PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male TV personality, nakakabahala ang kapayatan dahil sa sakit

Male TV personality na matagal nang may sakit, may bagong karamdaman.
by PEP Troika
Published 11 hours ago
blind item male tv personality
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Maraming salamat sa Panginoon at nalagpasan ko na naman ang panibagong challenge sa aking kalusugan.

Nakakapraning pa ang mga balita ngayong may mga pinagdadaanan din sa kanilang kalusugan, at ang iba ay pumanaw na.

Kaya totoo talaga ang kasabihang “Health is wealth.”

MALE TV PERSONALITY'S HEALTH SCARE

Ito rin ngayon ang pinagdadaanan ng isang male TV personality na ang latest na nasagap ng PEP Troika, muntik-muntikan din daw itong magbabu sa earth!

Ifinorward sa amin ng isang kaibigan ang litrato nitong male TV personality na nakakabahala ang kapayatan.

Napabalita rin noon ang tungkol sa kanyang karamdaman na matagal na niyang iniinda.

Akala namin ay okay na siya, pero tila may panibagong karamdaman na naman daw ito ngayon.

Minsan ay nag-taping daw ito para sa kanyang weekly show.

Pero nakaisang segment pa lang daw siya, pina-pack up na ito dahil sa hindi talaga okay ang hitsura ni Male TV Personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa halip na pinauwi, diniretso na raw siya sa ospital.

Read: Veteran entertainment reporter Jobert Sucaldito dies at 65

NOEL FERRER

Matagal nang may karamdaman si Male TV Personality pero ayaw magpa-checkup. Kaya pinilit na siyang magpatingin.

Hindi raw nila alam kung takot siyang malaman kung ano ang sakit, o ayaw lang niya talaga.

Ilang araw siyang naka-confine, pero ngayon ay okay na raw at nasa recovery period na.

Pero may sakit daw talaga siyang kailangan itong dumaan sa nararapat na treatment.

Nakiusap ang source ng PEP Troika na huwag nang isulat kung ano ang sakit ni Male TV Personality.

Pero ito raw ang dahilan kaya talagang bumagsak ang katawan niya.

Sana, malagpasan niya ito at tuluy-tuloy ang kanyang paggaling.

Nakakalungkot namang mapupunta lang sa pagpapagamot ang kinita sa mga sunud-sunod niyang shows.

JERRY OLEA

May mga nagdadasal para maghilom ang karamdaman ng male TV personality.

Samantala, si Ate Gay na meron ding pinagdadaraan sa kanyang kalusugan ay ang ganda-ganda ng ngiti sa tatlong litrato na pinost niya sa Facebook ngayong Agosto 3, 2026, Lunes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakuwela, pang-aliw, pampatawa, pampa-good vibes ang edited photos ng Mash-up Queen na si Ate Gay na kunwari’y nagdadalantao siya.

May Christmas tree pa bilang background sa mga litrato.

Ano ang ibig niyang ipahiwatig?

Read: Kris Aquino: "I promised my sons I was going to fight until the end."

ate gay's inspirational message

Noong Linggo, humahaplos sa puso at kaluluwa ang Facebook post ni Ate Gay (published as is): “UUWING BUSOG SA PAG-IBIG NG DIYOS

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Homily, 18th Sunday in Ordinary Time

“2 August 2026

“We thank the Lord for allowing us to live!

“We pray to God to show us how to love!

“To live so we can love; to love so we can truly live.

“Naimbag nga bigat kakabsat!

“Nairaos na po natin ang isa na namang buwan. Pumasok na tayo sa Agosto.

“Marahil paminsan-minsan nakararamdam rin tayo ng pagtataka kung paano na ang inaakala natin na hindi natin makakamtan at mararating, mapangyayari pala. Tunay nga na walang imposible sa Kanya. Mahalaga, mammati ka!

“Sa isang speech ni Saint Mother Teresa, nakwento nyo, may isang bata na inabutan nya ng tinapay, at napansin nya, dahan dahan niya itong kinakain kahit pa ilang araw na siyang walang laman ang sikmura.

