GORGY RULA
Inilunsad si Dingdong Dantes bilang unang brand ambassador ng isang klase ng AI-powered solar system na kaka-introduce lang sa ating bansa.
Nang humarap siya sa media sa Okada Manila noong Miyerkules, July 29, 2026, ipinaliwanag ng CEO ng MARSTEK Philippines at founder ng ZK Summit Holdings, Inc. na si Dr. Mary C. Cruz kung bakit si Dingdong ang kinuhang brand ambassador.
Top choice daw ang Kapuso star na mag-endorso dahil sa kanyang kredibilidad, integridad, at leadership na ipinamalas bilang actor at founding chairman ng AKTOR-League of Filipino Actors.
Nababagay raw si Dingdong bilang isang ama, asawa, at homeowner na naghahanap ng back-up power solution lalo na’t pataas nang pataas ang kuryente sa bansa.
DINGDONG DANTES GOES SOLAR
Ayon sa kanya, ongoing na ang paglalagay ng solar panels sa kanyang bahay.
“Depende iyan sa magiging setup niyo, e. In my case, we are targeting most probably at least 40 percent for the Mars 1.
“Para maging mas efficient din at saka may mga ano na rin, e.
"Smart technology AI-powered system na rin sila na tutulong sa iyo para mag-decide kung kailan dapat siya i-shift sa battery, et cetera, parang ganun.”
NOEL FERRER
Present din sa launching ng kumpanya noong Miyerkules sina Joross Gamboa at Rocco Nacino.
Sabi ni Joross, support lang siya kay Dingdong Dantes at sa mga taong involved sa event.
ROCCO NACINO GOES SOLAR
Si Rocco naman ay alam na alam ang naturang produkto at gusto ring magpakabit sa kanyang bahay.
“Natutuwa ako sa ginagawa nila, e. Itong product na ito, malaking tulong. Marami silang matutulungan sa solar panels,” pakli niya.
Isa raw siya sa may hanash sa Meralco kaya gusto na niyang magpakabit ng AI-powered energy storage.
Matatandaang noong March, nag-post si Rocco tungkol sa “differential charge” sa kanyang billing na umabot daw sa "PHP31,000."
Saad ni Rocco: “Ilang beses ako nabalita. Yung mga hirit ko sa Meralco, e.
“Pero ano, finally, mangyayari ito kasi maraming pamilyang matutulungan na namomroblema sa Mercaldo.
“Dahil lumalaki na ang pamilya ko, not enough na siya, e.
“Ngayon, nung naikuwento sa akin ni Boss Khelvin and Ma’am Maryann [company owners], very excited ako to have one of my own.
"Kasi malaki talaga ang maitutulong nito. Kung anong makukuhang panel ng power ko, yun ang pinagtsa-charge dito sa MARSTEK.
“Pagdating sa gabi, iyan ang gagamitin sa baterya. At bago maubos iyan, yun ang makukuha dito sa Meralco.
“Ang laking maitutulong, sobra. Madali lang. Ikabit mo lang sa outlet, yun ang makukuha sa grid.
“O kita mo, alam ko na ang mga details.”
GORGY RULA
QUICK FAMILY VACATION
Nabanggit ang pagiging ama at asawa, ikinuwento rin ni Dingdong sa press na may break sila ngayon sa taping ng The Master Cutter.
Kaya nakatakda silang magbakasyon ni Marian kasama ang dalawang anak nila sa ibang bansa.
Tamang-tama, bakasyon din daw kasi ng mga bata sa school. Birthday month pati nila ang August—sa August 2 si Dingdong at sa August 12 naman si Marian.
“Looking forward sa quick vacation namin soon,” nakangiti niyang pakli.
“Next week na ito. Bakasyon din ng mga bata, e. E, kasi, baligtad din yung summer nila.
“Bakasyon nila ngayong August.”
Read: Lala Sotto praises It's Showtime's cooperation amid MTRCB probe
JERRY OLEA
Nabanggit din lang ang mga bata, puring-puri ni Dingdong Dantes ang child stars na sina Sienna Stevens at Errica Laude na bahagi ng The Master Cutter (100 episodes).
Sa dalawa halos nakatutok ngayon ang takbo ng kuwento, na nagampanan nang maayos nina Sienna at Errica.
“Ang galing nilang lahat. Ang galing ng mga bata, ibang klase.
"At saka maganda lumalabas na rin yung mga subplot nila… kami nila Ketchup [Eusebio], saka si Charlie [Flemming] at si Prince [Carlos].
"Ang dami pa. Ang dami pang revelations na darating,” sabi pa ni Dingdong.
Maganda ang ratings ng The Master Cutter sa free TV, pero pasulput-sulpot na lang ito sa top 10 trending sa Netflix Philippines.
Hindi pa raw alam ni Dingdong kung ma-e-extend sila.
Read: James Reid says Issa Pressman became his "compass" after PHP150M loss
