GORGY RULA
Pinupuna ng ilang netizens ang paiba-ibang lineup ng hosts sa It’s Showtime dahil ilang araw nang absent si Vice Ganda.
Maganda talaga at nakasanayan na nating panoorin sa malalaki nilang segments kapag si Vice Ganda ang nagho-host, kasama sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Mas riot pa kapag nandiyan si Anne Curtis, kasama rin si Kim Chiu.
Nitong mga nagdaang araw, paiba-iba ang mga nakasalang na hosts.
Okay naman sina Vhong at Jhong, kasama sina MC at Lassy.
Pero noong Martes, August 4, 2026, may ilang netizens ang di nagustuhan ang pagsali ni Negi, tapos wala pa si Vhong.

Medyo magulo o nakakalito talaga kapag hindi yung regular hosts ang nakatayo sa isang daily show.
Meron pa silang ginawang sketch nung Sabado na tipong continuation sa ginagawa nilang "Memerimar."
Pero wala si Vice Ganda, at si Vhong lang ang isinalang na napakahaba ng ginawa niya.
Nakornihan kami sa pagkagawa at tila nahihirapan din si Vhong.

Wala pang update sa isyu ng It’s Showtime sa MTRCB kaya wala pa rin si Vice.
NOONTIME SHOWS RATINGS
Pero hindi naman naman naapektuhan ang ratings ng noontime show.
Hindi naman nababawasan ang viewership ng It's Showtime, at name-maintain ang ratings nito.
Noong Biyernes, July 31, ay naka-5.1% ang It's Showtime; habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.1%.
Noong Sabado, August 1, ay 5% ang It’s Showtime.
Samantalang tumaas ang Eat Bulaga! dahil isinelebrayt nila ang kanilang 47th anniversary. Naka-3.7% ang longest-running noontime show.
Noong Lunes, August 3, ay 5% uli ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Pero noong Martes, August 4, na kasali si Negi ay tumaas pa ang viewers na naka-5.5%; at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.
So, ganun pa rin ang viewers ng It's Showtime na nakaugalian na silang panoorin araw-araw, nandun man si Vice o wala.
Read: Eat Bulaga! marks 47th anniversary with Kalyeserye, talent search reunions
NOEL FERRER
Kahit ang ibang programa sa hapon ay ganun pa rin ang viewing level.
JULY 31 RATINGS
Noong Biyernes, July 31, pagkatapos ng It’s Showtime ay sumunod na ang Born To Shine na naka-5.6%, at ang My Bespren Emman ay 1%.
Ang Kamao ay 4.8%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.2%, at ang Frontline Express ay 0.7%.
Sumunod ang You’re My Favorite Song na 4.4%, at ang High Street ay 0.2%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.4%, at ang Happiness ay 0.6%.
Ang Lovers of the Red Sky ay 2.6%, at ang TV Patrol Express ay 0.6%.
Ang Family Feud ay 6.1%, ang Minute To Win It ay 0.6%, at ang Una sa Lahat ay 1.2%.
Pagdating sa primetime ay namamayagpag pa rin ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
Ang 24 Oras ay 11.1%, ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol ay 2.7%.
Pero hindi rin nagpahuli ang PBA Game 2 sa RPTV na naka-2%.
Sumunod ang The Master Cutter na 10.9%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.1%.
Ang Taskforce Firewall ay 8.4%, at ang Someone, Someday ay 3.2%.
Ang First Yaya ay 4%, at ang A Secret In Prague ay 1.7%.
AUGUST 1 RATINGS
Noong Sabado, August 1, ay mas tumaas ang Born To Shine na naka-5.7%, at ang My Bespren Emman ay 1.1%.
Sumunod ang Tadhana na 4.1%, at ang Frontline Express ay 0.8%.
Ang Wish Ko Lang ay 4%, at ang sumusunod na Farm To Table ay 3%. Ang SOCO ay 0.8%.
Sa primetime ay naka-5.2% ang 24 Oras Weekend; ang Frontline Weekend ay 0.8%, ang TV Patrol Weekend ay 1.6%, at ang sumunod na Vibe+ ay 0.4%.
Ang The People Have Spoken ay 5.2%, at ang Ibang Level ay 2.5%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.2%, ang Deal or No Deal ay 3.7%, at ang PBA naman ay 2.1%.
Ang sumusunod na Magpakailanman ay 5.9%, at ang Everybody Sing ay 3.3%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 4.8%, at ang Maalala Mo Kaya ay 1.7%.
AUGUST 2 RATINGS
Noong Linggo, August 2, ay halos ganun pa rin ang bilang mga mga nanood.
