GORGY RULA
Naka-P587M ang Spider-Man: Brand New Day sa takilya ng Pilipinas mula Hulyo 29, 2026, Miyerkules, hanggang Agosto 2, Linggo.
Ibinalita ito ng Columbia Pictures Philippines sa kanilang Facebook page noong Agosto 3, Lunes.
Bahagi ng FB post ng Columbia Pictures Philippines, “Spider-Man soars to a phenomenal P587 million box office on Days 1 to 5, the biggest ever for a Spider-Man film, and the highest post pandemic opening weekend ever."
Palabas ang Spider-Man: Brand New Day sa mahigit 700 sinehan nationwide.
Wala kaming balita kung saan pinulot ang horror movies na Final Summer at The Convenience Store na sumabay sa showing ng Spider-Man: Brand New Day noong nakaraang Miyerkules.
First day of showing pa lang ng nasabing superhero film ay pila-pila na ang mga tao. Bonggang-bonggang-bongga ang word of mouth.
Kaya noong weekend ay lalong dumagsa ang moviegoers sa mga sinehan.
Simula kahapon, Agosto 3, Lunes, as expected, ay hindi na ganoon karami ang nanonood ng Spider-Man: Brand New Day sa local cinemas.
Kahapon ay ibinando ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) sa kanilang Facebook page na, “Audiences are praising SPIDER-MAN: BRAND NEW DAY, and is Verified Hot on the Rotten Tomatoes Popcornmeter.
“Don't get left behind — see it in cinemas NOW!”
FB post naman ng CEAP ngayong Agosto 4, Martes, “Don't miss what critics are touting as ‘the Best Spider-Man Movie yet!’
“Go see SPIDER-MAN: BRAND NEW DAY in cinemas now!”
MUST WATCH!!!
Read: TAPE co-founder Romeo Jalosjos passes away at 85

JERRY OLEA
Records are made to be broken.
Ayon sa Box Office Mojo, $360M ang domestic debut ng Spider-Man: Brand New Day nitong nakaraang weekend, Hulyo 31-Agosto 2, 2026.
Ito ang pinakamalakas na weekend debut sa box office history ng North America.
Kinabog nito ang benchmark ng Avengers: Endgame na $357M ang domestic debut noong Abril 2019.
Mind-boggling! Super-duper-marvelous!
Bukod-tangi ang Spider-Man: Brand New Day at Avengers: Endgame na lumampas sa $300M ang domestic gross sa isang weekend.
Ang third largest domestic opening ay hawak ng Spider-Man: No Way Home na naka-$260M noong Disyembre 2021.
Ang third largest domestic opening ay hawak naman ng Avengers: Infinity War na naka-$257M noong Abril 2018.
Opo! Ang apat na pinakamalakas na US debut sa takilya ay pawang sa Marvel Studios.
Ang worldwide gross ng Spider-Man: Brand New Day ay umabot na sa $932M.
Ito agad-agad ang pang-apat sa pinakamalalakas na pelikula this year pagdating globally.
Nilampasan agad nito ang worldwide gross ng The Odyssey na so far ay $912M. Nasa panlimang puwesto naman ito.
Ang biggest worldwide debut sa kasaysayan ay ang Avengers: Endgame na naka-$1.2B.
Pangalawa rito ang Spider-Man: Brand New Day.
Sa takbo ng mga pangyayari, lalampas sa $2B ang worldwide gross ng pelikulang ito ng mag-asawang sina Tom Holland at Zendaya.
TWO-BILLION CLUB
As of this writing ay pitong pelikula pa lamang ang lumampas sa $2B mark ang worldwide gross.
Ang mga ito ay Avatar ($2.923B), Avengers: Endgame ($2.799B), Avatar: The Way of Water ($2.334B), Ne Zha 2 ($2.271B), Titanic ($2.265B), Star Wars: Episode 7 - The Force Awakens ($2.071B), at Avengers: Infinity War ($2.052B).
Sumunod sa mga iyan ang Spider-Man: No Way Home ($1.921B), Zootopia 2 ($1.867B), Inside Out 2 ($1.699B), Jurassic World ($1.672B), The Lion King ($1.662B), The Avengers ($1.521B), Furious 7 ($1.515B), at Top Gun: Maverick ($1.503B).
Read: Barbie Forteza: "I wanna get married in Vegas... para may divorce."
NOEL FERRER
PHP587M in 5 days sa Pilipinas.
$360M sa US.
$932M worldwide.
Hindi na nakakagulat.
Ang nakakagulat, kung bakit tayo nagkaganito kagutom kay Spider-Man ulit.
Brave take: Hindi dahil sa multiverse. Hindi dahil sa cameo. Hindi dahil mag-asawa na sa totoong buhay sina Tom Holland at Zendaya kaya may extra kilig.
Kumita nang ganyan ang Brand New Day kasi sa wakas, pinahirapan ulit si Peter Parker.
Walang Stark tech. Walang Avengers na tatawagan. Walang multiverse na sasalo.
Renta. Guilt. Graveyard shift. Mag-isa.
Very Pinoy. Kaya tayo pumila.
Pagod na tayo sa superhero na invincible.
Gusto natin yung superhero na pagod din, kapos din, pero bumabangon pa rin kinabukasan.
Kaya Brand New Day ang title — hindi lang para kay Peter, para sa atin ding manonood.
WHAT PINOY AUDIENCE NEEDS NOW
Hindi ito ang "best Spider-Man movie ever" for me. Pero ito ang pinaka-kailangan natin ngayon.
Brand New Day proves na hindi sawa ang Pinoy sa superhero. Sawa ang Pinoy sa kwentong walang puso.
Sana this week, yung natutunan natin sa pagmamahal kay Peter, ibigay rin natin sa sarili nating pelikula.
Showing na sa local cinemas bukas, Agosto 5, ang horror movie na Rosario.
Hindi ito remake ng MMFF 2010 Rosario starring Jennylyn Mercado, Yul Servo, Sid Lucero, and Dennis Trillo.
Agosto 6-18 ang 22nd edition ng Cinemalaya indie filmfest, kung saan tampok ang siyam na full-length films at two sets ng short films.
This month din ang playdate ng HB2ME, Filipiñana, at Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa.
Nakapuwesto naman sa September 2 playdate ang Saving Cherry ni Barbie Forteza.
Read: Alex Eala makes history with first WTA title for the Philippines
