PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia reacts to Baron's post about their daughter Sophia

Nadia Montenegro asks Baron Geisler to keep moments with daughter Sophia private
by PEP Troika
Published 7 hours ago
nadia montenegro baron geisler daughter
Nadia Montenegro on Baron Geisler's Facebook post with their daughter Sophia: "Ang akin lang sana, sana totoo. Ano lang... maraming oras na sana i-post yung anak mo sa ibang pagkakataon... Pero sana, yung mga minsanan lang na moments nila na magkasama, huwag na i-post."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Ipinost ni Baron Geisler recently sa Facebook ang dalawang litrato nila ng daughter na si Sophia Montenegro.

“Mahal kita anak ng sobra! [red heart emoji]” ang bahagi ng caption ni Baron.

Ang ina ni Sophia na si Nadia Montenegro ay nanood sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 noong Hulyo 30, Huwebes, sa Shangri-La EDSA, Ortigas Center, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa cocktails area sa red carpet bago ang fashion extravaganza, inusisa si Nadia tungkol sa naturang FB post ni Baron.

“Ganda ng timing, 'no?” malumanay na sambit ni Nadia, na humugot kapagkuwan ng malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy.

“Ahhh hindi ako galit. Ang akin lang sana, sana totoo. Ano lang... maraming oras na sana i-post yung anak mo sa ibang pagkakataon.

“Ganda lang ng timing. Ganda ng timing.”

Nagkausap sila ni Sophia tungkol doon?

Mabilis na tugon ni Nadia, “Yes! Yes, actually kasama namin siya nung gabing tumawag sa kanya para kumain sila sa labas.

“Sumama naman yung anak ko. Gusto niya, e!

"Pero sana, yung mga minsanan lang na moments nila na magkasama, huwag na i-post.

“Kasi kahit hindi lang naman ako, maraming makaka-misinterpret.”

NADIA MONTENEGRO STILL IN CONTACT WITH BAROIN GEISLER

May communication pa rin sila ni Baron?

“When needed. When needed, oo… Kasi, for one year, nandoon yung anak ko sa kanya,” lahad ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And there was… yun na nga, nung medyo namomroblema na sila, may mga problems na sila sa family, siyempre I pulled out my child.

“Inalis ko yung anak ko doon. Kasi, ayoko naman maano din. Kasi nag-aaral si Sophia. So, mabuti na maayos na muna nila.

“Baka mamaya, nakakabigat din iyung anak ko. Naintindihan ko yung mga ganun.

“So I pulled her out last Feb doon sa bahay nina Baron… I wish him well. I really wish him well.

“At sana ano, ahhh sana…”

Ang tinutukoy ni Nadia ay ang kasalukuyang sigalot sa pagitan ni Baron at ng kanyang misis na si Jamie Evangelista.

Read: Baron Geisler’s wife hints at actor's drug relapse

NOEL FERRER

Ayaw mag-comment ni Nadia Montenegro sa tanong kung dapat bang magpa-rehab muli si B (Baron Geisler).

Katwiran ni Nadia, “Sorry po, ha? Kasi may anak ako na kailangan kong isipin na ayokong magalit sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi alam mo, kung merong isang bagay na naging reason bakit nagtagal din kami ni Boy [Asistio] ng 29 years, kasi hindi kami nag-away sa harap ng mga bata.

“Hindi kami nagkasiraan. Never ko sinabi sa mga anak ko na, ‘Ganito ang tatay niyo.’

“Ayoko rin naman. Kaya lang, since he’s [Baron] in showbiz, at sila na mismo yung nagsisalat ng lahat ng nangyayari — ayoko lang talagang madamay si Sophia.

“Kasi nahe-hurt din yung bata. Kasi tatay niya yun, e! Nahe-hurt din yung bata kaya sana, maayos nila.

“At kung anumang help ang kailangan ni B, e, makuha niya. Makuha niya.

“Because like what I’ve told him 26 years ago, ang ganda ng future niya! Ang galing-galing niyang artista. Andami-dami pa sanang ano...

“Sana maayos niya.”

Read: Melai Cantiveros recalls secret breakup with Jason Francisco

GORGY RULA

Kasama ni Nadia Montenegro na nanood ng Maddox fashion show ang daughter na si Ynna Asistio bilang suporta sa Maddox owner na si Charo Cordial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
nadia montenegro daughter ynna asistio
Nadia Montenegro and daughter Ynna Asistio
Photo/s: Jerry Olea

“Ang maganda kay Miss Cha kasi, di ba, si Ynna, yung anak ko, she also owns Carat,” sabi ni Nadia.

“Ang negosyo rin ni Ynna ay diamonds. So, nagkaroon sila ng parang collab ni Miss Charo.

"So, makikita mo yung kindness nung tao na talagang nagtutulungan silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kaya support siyempre. Nung pagka-text naman sa amin, support naman kaming mag-ina.”

Nasa Maddox fashion show rin si Dennis Padilla, na gumanap bilang mister ni Nadia sa pelikulang Bad Boy 3 na malapit na raw mag-showing.

Read: Claudine Barretto reveals reason behind viral kiss with Pepe Herrera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro on Baron Geisler's Facebook post with their daughter Sophia: "Ang akin lang sana, sana totoo. Ano lang... maraming oras na sana i-post yung anak mo sa ibang pagkakataon... Pero sana, yung mga minsanan lang na moments nila na magkasama, huwag na i-post."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results