GORGY RULA
Masalimuot ang kuwento ng pagkakahuli sa talent manager na si Lito de Guzman (LDG) dahil may mga malalaking taong involved.
May tsismis na dinala na raw siya sa Muntinlupa, pero itinanggi ito ng kampo ni LDG ngayong Agosto 5, 2026, Miyerkules.
May nagsasabing mas safe pa raw si Lito kung nakakulong siya kesa nasa labas siya.
Si Lito ang tinutukoy na talent manager na inaresto matapos mahuling nambubugaw umano ng limang kababaihan sa isang entrapment operation sa isang five-star hotel sa Maynila noong gabi ng Miyerkules, July 29, 2026.
Nahingan ng reaksiyon ang ilang naging alaga ni Lito de Guzman, kagaya ni Ynez Veneracion na rumampa sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show noong Hulyo 30, Huwebes ng gabi, sa Shangri-La EDSA, Ortigas Center, Mandaluyong City.
“Sinabi naman niya sa akin, naipit siya. Wala daw siyang kasalanan. Yun, sabi niyang ganun,” pagtatapat ni Ynez.
Read: Ynez Veneracion reacts to ex-manager Lito de Guzman's NBI arrest
RAMONA REVILLA'S CRYPTIC FACEBOOK POST
Iba naman ang naging reaksiyon ng dati ring alaga ni LDG na si Ramona Revilla, na hindi na active sa pag-aartista.
Masaya na si Ramona sa buhay niya sa piling ng kanyang American husband at triplets na anak na babae.
Pero nang napabalita ang pagkahuli sa dating manager, may hugot itong post ni Ramona sa Facebook.
Sabi ni Ramona: “What goes around always comes around. The way you treat others has a way of finding its way back to you.
“If you choose kindness, you’ll reap kindness. If you choose deceit, cruelty, or betrayal, don’t be surprised when life returns the same.
“No one escapes the consequences of their actions forever. Every wrongdoing has its ending, and every good deed has its reward.
“Choose wisely because in the end, you always meet the consequences of the seeds you planted.
“What you give to the world eventually finds its way back to you. Hurt people, and hurt will find you.
“Bless people, and blessings will follow.
“May katapusan ang kasamaan, at may gantimpala ang kabutihan. Karma may take its time, but it never forgets.”
Kalakip ng mensahe ni Ramona ang screenshot ng ulat tungkol sa pagkaaresto kay Lito.
RAMONA ON FALLING OUT WITH FORMER TALENT MANAGER
Kaugnay ng kanyang post, tinawagan ng PEP Troika si Ramona para tanungin tungkol dito.
Masama raw ang loob niya sa dating manager dahil may mga sinasabi umano ito noon laban sa kanya.
Matindi ang ibinahaging kuwento ng dating aktres kaugnay ng naranasan niya umano nung hina-handle pa ni Lito ang kanyang showbiz career.
Hindi lang namin madalirot ang tungkol sa isyu ng "bugawan" dahil sa kalagayan ngayon ni Lito ay hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.
Pero ang ipinupunto ni Ramona ay ang sinasabi niyang “kasakiman sa pera.”
Saad niya: “Kuya, alam naman ng marami kung paano kumilos si Lito de Guzman pagdating sa pera.
“Kung isusulat ko lahat ng mga maling ginawa niya sa akin, baka hindi matapos sa isang post.
“Ang dami niyang ginawa na mali dahil sa greed niya for money.
“Sa experience ko, kapag pera na ang usapan, nawawala ang respeto at consideration sa ibang tao.
“At kapag wala nang maibibigay o pakinabang sa kanya, bigla ka na niyang sisiraan.”
Read: Barbie Forteza's Vegas divorce remark gets legal response
NOEL FERRER
Hindi na idinetalye ni Ramona Revilla kung ano ang mga ginawa sa kanya ng dating talent manager na may kinalaman sa pera.
Ito raw ang dahilan kaya siya umalis sa poder ni Lito de Guzman at lumipat sa poder ng namayapang talent manager na si Tita Angge, Cornelia Lee sa tunay na buhay.
“Niloko niya ako ng napakaraming beses pagdating sa pera, not just once, but several times,” sabi ni Ramona.
“I chose to stay quiet, not because I had nothing to say, but because I valued my dignity and peace more.
“I didn’t want to engage in unnecessary drama or lower myself to that kind of behavior.
“That’s why I chose to leave his management and moved under Tita Angge.
“I realized that protecting my dignity is something I should never compromise.”
May binanggit si Ramona na pangalan ng isa pang dating sexy star na sobrang pinuri raw noon ni Lito, at siya ang napasama.
Pero ang mahalaga raw ay nakalayo na siya sa dating talent manager.
Ani Ramona: “I chose to distance myself from him, not out of anger or a desire for revenge, but to protect my peace.
“I leave everything in God’s hands because I believe that in the end, everyone is accountable for their actions.”
Read: Cinemalaya 2026 Ultimate Guide: Schedule, tickets, venues, FAQs
JERRY OLEA
Wala na raw ibang masasabi si Ramona Revilla sa pinagdadaanan ngayon ni Lito de Guzman, o ayaw na niyang isiping mapasama siya lalo sa hinaharap nitong kaso.
“I don’t hate him, and I don’t wish him any harm,” pagmamatwid ni Ramona.
“But I also believe that when someone chooses to hurt others or act with bad intentions, those actions eventually have consequences.
“Our choices reveal who we truly are, and sooner or later, everyone faces the results if the seeds they plant…
“Despite everything that happened, I don’t want revenge, and I don’t want to bring anyone down.
“I believe that people eventually face the consequences of their own actions.
“God sees everything, and in the end, everyone has to answer for the choices they made. “Sometimes, life has a way of revealing the truth on its own.”
Sa Maddox fashion extravaganza noong Huwebes sa Shangri-La EDSA, sinabi sa amin ng isang showbiz reporter na walang piyansa sa kaso ni Lito at malamang na mabulok daw ito sa bilangguan.
Pero may nagbalita sa amin mula sa kampo ni Lito na lalabas na ito ng kulungan sa Agosto 7, Biyernes.
Abangan natin kung mananatili ba sa kulungan si LDG o lalaya na samakalawa!
Mananatiling bukas ang PEP Troika sa panig ni Lito de Guzman kaugnay ng mga pahayag ni Ramona Revilla.
Read: Regine Velasquez talks about “retirement”; recalls hardships fulfilling her dreams
