JERRY OLEA
Si Jerrold Tarog ang magdidirek ng pelikulang Bernal, na biopic ni National Artist Ishmael Bernal (1938-1996) mula sa screenplay ng 78-anyos na National Artist na si Ricky Lee.
Eksklusibo itong isiniwalat sa amin ni Sir Ricky matapos ang opening ceremony ng Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 6, 2026, Huwebes, sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Si Direk Jerrold ang nagdirek ng Bayaniverse trilogy — Heneral Luna (2015) ni John Arcilla, Goyo: Ang Batang Heneral (2018) ni Paulo Avelino, at Quezon (2025) ni Jericho Rosales.
NATIONAL ARTIST RICKY LEE ON BERNAL CASTING, FUNDING, SHOOTING
Napabalitang si Jericho ang isa sa tatlong gaganap bilang Ishmael Bernal sa nasabing biopic na may magic realism.
Kaya ba si Jerrold ang napiling direktor ng Bernal ay dahil kay Jericho? Aprub na ba kay Jericho ang pagiging isa sa mga bida sa nasabing pelikula?
“Nag-usap-usap kaming lahat kung sino ang direktor et cetera, et cetera, so on and so forth,” sabi ni Sir Ricky.
Nagkaproblema ba sa funding ng Bernal? Kulang ang production budget?
“Yes, at saka madugo siya, e. So, hindi na namin minadali. Parang… ibigay na yung hinihingi niyang time para magawa siya nang mas maganda,” pag-amin ng multi-awarded scriptwriter.
Tatapusin ba ang shooting ng Bernal ngayong 2026? Or for next year na ito?
“Next year na siya… sayang pag minadali. Andaming kailangang gawin.”
Anong sabi sa kanya ni Direk Jerrold nang tanggapin nito ang Bernal project
Napangiti si Sir Ricky, “Siyempre excited siya. Excited ako. First time naming magkakatrabaho sa pelikula na siya ang direktor.
“Although naging… sa music ng pelikula ko kay Mel Chionglo, Twilight Dancers [2006], sa kanya ang music doon.
“So, in a way nagkatrabaho na kami before.”
Read: Ricky Lee's passion project: a star-studded Ishmael Bernal biopic
GORGY RULA
Maliban kay Jericho Rosales, napabalitang kasama sa cast ng Bernal sina Judy Ann Santos bilang Nora Aunor, Iza Calzado bilang Rita Gomez, Atom Araullo bilang Spanky Manikan, at John “Sweet” Lapus bilang Benardo Bernardo.
Kasama rin sa cast sina Eugene Domingo, Chanda Romero, Lovi Poe, Shaina Magdayao, at Agot Isidro.
Nagpasabi si Maris Racal na gusto nitong makasama sa pelikula, kahit anong role.
“Yes, oo,” pagkumpirma ni Sir Ricky. If ever, maa-accomodate ba ang iba pang mga artista na gustong mapabilang sa cast ng Bernal?
“Yeah, oo. Gusto naming maka-gather ng as many as possible na mga sasama na magbigay ng tribute kay Ishmael Bernal at sa Second Golden Age of Philippine Cinema,” tugon ni Sir Ricky.
“So, bukod sa mga artista ngayon na kukunin namin para gumanap ng mga roles nung mga artistang ginampanan noon, e, gusto rin naming makuha ang mga artistang naging kaibigan at katrabaho ni Ishma before para makasama sa pelikula.”
NOEL FERRER
Ngayon ay pinaplantsa lang ang lahat kaugnay sa Bernal biopic. Same level pa rin ang excitement ang lahat.
Aayusin ng grupo ng Kahon Collective ang lahat, pati schedules.
Pagtitiyap-tiyapin lahat-lahat, production, crew at artista.
And we would want to have all the best people in the industry to be here in the tribute project para sa National Artist na si Ishmael Bernal, with fellow National Artists in the movie too — Marilou Diaz -Abaya, Nora Aunor, and yes, even Ricky Lee.
Exciting ito talaga!
RICKY LEE'S NEW BOOK LAUNCH
Siyanga pala, ang Cinemalaya launch ng bagong aklat ni Sir Ricky na Quiapo Ilalim ay gaganapin sa Agosto 14, Biyernes ng 5:30 P.M., sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza.
Ang publisher ng aklat ay ang Film Academy of the Philippines (FAP).
Ito ang unang aklat ni Sir Ricky na published ng FAP.

Ang FAP ay tumulong sa Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop ni Sir Ricky.
Ang umpisa ng Batch 31 ng free scriptwriting workshop ni Sir Ricky ay nakatakda sa Agosto 23, Linggo.
Kabilang sa workshoppers sa Batch 31 sina Chai Fonacier, Jules Katanyag, Justin Brylle Mactal, Karylle, Mikko Baldoza, Nigel Santos, Rica Peralejo, Romnick Sarmenta, at Tim Rone Villanueva.
Read: Barbie Forteza's Vegas divorce remark gets legal response
