JERRY OLEA
Tatlong bagong pelikula ang opening today sa local cinemas, ayon sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Films (CEAP).
Ang mga ito ay ang foreign films na Spider-Man: Brand New Day (PG), The Convenience Store (R-13), at Final Summer (R-16).
Opo! Kumpirmadong five consecutive weeks na walang bagong pelikulang Pinoy sa ating mga sinehan.
Naibalita na natin na three consecutive weeks na walang Pinoy movie na showing mula Hunyo 30, Miyerkules, hanggang Hulyo 21, Martes.
Read: No new Pinoy movie opens in cinemas for three straight weeks
Noong nakaraang Miyerkules, Hulyo 22, ang pelikulang Pinoy na ipinalabas sa local cinemas ay yung Ang Babaeng Walang Pakiramdam na noong Hunyo 11, 2021 pa nag-streaming sa Vivamax (na ni-rebrand bilang VMX).
If my memory serves me right, nag-streaming din ito sa Prime Video.
Maaalalang nagsara ang mga sinehan noong Marso 2020 sa paglaganap ng pandemya. Na-quarantine ang mga mamamayan.
Online ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020. Disyembre 2021 nagbukas ang marami-raming sinehan, ngunit matamlay pa rin ang takilya sa MMFF.
Takot pa noong lumabas ang moviegoers.
Panay-panay man ang streaming ng Pinoy movies sa iba’t ibang platform, simula Enero 2022 — as far as I recall — ay hanggang two weeks lang walang bagong Pinoy sa mga sinehan.
Kaya noteworthy yung nangyari na three consecutive weeks na walang bagong pelikulang Pinoy sa mga sinehan noong Hunyo 30-Hulyo 21.
Pero na-extend pa iyon. Umabot ng five consecutive weeks.
AVOIDING CLASH WITH HOLLYWOOD BLOCKBUSTERS
Understandable na iniwasan ang epic action-fantasy film na The Oddyssey, isinulat at idinirek ni Christopher Nolan, na nag-showing noong Hulyo 15.
Hindi rin tayo nagtaka na inilagan ang marvelous superhero film na Spider-Man: Brand New Day.
Take note na kasama sa cast ng The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day ang mag-asawang Tom Holland at Zendaya.


Ang isa pang pelikula ni Zendaya na inaabangan ng cineastes ay ang Dune: Part Three na ipalalabas sa local cinemas sa Disyembre 16, kasabay ang Avengers: Doomsday.
Nagbabalik pa si Zendaya sa voice cast ng Shrek 5 bilang Felicia, daughter nina Shrek (Mike Myers) at Princess Fiona (Cameron Diaz).
Ang target playdate nito ay last week of June 2027.
Read: The Odyssey closes in on $1 billion as 2026 box office heats up
UPCOMING PINOY MOVIES
Hopefully, hanggang five consecutive weeks lang walang Pinoy movie sa ating mga sinehan this year.
Sa Agosto 5, sa wakas ay magso-showing na ang horror movie na Rosario kung saan tampok sina Aubrey Caraan, Jairus Aquino, Lance Carr, Meg Imperial, Yumi Garcia, Rose Van Ginkel, Suzette Ranillo, at Bernadette Allyson.
Agosto 6 ng gabi, opening film ng Cinemalaya 22: Reel Reflections ang Enjoy Your Stay, starring Mercedes Cabral, Anna Luna, Hasmine Killip, Irma Adlawan, Donna Cariaga, and Madeleine Nicolas.
Agosto 7-18 ay palabas sa Shangri-La Plaza, Gateway Mall 2, at select Ayala Malls ang entries ng Cinemalaya 2026 — siyam na full-length features at dalawang set ng short films.
Read: Cinemalaya 2026: 9 feature films, 10 short films, 3 books
Coming soon sa local cinemas ang Pinoy films na HB2ME, Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa, Filipiñana, Saving Cherry, Poon, EDJOP, at Plump Blossom.
Sa Setyembre ay ipagdiriwang ang Philippine Film Industry Month (PFIM), sa pangunguna ng Film Academy of the Philippines (FDCP).
Ipapalabas ang remastered version ng ilang klasikong Pinoy films.
Pitong bagong full-length films ang matutunghayan natin sa Puregold Cine Panalo Film Festival 2026 na gaganapin sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 4 sa Gateway Cineplex 18 at select Ayala Malls.
Nakatakda ang 14th QCinema filmfest sa Nobyembre 13-22, at laging may bagong Pinoy film na natutunghayan dito.