Medyo tumaas ang Deal Or No Deal, kung saan napanalunan nina Abdul at Marsy ang PHP1M na jackpot.
Simulan muna natin sa All-Out Sunday na 3%; ang Sunday Noon Blockbuster ay 0.6%, at ang Cine Astig ay 0.7%.
Ang Regal Studio Presents ay 3.1%, at ang Kuan on One ay 0.4%.
Sumunod ang Resibo na 3.6%, at ang My Puhunan ay 0.3%.
Ang FPJ sa GMA ay 5.3%, ang Rated Korina ay 0.2%, ang TV Patrol Weekend ay 0.5%, at ang Presinto 5 ay 0.5%.
Ang 24 Oras Weekend ay 7.3%, at ang Frontline Weekend ay 0.5%, at ang ASAP XP ay 1.5%.
Ang Bubble Gang ay 6.2% at ang Tulfo ay 0.6%.
Ang The Clash Teens naman ay 7.6%, at ang Deal or No Deal ay 4.3%.
Ang PBA Recap ay 2.1%, at ang PBA Game 2 ay 2.3%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 12.1%, ang Everybody Sing ay 2.7%, ang MMK ay 1.4%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 2.4%.
JERRY OLEA
Streaming na sa Netflix ang First Yaya at Maria Clara at Ibarra.
Nang i-replay ang mga ito ng GMA-7, wagi pa rin sa TV ratings.
Ire-replay rin kaya ng Kapuso Network ang sequel ng First Yaya na First Lady, na nasa Netflix na rin?
TUTOK 2GETHER PROMO
Samantala, doble ang saya at doble ang panalo sa panonood ng primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 sa “Tutok 2gether” special promo na nag-umpisa noong Hulyo 27 at tatagal hanggang Setyembre 18.
Puwede ritong manalo ang televiewers ng cash prizes up to PHP50,000. Mas maraming Kapamilya ang maaaring manalo sa simpleng pagtutok sa paboritong primetime shows na TV Patrol ng 6:30 P.M., Coco Martin’s Sigabo ng 8:00 P.M., at Someone, Someday ng 8:45 P.M. sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang Biyernes.
Dalawampu (20) ang daily winners ng PHP2,000, at dalawa ang weekly winners ng PHP25,000.
Mas pinalaki pa ang premyo sa Doble Panalo na handog kung saan ipi-flip ang lucky coin para malaman kung do-doblehin ang cash prize.
Nakatulong ba sa ratings ng primetime Kapamilya shows ang promo na ito?
AUGUST 3 RATINGS
Noong Lunes, August 3 nagbalik ang Maria Clara at Ibarra, at napaaga ang Fast Talk With Boy Abunda.
Simulan muna natin sa Born To Shine na 5.5%, at ang My Bespren Emman ay 1.1%.
Ang Kamao ay 5.1%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.6%, at ang High Street ay 0.4%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 3.2%, ang Happiness ay 0.6%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 6.4%, at ang JR Minute To Win It ay 0.8%, at ang Una Sa Lahat ay 1.4%.
Sa primetime, ang 24 Oras ay 12.1%, ang Frontline Pilipinas ay 2.6%, at ang TV Patrol ay 3%. Ang The Master Cutter ay 11.2%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.7%. Ang Taskforce Firewall ay 9.7%, at ang Someone, Someday ay 4%. Ang First Yaya ay 4.2%, at ang A Secret In Prague ay 1.7%. Ang Saksi ay 1.9%.
AUGUST 4 RATINGS
Noong Martes, August 4, naman ay tumaas ang viewership ng mga panghapong programa.
Ang Born To Shine ay 6.4%, at My Bespren Emman ay 1.4%.
Ang Kamao ay 5.3%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.3%, at ang Frontline Express ay 1.2%.
Ang You’re My Favorite Song ay 4%, at ang High Street ay 0.3%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 3.5%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 3.5%, at ang Happiness ay 0.6%.
Ang Lovers of the Red Sky ay 3%, ang TV Patrol Express ay 0.9%, at ang Una sa Lahat ay 1%.
Ang Family Feud ay 6.9%, at ang JR Minute To Win It ay 1%.
Sa primetime ay 12.2% ang 24 Oras; ang Frontline Pilipinas ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 3.2%.
Ang The Master Cutter ay 10.7%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.7%.
Sumunod ang Taskforce Firewall na 9.8%; at ang Someone, Someday ay 3.6%.
Ang First Yaya ay 4.9%, at ang A Secret In Prague ay 2.2%. Ang Saksi ay 2.5%.
