PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang transforms from runway diva to poor farmer in 2 Valid IDs

Pokwang on Best Actress bid: "Sana po, Lord, ibigay!"
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
pokwang marietta subong
From dazzling the runway in diamonds to portraying a poverty-stricken farmer in 2 Valid IDs, Pokwang / Marietta Subong proves her versatility once again. The actress says her own life experiences helped shape her emotional performance as she hopes for another Best Actress victory at Cinemalaya 2026.
PHOTO/S: Sany Chua / Cinemalaya

JERRY OLEA

Nakaw-eksena si Pokwang sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show noong Hulyo 30, 2026, Huwebes, sa Shangri-La EDSA, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Ang pagrampa niya roon ang isa sa highlights ng fashion extravaganza.

Bigay na bigay si Pokwang sa pagkendeng-kendeng at pagkandi-kandirit.

Medyo hinarut-harot niya ang apat na makikisig na modelo na back-up niya. May paliyad-liyad pa siya! At ang kilay, tumitikwas.

Para bang ipinaghihiyawan ng kanyang pilikmata, “Ang ganda ko! Ang ganda-ganda ko!”

‘Tsura ni Audrey Hepburn bilang Holly Golightly sa 1961 Hollywood film na Breakfast in Tiffany’s. TSE!!!

pokwang maddox
Pokwag at Maddox Iconic Runway fashion show
Photo/s: Sany Chua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM GLAMOROUS TO DEGLAMORIZED

Kung gaano ka-glamorous at ka-shimmering splendid si Mamang Pokie sa Maddox payugyog, kabaliktaran naman ng hitsura niya sa Cinemalaya 2026 festival entry niyang 2 Valid IDs.

Purita purificacion doon si Pokwang o Marietta Subong bilang Sophia, isang pobreng magsasaka na wala kahit isang ID. Dugyot!

Co-stars niya sa pelikulang social drama sina Meryll Soriano, Joey Marquez, at Zaijian Jaranilla.

pokwang 2 valid ids
Marietta Subong (Pokwang) in 2 Valid IDs
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Second time na niya ito sa Cinemalaya indie filmfest.

Ang una ay sa Mercury is Mine (2016) kung saan co-star niya si Bret Jackson.

Sa Cinemalaya 2026 mediacon noong Hulyo 8 sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City, ipinagmalaki ni Marietta ang 2 Valid IDs.

Aniya, “Napapanahon ang kuwento para sa ating mga Pilipino.”

Read: Cinemalaya 2026 Ultimate Guide: Schedule, tickets, venues, FAQs

POKWANG ON HER ID CARDS IN REAL LIFE

Ilan ang IDs niya sa totoong buhay?

Natigilan sandali si Marietta bago sumagot: “Meron akong PhilHealth, meron akong passport. Yung national ID ko, awa ng Diyos, hanggang ngayon, wala pa. 2021 ko inano yun.

“Meron akong BIR... meron akong postal…”

Wala pang senior’s citizen ang 53-anyos na si Marietta.

Naranasan ba niyang mahirapan sa pagkuha ng ID o certificate?

“Oo naman, naranasan ko yan nung nagdya-Japan ako! Kailangan ng ganito, ganyan, ano ba yan?! Daming tsutsu-tsutsu!” bulalas ng premyadong aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos nung inasikaso namin yung bangkay nung anak kong lalaki. Ang daming napagdaanan talaga…

“Kaya sabi ko nga, kaya siguro effective din ako sa mga drama dahil yung nabibigay sa akin, nagkataon, naranasan ko sa totoong buhay.

“Na kumbaga, may gigil. T*ng in*, ako ito, ah?!”

Nagtatrabaho si Marietta sa Abu Dhabi nang pumanaw ang limang taong gulang na anak niyang si Shin noong Setyembre 1998.

Ang gala ng 2 Valid IDs ay gaganapin sa Agosto 10, Lunes ng 8:30 P.M. sa Shangri-La Plaza.

2 valid ids cinemalaya 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May laban si Pokwang o Marietta Subong bilang best actress sa Cinemalaya 22: Reel Reflections para sa 2 Valid IDs.

“Sana po, LordJesus, Lord. Sana ibigay!” bulalas ni Marietta.

“Sana po, Lord. Pero lahat kasi, magaganda. Kung sino man yung manalo, deserved naman talaga.

“Ang ganda kasi lahat. Kita mo naman, e, di ba? Congrats to everybody and good luck!”

Ang mga malamang na katunggali ni Marietta sa pagka-best actress ay sina Ruby Ruiz ng Status: Rejected, Janine Gutierrez ng Mag-iina, at Maxine Ignacio ng A.Ni.Mal.

Hindi pa namin mawari kung pam-best actress o pam-best supporting actress ba sina Chai Fonacier ng Tirik, at Iza Calzado ng Hand of God.

Sa Agosto 17, Lunes, ang STRICTLY INVITATIONAL awards night ng Cinemalaya 2026 sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza.

Read: Barbie Forteza's Vegas divorce remark gets legal response

NOEL FERRER

Huling nagdrama sa pelikula si Marietta Subong ay para sa psychological horror drama na Oda sa Wala (Ode to Nothing), na idinirek ni Dwein Baltazar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalahok ito sa 6th QCinema filmfest noong Oktubre 2018, at itinanghal doong best actress si Marietta.

Nag-best actress din si Marietta sa 6th Urduja Heritage Film Awards noong 2019 para pa rin sa Oda sa Wala.

Mas nae-enjoy ba niya ngayon na mag-drama kesa mag-comedy sa pelikula?

“OK naman ako, basta kung ano yung trabahong nandiyan, enjoy-in natin, di ba?” tugon ni Marietta.

“Lalo na, kailangan natin. Hindi naman lahat nabibigyan ng trabaho sa dami ng artista ngayon, di ba?

“Kung ano ang nandiyan, enjoy lang. Mas kikita ka pa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

OK lang ba sa kanya ang sabi-sabi na second choice siyang magbida sa 2 Valid IDs? At least, siya ang final choice.

“Sabi? OK lang yun basta maganda! Di ba? Basta maganda. Maganda ang pelikula,” sey ni Marietta.

Read: NUJP fires back at Sara Duterte's criticism of Philippine media

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From dazzling the runway in diamonds to portraying a poverty-stricken farmer in 2 Valid IDs, Pokwang / Marietta Subong proves her versatility once again. The actress says her own life experiences helped shape her emotional performance as she hopes for another Best Actress victory at Cinemalaya 2026.
PHOTO/S: Sany Chua / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results