Wala pa tayong balita kung kailan at saan ang showing ng Neophyte ‘26 na kagaya ng Rosario ay Abril 22 ang playdate.
Waiting din tayo kung kailan ba ang relatively wide release ng Cinemalaya 2025 topgrosser na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana).
Harinawang huwag nang maulit na five consecutive weeks na walang bagong Pinoy movie sa ating mga sinehan.
NOEL FERRER
Baka Hollywood muna raw. Kaya five consecutive weeks nang walang bagong Pinoy film sa local cinemas.
Yes, it's Hollywood blockbuster season — Spider-Man: Brand New Day even swings in today — and we understand the business of timing.
Pero nakakabahala. If we keep vacating our own screens, how do we expect audiences to stay?
Ghost Month is coming… August 13 to September 11… which some consider malas for new ventures.
Pero mas nakakatakot kung tuluyang mag-ghost ang pelikulang Pilipino sa sarili nating sinehan.
Gets ko talaga na takot makipagsabayan ang mga produ natin.
Pero kung pati tayo, iiwasan ang sarili nating pelikula kahit Ghost Month, sino pa ang manonood?
Ang totoong multo talaga — ang bakanteng sinehan ng Pilipino.
Sana, when our local films return, nandoon pa rin tayo. Suportahan natin.
Read: MTRCB summons It's Showtime over "racist" remark, "lugaw" scene
GORGY RULA
Maraming bagong panoorin na gawang-Pinoy online.
Sa Netflix na lang, tatlong teleserye ang may bagong episode sa tuwi-tuwina — The Master Cutter (100 episodes) ni Dingdong Dantes; A Secret in Prague (115 episodes) nina Enrique Gil at Andrea Brillantes; at Someone, Someday (90 episodes) nina Kathryn Bernardo at James Reid.
Hanggang Setyembre pa pareho ang The Master Cutter at A Secret in Prague, samantalang hanggang Nobyembre ang Someone, Someday.
Sa Viu, merong Love, Siargao (22 episodes) sina Alden Richards at Nadine Lustre.
Sa Amazon Prime Video, andiyan ang The Loyalty Game (14 episodes) nina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Charlie Dizon.
Bukas, Hulyo 30, ay streaming na sa Netflix ang MMFF 2025 entry na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Sa Agosto 1, Sabado, ang Netflix streaming ng 2001 film na Bakit Di Totohanin starring Judy Ann Santos and Piolo Pascual.
Meron ding Pinoy movies na nag-i-streaming sa Amazon Prime Video at iba pang streaming platforms.
Sa Agosto 13 ay streaming na sa HBO ang Call My Manager (8 episodes) ni Judy Ann Santos, sa direksiyon nina Erik Matti, Jade Castro, at Mario Cornejo.
Nasa cast din nito sina Edu Manzano, RK Bagatsing, Gina Alajar, Laurice Guillen, Maricel Soriano, Snooky Serna, Edgar Mortiz, Kiray Celis, Elijah Canlas, Cristina Gonzales, Carla Humphries, Janine Gutierrez, Dolly de Leon, Raf Pineda, at marami pang iba.

Ang VMX, patuloy ang pagratsada sa mga mapangahas na pelikula.
May iba pang platforms na naghahatid ng mga erotikong palabas ngunit pinapakain ng VMX ang mga ito ng alikabok.
Kung pag-uusapan ang mga banyagang palabas, napakaraming pagpipilian online!
Sa HBO, inaabangan ang last two episodes ng Season 3 ng House of the Dragon.
Hindi na namin iisa-isahin ang sandamukal pang mga banyagang pelikula at serye sa iba’t ibang streaming platform.
DEADLINE FOR PH OSCARS ENTRY
Siyangapala, ipinapaalala ng Film Academy of the Philippines (FAP) na Hulyo 31, Biyernes, ang deadline ng pagsusumite ng eligible films for consideration as the country's official entry to the 99th Academy Awards in the Best International Feature Film category.
Pahayag ng Director General ng FAP na si Paolo Villaluna: “We encourage Filipino filmmakers and producers with eligible works to take part in this year's selection process.
“Every submission is an opportunity to showcase the creativity, diversity, and excellence of Philippine cinema.
“We look forward to selecting a film that will proudly represent the Philippines on one of the world's most prestigious stages for filmmaking."
Read: Can PH finally get an Oscar nom? FAP launches PHP25M campaign
