PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew E says new song "mas brutal" than past hits

Andrew E says "Pasta" is not AI but AE-coded.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
Andrew E says new song "Pasta" is "more brutal" than past hits
Andrew E on challenge in making his song "Pasta": “E, ang tanong, papaano mo ngayon kikilitiin ang tao kung alam na nila lahat. Iyan ang challenge, mas mahirap. That is why, iyung kanta na ito, will really surpass the challenge. It will surpass the challenge.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Brutal ang bagong kanta ni Andrew E na "Pasta," na inilunsad pagsapit ng kanyang ika-59 kaarawan noong Hulyo 30, 2026 sa G-side Night Club, T. Morato Ave., Quezon City.

Nasa YouTube na ang lyrics video ng "Pasta," part of which ay ang mga sumusunod na linya: “Pasta, pasta, gusto ko pasta / Sige na please, bilisan mo pa, pasta

“Pasta, pasta, gusto ko pasta/ Sige na please, ibigay mo na, pasta

“Ibigay mo na ang kailangan ko/ Yan ang kulang sa buhay ko “

Ang di binigay ng boyfriend ko/ PUT A LITTLE MORE!!! Ibuhos mo!!!”

Ano ang inspirasyon ng kantang "Pasta"?

"Unang-una, ang point of origin ng 'Pasta' is you know, isang bagay na gustung-gusto natin, pero hindi naiiwan sa isipan mo yung bagay na iyun, e,” sambit ni Andrew E.

“Di ba? Naaalala mo lang iyan pag you know, kumakain ka sa restaurant, you know. Pero gustung-gusto natin yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So maybe just like an Andrew E song, gustung-gusto mo yung Andrew E song, pero paminsan-minsan, e, hindi mo na naalintana na you know, naalala yung magagandang kanta ni Andrew E.

“Kasi sa dami na ng mga kanta ngayon na lumalabas, e, iyung panahon ngayon, puro mga bago iyung mga artist.

“So parang masyadong masikip! Masyadong masikip ang landas ngayon, ang music industry."

Read: Melai Cantiveros recalls secret breakup with Jason Francisco

ANDREW E BRAND OF MUSIC

Sinuguro raw niya na tatatak ang kanta niya.

Pagpapatuloy ng 59-year-old rapper-comedian: “So for me, I created something, like, a song na every time pag narinig mo ang kanta na ito, hinding-hindi mo na makakalimutan iyung pasta.

“Kasi, magpapaalala sa iyo na natuwa ka, or nakuha ko iyung kiliti mo muli just like nung nakita ko at nakuha ko ang kiliti niyo nung 'Humanap Ka Ng Panget,' 'Andrew Ford Medina,' 'Binibi Rocha,' the rest, and 'Banyo Queen.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s why for me, this song is bubulaga sa inyong lahat."

Ka-level itong "Pasta" ng "Banyo Queen," "Binibi Rocha," at iba pang hit songs niya?

Napangiti si Andrew E, “May I say, baka mas mataas pa.”

Read: How Mimiyuuuh keeps earning now that YouTube income declines

GORGY RULA:

Patok na patok ang mga kanta ni Andrew E. na pilyo o hitik sa double entendre. Itong "Pasta," merong “tame” version, at meron ding pasabog na bersyon.

“Ngayon, mas brutal. Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Andrew E.

“Kasi you know why, kasi dati, yung pagiging liberated ko sa kanta, e, di ba? What? 1990, 1991, napaka-early pa nun sa Pilipinas.

“So hindi pa tayo masyadong liberated, di ba? But nowadays, meron tayong cellphone, you know, social media and all that.

“Ganun na ka-high level iyung technology. Each and everone knows each and everything. Wala na silang hindi alam.

“E, ang tanong, papaano mo ngayon kikilitiin ang tao kung alam na nila lahat. Iyan ang challenge, mas mahirap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“That is why, iyung kanta na ito, will really surpass the challenge. It will surpass the challenge.”

ANDREW E NEW ALBUM

Itong "Pasta" ang unang kanta sa bagong album niyang Wholesome Again, na six songs ang laman.

Sa album na Wholesome Again ay may collaboration si Andrew E sa 23-anyos na anak niyang si MC 4D, na ang tunay na pangalan ay Andrew Fordy Espiritu.

Ito ay sa love song from space na "Stellar" (or is it Interstellar?) na nakatakdang ilabas sa Oktubre 2026.

“Ibig sabihin, pag-ibig na nagbabaybay sa kalangitan. Naghahanap ng la-landing-an!” bulalas ni Andrew E.

NOEL FERRER:

Ginamitan ba niya ng A.I. (Artificial Intelligence) ang pagbuo sa kantang "Pasta?"

“Of course, hindi!” mabilis na tugon ni Andrew E.

“Because number one, nowadays, bibigyan ko kayo ng konting clue. Kasi nowadays, kapag gumamit ka ng A.I., bawal nang i-upload sa mga music platform. Bawal na.

“I’m not saying bawal yung kanta mo. Pero hindi tatanggapin kung ikaw yung gumawa. Kung ikaw yung nag-submit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba usually, pag ikaw yung producer, or ikaw yung record producer nung album or nung kanta, pag sinubmit yun ng company mo, automatic tinatanggap lang yun ng music platform, di ba?

“Or maybe kung sino mang ordinaryong manganganta or gumagawa ng kanta, or nagko-compose. Tinatanggap lang yon.

“Nowadays, no. Meron na silang verification material or machine na kapag na-sense nila yung A.I. elements, dahil ang A.I. elements, mga kaibigan, ay code. Code yan, e.

“Na-code na hindi galing sa physical form or physical media kaya nase-sense yan.

"At pag nalaman nila, automatic, hindi ka na nila tatanungin. You cannot upload your song.”

In other words, hindi A.I. ang ginamit ni Andrew E sa "Pasta," kundi purely A.E. (as in Andrew E).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew E on challenge in making his song "Pasta": “E, ang tanong, papaano mo ngayon kikilitiin ang tao kung alam na nila lahat. Iyan ang challenge, mas mahirap. That is why, iyung kanta na ito, will really surpass the challenge. It will surpass the challenge.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results