JERRY OLEA
“Kapal ng mukha mo! Ni wala kang abs!”
Talak yan ni Cherry (Barbie Forteza) sa kanyang taksil na asawa (Khalil Ramos) sa isang eksena ng pelikulang Saving Cherry.
Adlib yon ni Barbie. Wala yon sa script na nina Direk Ivan Andrew Payawal at Patrick Tabada.
Bakit naisipan iyong i-adlib ng Kapuso Primetime Princess?
“Kasi ang subtext ko dun, anong karapatan mong magloko, ni wala kang abs?!” bulalas ni Barbie sa mediacon noong Agosto 3, 2026, Lunes, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
“Alam mo yon, hindi ka perfect! Bakit, yung ganun! Iyon yung subtext.”
Natatawa lang si Khalil sa hanash ni Barbie, na kumambiyo, “Kahit nga may abs, hindi ka dapat nagtsi-cheat. Ano pa yung wala?! Yun ang ano. Oo, yun, oo.”
Wala raw isyu sa adlib na yon ni Barbie, sey ni Mikee Quintos.
Natawa si Barbie bago nagpatuloy: “Mabuti, mabuti pumayag. Sabi ko naman, sabi ko, ibabato ko na lang. Tapos bahala na sila kung isasama nila or hindi.
“Pero naramdaman ko kasi na punch lang siya sa dulo, kasi mabigat yung buong eksenang yon. E, comedy tayo. So, ayun.”
BARBIE FORTEZA'S DREAM WEDDING
Ano ba ang dream wedding niya?
“Dream wedding ko? I wanna get married in Vegas. In Vera Wang. Para may divorce,” sambit ni Barbie.
Maliban kina Barbie, Khalil at Mikee, nasa cast ng Saving Cherry sina Mika Salamanca, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, at Almira Muhlach.
Nakatakdang ipalabas ito sa local cinemas umpisa Setyembre 2.
Read: Alex Eala makes history with first WTA title for the Philippines

GORGY RULA
Naughty ang trailer ng Saving Cherry.
Up to what extent ang puwedeng gawin ni Barbie Forteza sa film na hindi niya magawa sa TV?
Natigilan sandali ang Kapuso Primetime Princess bago malumanay na sumagot: “Feeling ko, lahat ng ginawa ko dito, hindi ko puwedeng gawin sa TV.
“Oo, parang ganun, e. Na actually meron kaming isang location, hindi naaprub ni Daddy, e. Hi! Hi! Hi! Hi! Ayaw niya!
“Sabi niya, ‘Barbie, dito ba ang location natin?’ ‘Oo, e.’ ‘Hindi, e!’ Hindi aprub sa magulang ko. Ganung level.
“Pero excited sila. They’re both very excited to see this dahil nga ibang-ibang Barbie ito.
“Na alam ko rin naman na pelikula siya, at alam ko rin na gagastos ang manonood nito.
“And so I made sure na, at least, kahit papaano, hopefully, maging worth it yung ibabayad nila.
“Kasi hindi mo nga ito mapapanood sa free TV.”
Read: Jobert Sucaldito's cause of death revealed
NOEL FERRER
Nag-yes ba siya kaagad nang i-offer sa kanya ang movie project na Saving Cherry? If so, bakit?
Tumango si Barbie Forteza: “Yes po, nag-yes po ako agad.This was pitched to me February of 2025 sa office po ng Regal with everyone actually.
“So, na-overwhelm ako kasi ganun yung treatment and ganun sila kaseryoso to have me on board.
“So, dun pa lang, parang convinced na ako na, di ba, pag ganun yung respeto sa yo, ganun yung trato sa yo nung mismong katrabaho, bakit ka naman hihindi?
“Tapos nalaman ko pa, bagong materyal siya para sa akin. Actually, sinabi rin sa akin ni Gabbi Garcia dahil nag-message ako sa kanya.
“Sabi niya, ‘Nagulat nga din ako na tinanggap mo yan, kakaiba talaga yan para sa iyo. And I’m very, very excited for you,’ sabi sa akin ni Gabbi.
“Dahil sinabi ko nga, magkakatrabaho kami ni Khalil [Gabbi's boyfriend] dun sa project na ito. So, I’m excited for everyone to see it dahil sa ilang projects, laging sinasabi, ibang Barbie.
“Iba talaga ito, e! Nung binasa ko yung script, sabi ko talaga, ‘Ahh OK? Patung-patong kami? OK, OK!’ Go! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Kaarawan ni Barbie noong Hulyo 31.
Sa pagtatapos ng mediacon ay may pa-birthday cake para sa kanya, at kinantahan siya ng “Happy birthday.”

Read: Male TV personality, nakakabahala ang kapayatan dahil sa sakit
