JERRY OLEA
Kabilang sa candidates ng Mr. Philippines 2026 ang 20-anyos na si Nate Reyes na ni-represent ang San Juan City.
Si Nate ay pamangkin nina Ara Mina at Cristine Reyes, at naging bahagi ng Starkada ng Net 25.
Si Ara ang nagpasok sa kanya sa Starkada at tumayo na ring manager nito.
Kapatid nina Ara at Cristine ang ama ni Nate, pero may kinikimkim palang sama ng loob ang binata sa kanyang ama.
NATE REYES OPENS UP ABOUT ESTRANGED FATHER
Hindi na maalala ni Nate kung kailan pa raw sila huling nagkita ng kanyang ama. Lumaki siya sa kanyang ina at sa pamilya nito.
“Hindi ko rin po alam bakit ginawa yun ng father ko. Kasi, ever since nung ipinanganak ako ng mother ko, wala po siya sa Philippines. Sa Dubai po siya,” pagbabahagi ni Nate nang mainterbyu ng PEP Troika noong Hulyo 12, 2026 sa Valencia Events Place, Quezon City.
Umiiling lang siya nang tinanong namin kung gumagawa ba ng paraan ang kanyang ama na magkita sila o makipag-communicate sa kanya.
Ang bumabawi raw sa mga pagkukulang ng kanyang ama ay ang mga kapatid nito na sina Ara at Cristine.
"Sina Tita po, okay po sila… maalagain po sila. Sila po ang bumabawi,” sabi ni Nate.
Ayaw raw ni Nate na magtanim pa ng galit. Pero aminado siyang hindi pa mawawala ang tampo niya sa kanyang ama.
“Ginagamit ko siya as motivation para ipagpatuloy yung buhay ko,” sabi ni Nate.
Ang kanyang ina lang daw ang nagtataguyod para matapos niya ang kanyang pag-aaral.
Kaya raw siya sumali sa Mr. Philippines, para kahit paano ay makatulong sa kanyang ina. Gusto rin daw niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista.
“Siyempre, financially, we’re not stable. Kaya ako sumali, mag-showbiz, para makatulong sa mommy ko,” sabi pa ni Nate.
Hiningan si Nate ng mensahe para sa kanyang ama.
Ilang sandali siyang natigilan bago sumagot: “Ang puwede kong sabihin sa kanya?
"‘I don’t need you.’ “Growing up kasi, he’s not present. So, I don’t need him.”

MR. PHILIPPINES 2026 FINALS
Sa August 2 na ang finals ng Mr. Philippines 2026 na gaganapin sa Palacio de Maynila sa may Roxas Boulevard, Malate, Manila.
Tatlong titles ang paglalabanan ng mahigit 50 candidates — Mr. Philippines Grand International, Mr. Philippines Model International, at Mr. Philippines World Quest.
Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react
GORGY RULA
Halos lahat ng sumali sa Mr. Philippines 2026 ay gustong mag-artista.
Ang iba ay nagsisimula na, pero sa tingin nila ay makakatulong din ang pagsali nila sa naturang patimpalak.
MAURO SALAS
Isa na rito ang hunk na si Mauro Salas ng Quezon City.
Halos anim na taon na ang nakaraan nang isinali siya sa pelikulang Lockdown ni Direk Joel Lamangan.
“Ako lang ang hindi naghubad dun,” bulalas ni Mauro nang nakatsikahan namin sa guesting nila sa DZRH.
Pero ngayon ay napahubad na siya sa ginawa niyang pelikula sa VMX, ang Haplos ni Milagros, na nakatakdang mag-streaming sa Agosto 21.
Doon siya naghubad, pero hindi raw siya magpo-frontal.
Pero nagsimula si Mauro sa sing and dance dahil naging member siya noon ng isang P-Pop boy group.
“Dati gusto ko lang talaga mag-perform, e. Tapos ngayon gusto ko na mag-artista, lalaruin ko na lang,” sabi pa niya.

Confident daw siya sa katawan niya kapag paghuhubarin siya.
Ang hindi lang daw niya magawa sa ngayon ay ang BL na projects.
Aniya, “Ang limitations ko lang siguro, sa mga BL ganyan. Hindi naman ako against sa ano… nagsu-support naman ako sa LGBTQIA.
“Ano lang, restrictions ko lang yun sa sarili ko. Hindi ako kumportable sa guy-to-guy. Sa babae lang.”
Si Mauro ay alaga ni Lito de Guzman, na nagma-manage din sa Mr. Philippines 2026 candidate na si Niko Valdez.
May erotic scene si Niko with Margaret Diaz sa VMX movie na Booking, na nag-streaming umpisa Hulyo 24.
Read: Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash
NOEL FERRER
Nag-aartista na rin ngayon ang tsinitong 25-year-old candidate ng Mandaluyong City na si Zandro Sales.
Pagkatapos niyang sumali sa Mr. Grand Philippines 2024, kasama siya sa mga winners na kinuha ng Regal Entertainment.
Madami-dami na rin siyang nagawa sa Regal, at natutuwa siya dahil mababait daw ang mga artistang nakatrabaho niya.
Ani Zandro: “Yes po. Lalo na si Vandolph, si Royce Cabrera. Until now nagme-message kami… si Cheska Fausto, ganyan.
“Yung mga nakatrabaho ko kasi, parang hindi ko na-feel na big stars na sila. Sobrang babait nila.
“Thankful talaga ako na nakasama ko sila. Ang dami kong natutunan sa kanila, e.
“Pag kaeksena mo mga mahusay na artista, mahawa ka, e. So, yung mga ganung eksena.
“Right after, pag after the shooting na, nagme-message pa sila.”

Nasubukan na ni Zandro manalo sa ganitong male pageants. Pero itong pagsali raw niya sa Mr. Philippines 2026 ay napaka-challenging para sa kanya.
“Yes. challenging siya, because Mr. Philippines is different sa ibang pageant na male. Kasi Mr. Philippines is like MGI All Stars.
“We all know naman na most of the candidates in Mr. Philippines are titleholders from different pageant, platforms.
“So, nakakatuwa na nagsama-sama kami dito. So, we’re just enjoying the moment.
“We get to share sa ibang pageants, ngayon sa Mr. Philippines, nadadala namin,” saad ni Zandro.
Read: Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash
