PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Priest apologizes to Kuya Kim; now a victim of cyberbullying

Fr. Jowel Gatus: "Hindi na dapat labanan ang mali ng isa pang mali."
by PEP Troika
Published A day ago
fr. jowel gatus kim atienza
Fr. Jowel Jomarsus Gatus (left) saays his misunderstanding with Kim Atienza (right) has already been resolved after issuing a public apology that the TV host accepted. However, the Pampanga priest reveals he continues to receive online insults and private messages that he considers cyberbullying.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Ibinahagi ng parish priest ng San Jose Parish ng San Fernando, Pampanga, na si Fr. Jowel Jomarsus Gatus sa kanyang Misa ngayong Martes, July 28, 2026, ang nararanasan niyang bashing dahil sa isyu nila ni Kuya Kim Atienza.

Nag-ugat ito nang magbigay ng homily si Fr. Gatus sa isa sa daily Mass niya kung saan natalakay ang isyu ng depression.

Pero ang pinik-ap at ipinost ng netizens ay ang sinabi ni Fr. Gatus na, “Ang daming taong may sakit sa ospital, lumalaban sa hamon ng buhay. Ikaw na pagkalusog-lusog, nade-depress.”

Ang daming nag-react, at isa na roon ay si Kuya Kim.

Ni-repost ito ni Kuya Kim, at ang nasa caption nito (published as is): “Depression is a sickness, a medical condition. Ang taong may mental illness ay lumalaban sa hamon ng buhay at ayaw magpa ospital dahil sa ganitong sitgma, sa ganitong pag-iisip Father.”

Mahaba ang mga sinabi ni Father Gatus, pero dahil lang sa pangungusap na yun, naiba na ang ibig sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FR. GATUS APOLOGIZES TO KUYA KIM

Hindi naman pinatagal ni Fr. Gatus ang isyu.

Gumawa siya ng sulat upang humingi ng paumanhin kay Kuya Kim at sa mga na-offend sa sinabi niya.

Ipinost ito ng pari sa Facebook account ni Kuya Kim.

Bahagi ng sulat nito: “It was never my intention to hurt you or your family nor was it my intention to discredit the experiences of those who suffer from depression.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I realize now that my words may have sounded as if I was diminishing a pain that is very real. For that, I sincerely ask for your forgiveness.”

Tinanggap naman ni Kuya Kim ang apology ni Fr. Jowel Jomarsus Gatus.

Sabi niya: “Your statement opened a conversation that is timely and urgent. Talking about it now saves young lives.

“I am sorry as well that some took it personally because they themselves are depressed or have lost loved ones because of depression.”

Sabi ni Fr. Gatus sa kanyang homily ngayong Miyerkules: “Pinadala ko po, pinost ko sa page ni Kuya Kim.

“Nagso-sorry din po ako sa lahat ng mga taong nakabasa nung aking homily.

“Nagpapasalamat po ako sa Diyos, dahil agad-agad naman pong nabasa, tinanggap ni Kuya Kim yung aking paghingi ng tawad.

“Natapos na po yung hindi pagkakaunawaan. Fineature pa nga ako ng GMA News — dalawang beses ito, e.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NIlinaw ni Fr. Gatus na kaagad siyang nahusgahan dahil lang sa linyang yun. Hindi napakinggan ang kabuuan ng kanyang homily.

Saad niya: “Kung yun lang po ang mababasa mo, maaring iisipin mo, na talagang manhid ako at wala akong malasakit sa mga taong dumaranas sa depression.

“Pero ang totoo lang po, ang ipinost nila ay isang pangungusap lang. Kinuha po nila ito mula dun sa 20-minute na homily ko.

“Ang buong punto ko po, dun sa homily…

“Kung matatandaan niyo po. Balikan niyo yung aking video ay tungkol po sa pasasalamat at sa perspektiba na minsan kapag natutunan mo tingnan ang buhay sa mas malawak na pananaw, doon gumagaan ang yung dinadala.

“Hindi ko po kailan man tinuro na hindi po totoo ang depression. Hindi ko rin po sinasabi na kasalanan ang magkaroon ng depression.

“Totoo naman po nanangangailangan ng tulong medical, psychological, spiritual ang mga taong nade-depress.”

Read: Vilma Santos: "Kapag hindi ka guilty, hindi ka dapat matakot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nag-sorry na si Fr. Jowel Jomarsus Gatus, pero hindi pa rin siya tinantanan ng bashing.

“Hindi pa pala tapos yung issue,” bulalas ni Fr. Gatus.

“Pagkatapos po nito, ang dami ko pong natatanggap na masasakit na salita galing po sa ibang tao.

“Nagko-comment, ang pangit ko daw. Mukha daw akong Bondying.

“May nagsasabi pong nagmamarunong daw po ako. May nagsasabi po na hindi daw po ako karapat-dapat na maging pari.

