay kung madadala ito ng mga batang artista.
Masusubukan natin ito sa mga isasaling taga-Block 1 ng Star Worx ni Mr. M.
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."
NOEL FERRER
Nakakatuwa kung totoo ang naulinigan namin na guard ang papel dito ni Jolina Magdangal.
Matatandaan na sa ABS-CBN, ang kumare at kaibigan ni Jolina na si Juday ay naging policewoman din sa kanyang show na “George and Cecil” with husband Ryan Agoncillo who played the role of a teacher.
Ngayon, ano naman kaya ang role ni Marvin Agustin? Isang trabahong hindi stereotypically na panlalaki para interesting?
Aabangan natin ang programang ito. Pati na ang magiging third wheel.
Magiging kakaiba sana ito sa mga nakasanayan na nating panoorin para may bago naman.
Kayo, mga viewers, ano sa tingin ninyo ang magiging interesting twist ng reunion project nina Marvin at Jolina?
Gandahan at sayahan ninyo ang suggestions, malay ninyo, baka ma-pick up ito ng mismong tagagawa ng programa, di ba?
Good luck!!!
Read: Vice Ganda, Kim Chiu put feud rumors to rest on It's Showtime
