PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queenay Mercado still admires Joshua Garcia despite controversy

Queenay Mercado hopes loveteam with Mark Ian Garcia continues.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
queenay mercado jodhua garcia
Queenay Mercado on idol Joshua Garcia (inset) being embroiled in controversy: Siyempre ang paghanga ko naman sa kanya is bilang siya — hindi dahil sa kung ano man controversies ang nababato sa kanya o political side. Siya ay hinahangaan ko bilang isang aktor, bilang siya mismo. So, yun lang po.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

GORGY RULA

Medyo nawawala na ang bakas ng pagiging probinsyana ni Queenay Mercado. Ang dating niya nowadays ay glamorosa at sopistikada.

“To be honest, masaya po ako sa kung ano yung meron ako ngayon,” mabining lahad ni Queenay sa mediacon ng pelikulang Kaka Sa Yawan (Brothers by the River) noong Hulyo 26, 2026, Linggo, sa B Hotel, Quezon City.

“Sa growth ko bilang isang tao at the same time, pero alam niyo, hindi naman nawala yung pagiging probinsyana ko.

“Siguro mas nag-bloom lang siya. Mas nag-grow lang ako bilang isang tao. Kasi normal naman yun bilang isang tao at siyempre bilang isang artist.

“Tapos ayun nga, nakakatuwa din. Yung pagmamahal at suporta sa akin ng napakaraming tao, nandiyan. Kaya I’m happy and grateful po.”

Thankful si Queenay na dahil sa programang Vibe+ ng TV5 ay nahasa siya sa pagpe-perform at pagho-host. Namukadkad ang kanyang personalidad.

Aniya: “Maraming-maraming salamat ho. Pero alam ninyo kahit… I mean, nagbago ako in terms of like kunyari, nakakakanta na ako, nakakasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati kasi pang-TikTok-TikTok lang yung sayaw ko. Ngayon, sabi ko, parang nagkakaroon na ng, kumbaga, ng pag-iiba sa aking mga galaw, ganyan.

“Tapos sa hosting din, nahasa din yung hosting ko. Dati, I didn’t expect na kakayanin ko yung hosting.

“Kasi habang nanonood ako dati sa mga taong nagho-host sa TV, ganyan, sabi ko, ‘Parang ang hirap ng ginagawa nilang pagho-host.’

“Pero nung nandun na ako sa stage, nagho-host na ako, sabi ko, kaya ko pala. Na akala ko dati is hindi ko kaya. And nakaka-proud lang sa sarili ko.”

QUEENAY MERCADO ON JOSHUA GARCIA

Crush at hinahangaan pa rin ba niya ang kapwa taga-Batangas na si Joshua Garcia na pinag-usapan o medyo controversial recently?

Natigilan sandali si Queenay bago malumanay na sumagot: “Actually yeah, nakita ko nga din yan. And siyempre dumadaan din yan sa FYT ko.

“So ako naman, siyempre ang paghanga ko naman sa kanya is bilang siya — hindi dahil sa kung ano man controversies ang nababato sa kanya o political side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya ay hinahangaan ko bilang isang aktor, bilang siya mismo. So, yun lang po.”

Read: Pokwang, Meryll Soriano defend Joshua Garcia over pro-Sara post

NOEL FERRER

Bukod sa Vibe+ ay kasama si Queenay Mercado sa seryeng A Secret In Prague na bida sina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

May time pa ba siya sa lovelife?

Napangiti si Queenay: “May time pa ba ako sa lovelife? Parang wala. Wala na ho akong time sa lovelife.”

Walang nanliligaw o nagpaparamdam ba sa kanya sa Vibe+?

“Nanliligaw? Maraming naliligaw pero medyo busy rin po talaga ako kaya hindi rin po ako ganun ka-focused talaga sa lovelife ngayon,” hinay-hinay na tugon ng dalaga.

“Lalo na’t mas focused ako sa career and siyempre sa aking family.”

QUEENAY ON MARK IAN GARCIA

Nakaka-loveteam ni Queenay sa A Secret in Prague ang co-host niya sa Vibe+ na si Mark Ian Garcia. OK ang kanilang chemistry.

“Talaga? OK naman ba? May chemistry. Sinasabi naman ng iba, may chemistry naman daw,” saad ni Queenay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And maganda yung tandem namin. So sana, sana. Sana magtuluy-tuloy itong aming tandem ni Mark Ian.

“Kasi lalo na’t kung marami kaming napapasaya and at the same time, kung marami din naman ang sumu-support.

“Why not? Sana po, sana magtuluy-tuloy.”

mark ian garcia queenay mercado a secret in prague
Mark Ian Garcia and Queenay Mercado
Photo/s: Facebook

Malapit nang magkaibigan sila ni Mark Ian, at alam na niya ang ugali at personality nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Mark Ian talaga, to be honest talaga, sa personal, parang sobrang mahiyain po talaga siya!” bulalas ni Queenay.

“Parang medyo may side of pagka-Angelito talaga siya. Pero nakakatuwa naman kay Mark Ian, sobrang bait din niya talaga.

“And sobrang caring din niya talaga sa personal. So sabi ko nga, ‘Para ka ring si Angelito talaga in person!’”