“Meron din pong nagsasabing kailangan ko daw pong magpatingin sa psychiatrist.

“At meron din pong nagdasal na sana, ang pamilya ko daw ay magkaroon ng depression. Para maintindihan ko daw yung nararanasan, pinagdaanan ng mga depresses.

“Okay lang naman po yun, e. Tanggap ko po yun.Palagi ko naman sinasabi sa inyo na sa buhay, talagang merong mga taong, hindi ka magugustuhan.

“At ang opinyon ng ibang tao tungkol sa iyo, hindi katotohanan tungkol sa iyong pagkatao.

“Hindi ko po pinepersonal yung mga negative moments ng iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang masakit daw kay Fr. Gatus ay ang natatanggap niyang mga pagmumura sa mga taong hindi niya kilala.

“Pero, meron pong malala ang ginagawa ng iba. Merong ibang tao, nagse-send sa akin ng message, minumura ako,” pagtatapat ni Fr. Gatus.

“Meron pong mga iba, nagpa-private message sa akin, napakalutong po ng mura nila. At para po sa akin, pagdating po sa mura, napakasama po niyan.

“Di ba? Sabi ko po sa inyo, that when you curse, you open your mouth for the devil to enter into your hearts.

“Yung mura po nila, parang hindi nila naiisip na may damdamin ako, may kaluluwa ako. Sa madaling sabi, nakakaranas po ako ngayon ng cyberbullying.

“Napakasakit pong basahin ng mga negative comments,” himutok ni Fr. Gatus.

]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FR. JOWEL GATUS'S REALIZATIONS

Dahil sa karanasang ito, nagbigay si Fr. Gatus ng mensahe at ang napagtanto niya: “Habang binabasa ko po ang mga ito, nagdadasal po ako. Nagtatanong. Nagmumuni.

“Kung gusto natin talagang ituwid ang mali, kailangan ba talaga gumawa pa din ng isa pang mali?

“Kung gusto natin mawala ang galit, kailangan ba talagang maghasik ka ng panibagong galit?

“Kung gusto natin mawala ang kasamaan, kailangan ba talagang gumawa ka ng panibagong kasamaan?

“Hindi ba parang merong mali sa mga nangyayari sa mga tao?

“Para bang gusto nating patayin yung apoy. Pero nagbubuhos po tayo ng mas maraming gasolina. Hindi po ba?

“You cannot fight fire with another fire. And yet the question is, if people have been burned with fire… sigurado naman po, alam ko ang mga nagagalit sa akin, nakakaranas ng depression.

“Alam naman pala yung karanasan ng nasasaktan, pero bakit ikaw ang nagiging daan ng pananakit, ng sakit ng ibang tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po yung pinagmumunihan ko. Iyun po yung pinag-isipan ko, pinagdasal ko over the weekend.”

Sabi pa ng pari, huwag sanang pagyabungin ang masamang damo na itinanim sa atin. Iyon daw ang kasalanan kapag tinutulungan pang palakihin ang masamang damong itinamin sa ating puso.

“Kaya nga gayahin natin si Kristo palagi. That we should choose to be good despite of the bad things that are happening in our life.

“Choose forgiveness even in the midst of anger. Choose to be humble, despite of the pride of other people.

“Hindi mo malalabanan, mapupuksa, mapapagtagumpayan ang masama sa pamamagitan ang isa pang masama.

“You cannot produce good by being evil. You do not fight evil with another evil.

“Kapag nilalabanan mo ang isang masama gamit ang isang masama ay parang merong apoy na binubuhusan mo ng gasolina. Hindi po ba?

“Ano ang tinutulungan mong tumubo sa ating puso? Isang mabuti ba o masama?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda apologizes over criticized It’s Showtime jokes

NOEL FERRER

Kaagad namang naayos ang isyu pagkatapos mag-sorry ni Fr. Gatus at tinanggap na ni Kuya Kim ang apology.

Kaya sana, tama na yung bashing. Ingat na lang talaga sa mga sinasabi lalo na sa publiko pati sa social media kasi may repercussions ito.

Lesson yun kay Father, at sa ating lahat.

Pero ingat din tayo sa reaction.

Kung mental health ang advocacy natin, dapat pati yung taong nagkamali, tratuhin natin nang may kindness.

Hindi natin maitatama ang mali ng isa pang mali. Hindi tayo maghi-heal by hurting others.

Kaya sa susunod, Father, Ingat.

At sa susunod na magko-comment tayo, ingat din.

Read: James Graham says moving to the U.S. helped him come out

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fr. Jowel Jomarsus Gatus (left) saays his misunderstanding with Kim Atienza (right) has already been resolved after issuing a public apology that the TV host accepted. However, the Pampanga priest reveals he continues to receive online insults and private messages that he considers cyberbullying.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results