JERRY OLEA
First time nina AJ Raval at Aljur Abrenica na rumampa together sa isang fashion show noong Hulyo 30, 2026, Huwebes, sa Isla Ballroom ng Shangri-La EDSA, Ortigas Center, Mandaluyong City.
Kabilang sila sa 41 icons na nagpakitang-gilas sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026.
Positibo ang response ng audience sa pagrampa nila sa unang segment na Icons of Forms and Radiance. May hatid na kilig!
“Masaya po. Kanina po, medyo kinakabahan. Pero nagawa naman po namin,” mabining sabi ni AJ.
“Somehow... medyo ako. Kasi dream ko yun, e. Dream ko yun. Confident na kinakabahan.”

AJ RAVAL'S SHOWBIZ COMEBACK
Babalik na ba siya sa pag-aartista?
“Hindi pa ako masyadong nakapag-decide pero mas priority namin yung mga bata sa ngayon,” tugon ni AJ.
“Pero pakonti-konti po, babalik ako. For now po, mas priority namin yung family and also nag-aaral din po kasi ako ulit ngayon, e.”
Naikuwento noon ni Jeric Raval na nag-audition at nakapasa ang daughter na si AJ sa isang international film.
May intrigang hindi na siya matutuloy roon. Totoo ba yon?
“For now, mas pipiliin ko po muna na huwag po munang pag-usapan sa public,” sambit ni AJ.
“Pero wala pong na-cancel. Kung ano man po yung lumalabas na fake news, fake news po yun.”
Rumampa rin sa Maddox jewelry show ang papa ni AJ na si Jeric Raval bilang isa sa sampung Icons of Timelessness.
Pahayag ni Aljur, “Everything that happened tonight, we consider it as a blessing from God. It’s a first time.
“Coming from you na maganda ang tanggap ng mga tao… naramdaman namin, nag-enjoy kami.”
May mga forthcoming projects ba sila?
Sagot ni Aljur: “Very thankful sa Panginoon. AJ also has projects na naka-lineup. Maraming lumalapit. And also sa akin, may naka-pending na mga movies.
“And, yeah, we’re grateful. Abangan niyo yun.”
Read: Former ABS-CBN reporter Ryan Chua marries longtime partner Joe-Marc Hsieh
NOEL FERRER
Ang sexy-sexy ni AJ Raval nang rumampa sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026.
Wala sa hitsurang may apat na mga anak na inaalagaan.
Nagawa raw niya iyon sa tulong ni Aljur Abrenica.
“Thank God, kahit papaano, maayos pa ang katawan ko. Siya po ang coach ko, e,” sambit ni AJ.

Matutuloy na ba ang kasal nila?
Napangiti si Aljur: “Maganda kasi yung family gene nila, e, kaya maganda siya — huwag niyo nang itanong [ang kasalan]. Ganda ng segue, ha?
“Everything happens in the right time, di ba? Kung anuman ang nangyayari ngayon, ang masasabi namin, our priority is our kids. Lahat ng mga bata.”
Read: Yayo Aguila breaks up with Melvin Viceral after five years together
GORGY RULA
Tampok din sa Icons of Forms and Radiance segment ng Maddox fashion show sina Diego Loyzaga at Kris Bernal.
Nagkatambal sina AJ Raval at Diego sa pelikulang Death of A Girlfriend na nag-streaming noong Abril 2021 sa Vivamax (rebranded bilang VMX).

Ka-loveteam dati ni Aljur Abrenica si Kris sa mga Kapuso drama series na Dapat Ka Bang Mahalin? (2009), All My Life (2009), The Last Prince (2010), Coffee Prince (2012), at Prinsesa ng Buhay Ko (2013).
Nagbida rin ang AlKris tandem sa pelikulang Nandito Ako… Nagmamahal Sa ‘Yo (2009) na idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

STAR-STUDDED FASHION SHOW
Ang isa pang showbiz couple sa nasabing segment ay sina Aubrey Miles at Troy Montero.
Pinakahuling rumampa sa fourth and last segment sina Roderick Paulate at Carmi Martin sa saliw ng "Together Forever."
Andiyan ang magkapatid na sina Eric at Epy Quizon.
Nagpasiklab din sina Pokwang, Claudine Barretto, Beauty Gonzalez, Ara Mina, Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, at Gardo Versoza.
Nagpasiklab din sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Gary Estrada, Alma Concepcion, Ryza Cenon, EA Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, at Negi.
May mensahe sa umpisa si Korina Sanchez.
Pinakamakislap ang suot sa lahat ay ang may-ari ng Maddox na si Miss Charo Cordial.

Ang nagdirek ng palabas ay si Robbie Carmona.
Na-pressure ba sina AJ at Aljur sa dami ng artistang rumampa rin sa Maddox jewelry show?
“Nakakatuwa. Hindi naman nakaka-pressure, kasi pag nakasama mo sila, hindi naman sila yung tipong… Warm naman sila. Mababait sila,” malumanay na saad ni AJ.
Sambot ni Aljur, “Nangyari kanina sa backstage, parang nagkaroon ng konting reunion. Mga nakatrabaho ko dati, sina Kris, Ara Mina, Polo. Doon nakita yung saya ng event na hindi nakita ng audience.”
Bulalas ni AJ, “Nakakatuwa sila!”
Read: How much does it cost to watch SB19 at Lollapalooza 2026?
