JERRY OLEA
Hihimas kaya ng rehas na bakal ang isang makisig na aktor?
Kinumpirma sa amin ng isang movie producer na dumulog siya sa National Bureau of Investigation (NBI).
Inireklamo raw niya ang makisig na aktor dahil sa breach of contract, estafa, at extortion.
Inaasam ng movie producer na magkaroon na sana ng warrant of arrest para sa makisig na aktor, na nagbida sa ilang mapangahas na pelikula.
Sakaling arestuhin ang makisig na aktor, puwede ba siyang magpiyansa sa mga kaso laban sa kanya?
Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react
NOEL FERRER
Oh, usapang-warrant of arrest at himas-rehas na? Hindi na ba ito mareresolba?
Bakit naman nangailangan ang makisig na aktor ng malaking pera, saan ito napunta?
Ano ang dahilan ng pagkasira nila ng movie producer?
Usually, ang ganitong pagpapakulong ay last resort na.
Meaning, umabot na ba ito sa sukdulan at hindi na maaayos sa mabuting pakiusapan?
GORGY RULA
Hindi lang ang makisig na aktor ang maaaring makulong one of these days, kundi maging ang isang gay indie director'.
Inireklamo ito ng estafa at panghahalay ng binatilyong artista.
Ayon sa isang production staff, parang walang takot ang gay indie director.
Sa halip na magtago, hinikayat pa ni gay indie director ang isang laos na aktor para mag-produce ng pelikula.
Nagkamit ng award ang gay indie director mula sa isang ahensya ng gobyerno.
Pero dahil sa mga kabulastugan niya, baka ma-“possess” as in maposasan siya.
Read: MTRCB summons It's Showtime over "racist" remark, "lugaw" scene