Angelito ang pangalan ng character ni Mark Ian sa A Secret in Prague.

Tahasang sinabi ni Queenay na hindi niya crush si Mark Ian.

“But then kasi, parang may personality traits siya na parang alam mo, OK din. OK din kung magiging boyfriend, ganyan.”

Sinasabihan na ba siya ni Mark Ian ng mga secret nito?

“Uy, hindi naman! Hindi naman siya nagkukuwento ng kanyang secrets sa akin,” sambit ni Queenay.

“Pero yung closeness namin, nasasabi ko naman na we’re very close to the point na minsan, pag nagkikita kami…

“Kasi, nagra-run-run ako. So pag ano, nagra-run din siya. So sabi niya, ‘Uy, ano tayo, meet up tayo!’ Ganito, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, excited si Queenay sa marami pang pasabog ng teleseryeng ito kung saan may papasok na bagong karakter na gagampanan ng isang premyadong aktres.

Nasa 9:30 P.M. timeslot na ang A Secret in Prague umpisa Hulyo 27, Lunes.

Read: Erik Matti to Neil Daza: "Diretsuhin mo ako. Diretso akong tao."

JERRY OLEA

Dagdag sa dami ng ginagawa ni Queenay Mercado ang promo ng Kaka Sa Yawan na isa sa siyam na full-length features ng 22nd Cinemalaya filmfest sa Agosto 6-18, 2026.

Excited si Queenay dahil first time niyang mapasali sa Cinemalaya.

Kasama siyang nag-shooting sa Sitio Gran Vida sa Socorro, Oriental Mindoro.

kaka sa yawan cinemalaya 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time ko ring pumunta ng Mindoro! So kaya sobrang happy talaga,” salaysay ni Queenay.

“Sobrang ganda po roon, and I didn’t expect na ganun siya kaganda. Kasi, bilang first time ko nga po sa Mindoro, sabi ko, ‘Ano kaya yung meron dun?’

“So ngayon pagpunta ko, may mga ilog. Talagang napakarami ng puno, ganyan. So sabi ko, grabe, sobrang refreshing din at the same time.”

Kinabahan daw noong una si Queenay nang mapasama sa Cinemalaya 2026 film ni Direk Alpha Habon.

“Kasi nga, bukod sa first time ko nga itong Cinemalaya, siyempre iba rin yung mga may batikan kang aktor na kasama,” pagsisiwalat ni Queenay.

“Sina Miss Nikki Valdez, Luis Alandy. So sabi ko, ‘Medyo kinakabahan ako!’ Kasi baka mamaya, hindi ko masabayan yung mga pag-arte nila.

“At the same time siyempre yung arte sa film, iba din talaga. Mas focused ito sa mismong karakter, e.

“So unlike mga teleserye, fast paced iyan. So ngayon, sabi ko, I’ll just do my best and papakita ko kung ano yung kaya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap si Queenay sa movie bilang social worker na si Precious. Emotional support siya kay Niko, na ginampanan ni Beaver Magtalas.

Kumustang katrabaho si Beaver? Mabilis na sagot ni Queenay, “OK siya, sobrang bait niya!

"Na sabi ko nga, first time ko siyang makakatrabaho, and to be honest, nagkakakuwentuhan agad kami kahit first time lang naming mag-meet.

“So parang antagal na naming magkakilala. So ayun po, nakakatuwa siyang makatrabaho.”

kaka sa yawan cast
Kaka Sa Yawan cast and director: (from left) Karl Medina, Direk Alpha Habon, Beaver Magtalas, Deanne Bautista, Queenay Mercado, Nocolo Mercader, and Nikki Valdez.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAKA SA YAWAN

Nasa cast din ng Kaka sa Yawan sina Nicolo Mercader, Dennis Dato, Benedix Ramos, Deanne Bautista, Karl Medina, at Noelle Polack.

Ang theme song ng pelikula ay ang Kanlungan ni Noel Cabangon.

Prinodyus ito ng Bryce Entertainment Production at IGMM Film Productions.

Ang gala ng Kaka Sa Yawan ay sa Agosto 7, Biyernes ng 8:30 P.M., sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Ang talkback session ng pelikula ay pagkatapos ng screening sa Agosto 9, Linggo ng 5:30 P.M., sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza.

Ang primary venue ng Cinemalaya 2026 ay sa Shangri-La Plaza kung saan ipapalabas ang mga kalahok sa apat na sinehan doon.

Ipapalabas din ang entries ng 22nd Cinemalaya sa apat na sinehan ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, at sa mga sinehan ng Ayala Malls sa Ayala Malls Manila Bay, Glorietta, Ayala Malls Circuit, Market! Market!, at Trinoma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ticket prices para sa Cinemalaya 22: Reel Reflections ay P350 (regular) at P250 (student).

May 20% discount para sa senior citizens, PWDs, national coaches, at national athletes.

Read: Cinemalaya 2026: 9 feature films, 10 short films, 3 books

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queenay Mercado on idol Joshua Garcia (inset) being embroiled in controversy: Siyempre ang paghanga ko naman sa kanya is bilang siya — hindi dahil sa kung ano man controversies ang nababato sa kanya o political side. Siya ay hinahangaan ko bilang isang aktor, bilang siya mismo. So, yun lang po.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results