PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew E. says his career is just getting started at 59

Andrew E.: "Hindi pa ako nakakagawa ng Hollywood movie."
by PEP Troika
Published 14 hours ago
andrew e career
Andrew E downplays reports that he was the highest-paid performer during the 2025 election campaign, saying his businesses, not campaign appearances, are his main source of wealth.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

llulunsad ngayong Miyerkules ng gabi, July 29, 2026, ang bagong single ni Andrew E. na pinamagatang "Pasta."

Ipinagmamalaki ng rapper at aktor na ibang-iba ito sa mga nagawa niya.

Mapapansin sa mga nilikhang kanta ni Andrew E. na tunog-lumang awitin ang mga ito.

Ang isa sa naalala ko ay ang "Banyo Queen," na hinaluan ng kantang "Stand By Me."

A DIFFERENT KIND OF SONG FROM ANDREW E.

Pero sa bagong single niyang "Pasta," ipinagmamalaki ni Andrew E. na ibang-iba raw ito sa mga nagawa niyang kanta.

“Kalimitan kasi ng mga Andrew E. song is always sasabihin niyo, ‘Ahh, narinig ko na yung kanta nung araw.’ 'Binago ni Andrew, ganyan-ganyan.'

"This time, I will challenge…. pag narinig niyo yung kanta, tingnan natin kung may makikita kayong kantang ganyan sa YouTube.

“Tingnan natin, ha? That’s why, ang lakas ng loob kong i-publish. Kasi everything is original,” pagmamalaki ni Andrew E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay ng launching ng "Pasta" ay sasalubungin na rin ni Andrew E. ang kanyang 59th birthday na gaganapin sa G-Side Bar sa Quezon City.

Pagkatapos ng kanyang kaarawan ay nakatakda siyang tumulak patungong North America para sa kanyang series of shows.

Sa August 14 ay nasa Phoenix, Arizona siya.

Sa August 23 ay nasa San Leandro, California.

Sa August 29 ay sa San Antonio, Texas; at sa Whitby, Ontario naman siya sa September 5.

andrew e north america concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MTRCB summons It's Showtime over "racist" remark, "lugaw" scene

JERRY OLEA

Sabi ni Andrew E. nang nakapanayam namin sa DZRH noong Lunes, July 27, “Junior citizen” na ang tawag sa kanya.

Isang "tumbling" na lang kasi ay 60 na siya, at senior citizen na siya.

Tinanong namin si Andrew E. kung naiisip na ba niyang mag-lie low at mag-focus na lang sa kanyang pamilya.

Nagulat kami sa sagot niya.

Aniya: “Honestly, wala pa akong nauumpisahan. I haven’t started yet.

“Kasi, you know, like, ang pakiwari rin ng lahat, ginagawa ko ang aking karera.

"Ang aking singing career, rapping career o movie career… akala ng iba…

“Ang ginawa ko is family, career. Nagpamilya po ako, from baby to kids to now, to graduates.

“Dun po ako naging busy sa aking basketball team. Sa aking karera, I haven’t started yet.

“Hindi pa nga ako nakakagawa ng isang Hollywood movie, e.”

ANDREW E. SERIOUS ABOUT DOING A HOLLYWOOD MOVIE

Sa totoo lang, seryoso si Andrew E., sa sinasabi niyang Hollywood movie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabanggit niya ito sa nakaraaang interviews niya na meron talaga silang inaayos na ganung film project.

Wala na nga lang siyang update tungkol diyan.

Pero may mga natatanggap na siyang mga parangal, pero para sa rapper, hindi pa siya nakapagsimula.

Saad pa niya: “Kaya nga yun ang nakakatawa. Ang irony, nakakatawa. Why?

“Nagpapasalamat naman ako sa mga binibigay sa aking mga accolades, mga trophy, mga parangal, and all that.

“Pero sa totoo lang, wala pa po akong nauumpisahan.

“Dito pa lang po ako nauumpisahan.

"And at the same time, ngayon pa lang ako nagsisipag para makagawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa aking karera.”

Read: Dra. Liza Ong diagnosed with breast cancer as Doc Willie continues sarcoma battle

NOEL FERRER

Sinasabing sa artists na aligaga sa pagbibigay ng entertainment sa campaign sorties nung 2025 elections, si Andrew E. ang pinaka-in demand sa lahat.

Siya ang paboritong artist ng mga pulitiko na magbigay kasiyahan sa mga kampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP Troika si Andrew E. kung ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng karamihan na siya ang may pinakamalaking kinita sa artists na nag-perform nung nakaraang eleksyon.

“Ang masasabi ko lang, hindi po yun sa damdamin iniisip na asenso, pagyaman.

“Alam niyo po, you know, sa kaunting pagmamalaki, in between those time nung nag-perform ako sa mga sorties na yun and sa mga campaign campaign na yun, in between those times, e, alam niyo po, shareholder naman ako ng Facebook, e.

“Hindi naman po relihiyon para daungan natin ng pag-iisip na dun ako yayaman sa mga campaign. Hindi po yun.

“Ang pagsisikap po ng aking endeavor ay ang pagnenegosyo po and all that. Yun po ang additional lamang,” sabi ni Andrew E.

ANDREW E'S COMMITMENT TO THE PUBLIC

Para kay Andrew E, commitment niyang magbigay ng kasiyahan sa mga kababayan nating nagtiyagang nakatayo para makinig sa mga talumpati ng mga pulitikong nangangampanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka pagmamahal ko na rin sa ating mga taumbayan. Alam niyo kung bakit?

“Sa buong campaign period ko nung nakaraan at nung nakaraan pa, hindi niyo lang po kasi nakikita nang lubusan at tahasan ang taumbayan.

“Ang nakikita niyo lang kasi sa YouTube, pag gabi na. Pag nagpe-perform na ako, gabi.

“Ang hindi nakikita yung bandang tanghali, papuntang gabi ng bandang hapon, bilad na bilad po sila sa araw na halos na ikapula na ng kanilang balat, na ikasunog na ng kanilang balat.

“Ano ba naman yung pagdating ng hapon o pagdating ng gabi, may isang Andrew E na nagpapasaya sa kanila.

“Para mapawi at maibsan ang sobrang init at pagod na halos himatayin ka sa sobrang init. Ako, nakikita ko yun.

“Kaya binabawi ko na lang sa pag-entertain sa kanila. Kaya ang nakikita lang ng tao, yung kasiyahan ng mga tao, nagtatalunan, nagsisigawan. Yun lang po ang nakikita nila sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero hindi niyo po nakikita yung bilad nila sa araw.

“Huwag po kayo mag-alala kasi nakita ko kayo… bago ako umakyat ng entablado, nakikita ko kayo kung paano kayo nabilad sa araw.

“Kaya sinamahan niyo po kami, asa init ng araw, hindi ko po kayo iiwan sa patak ng ulan,” madamdaming pahayag ni Andrew E.

Read: Five-week drought: No new Filipino movie opens in local cinemas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew E downplays reports that he was the highest-paid performer during the 2025 election campaign, saying his businesses, not campaign appearances, are his main source of wealth.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results