“Nun tinanong nya bakit, sinagot nun bata ‘Takot ako na wala na ako kakainin bukas.’

“Mahirap magutom. Mahirap ang hindi alam paano bubusugin ang kalamnan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yan siguro ang nakita ni Kristo nun nagpakain Siya ng mahigit sa limanglibong katao. Ang gutom nila.

“At ito rin ang nakikita sa atin ni Hesus. Ang ating gutom.

“Paborito ko po ang 24/7 Pandesal. Mas masarap pag medyo tustado. Sabay sawsaw sa mainit na kapeng barako. Usually bibili ako ng limang piraso. My own five ‘loaves.’

“Nasa SVD po ako nun last week. Naka-2 alumahan po ako. My own 2 ‘fish’. Alumahan kasi ang madalas niluluto ni Papa na almusal namin noong ako ay bata pa.

“Today we heard the miracle of the feeding of the five thousand. Ang himala ng limang tinapay at dalawang isda.

“This story wishes to usher us to three takeaway inspirations.

“(1) JESUS WAS MOVED WITH PITY FOR THE HUNGRY. Matuto tayo sa habag ni Lord

“Yun mga disipulo ang gusto pauwiin na sila. Maggagabi na. Pero si Lord, naawa sa kanilang kalagayan.

“Sabi ng isang santo, Saint John Crysostom, you can never find Jesus in the chalice if you cannot see him in the beggar at the Church door.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We encounter many beggars sa araw-araw nating buhay. Lahat tayo nanlilimos lamang ng Awa. At ang Diyos laging tumutugon. Jesus always responds with compassion in our situation. BECAUSE THE FACE OF JESUS IS MERCY.

“(2) HUWAG TAYO MAGKAIT NG ATING MALASAKIT.

“The disciples, maybe out of practicality and fear, suggested to Jesus that He sends them home. Pauwiin na natin sila. Hindi naman natin sila kayang pakainin pa.

“But Jesus thought otherwise. He wanted to show what is impossible for man is possible for God. Tinanong Niya, ano ang meron. Tanging tinapay at isda lamang. Kakarampot. Kulang.

“In the seemingly little we can offer, God manifests His miracles. Kahit pa katiting, kaya ng Diyos palakihin at paramihin. Had the boy chose not to offer the little that he had, kung sarili lamang niya ang kanyang inisip, gutom sana ang karamihan.

“Kakabsat, walang maliit sa Langit kung maghahandog tayo ng ating malasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“(3) HINDI KAILANMAN MAUUBUSAN ANG TAUS PUSONG MAGBIGAY. Because we can never outdo God in His generosity. Giving is a cycle. We receive. So we must give. Para mapunan muli.

“Kapag puno na ang bulsa, hindi na kasya ang iba pang biyaya. Pag ayaw natin bitawan ang akala nating yun na ang best plan, hindi matutupad ang Kalooban ni Lord sa ating buhay.

“And so the invitation is for us to let go of our fear to be empty; let go of the fear to sacrifice; let go of the fear that God will not provide.

“Alam ng Diyos lahat ng ating pangangailangan. Kailanman hinding-hindi Siya magkukulang.

“As we continue the celebration of this Saint John Marie Vianney Sunday, we take inspiration from the life of this saint.

“Hindi siya magaling. Bumagsak pa sa Latin sa seminaryo. Pero naging pari; naging santo. Halus araw-araw nakaupo sa loob ng 16 hours para makinig sa kumpisal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sikreto ng santo, puso mismo.

“He offered the little that he had.

“He listened and followed God with his heart. “WALANG IMPOSIBLE SA AWA NG DIYOS.

“WALANG MALIIT SA MATA NG LANGIT.

“WALANG NAUUBUSAN SA NAGBIBIGAY.

“‘Lord, sana umuwi akong busog sa Iyong pagmamahal at maging instrumento ako para mabusog ang kapwa ko tao.’ AMEN.

“God bless and have a joyful August ahead.”

Read: Dennis Padilla accepts Claudia's decision to drop Baldivia name

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results