GORGY RULA
Isa nang reservist sa Philippine Navy ang premyadong aktres na si Lorna Tolentino.
Nag-graduate siya sa headquarters ng Philippine Navy sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong umaga ng Biyernes, August 7, 2026
Ipinaliwanag ni Lorna na ang kanyang pagiging reservist ay sa Medics at sa Media.
Pero dumaan daw siya sa ilang araw na training sa Cavite kung saan naranasan niyang sumakay sa tila banana boat. Posibleng ang tinutukoy ng aktres ay ang rubber boat na ginagamit sa Navy.
“Parang banana boat, na tumalbug-talbog ako,” bulalas niya.
“Ang hirap! Sumakit lahat ng katawan ko.
"Kasi yung waves, tumatalbug-talbog ka. Puwede kang tumilapon kung hindi ka nakakapit sa rope.
“Sabi ko, 'Ano ba yan! Kung kailan ako tumanda!”
INSPIRED BY LATE HUSBAND RUDY FERNANDEZ
In-interview raw siya pagkatapos ng graduation.
Dito ay sinabi ni Lorna na ang namayapa niyang asawang si Rudy Fernandez ang nag-inspire sa kanyang magpa-enlist sa Philippine Navy.
“Sabi ko siyempre, naging inspirasyon ko si Daboy, kasi Philippine Navy reservist siya,” pakli niya.
Noong pumanaw si Rudy ay binigyan ito ng military honors ng Philippine Navy.
Hindi lang daw tiyak ni Lorna kung ano ang ranggo ng namayapang asawa sa Philippine Navy.
“Because of the full military honors na binigay sa kanya… kay Daboy ng Philippine Navy, nakaka-touch sa puso.
“Kumbaga, naging inspirasyon yun para sa mga celebrities.
“After nun, nagpa-enlist ang mga celebrities. Actually, maraming celebrities ang nagpa-enlist after nung death ni Daboy, di ba?
“Iyon yung nag-pave ng way para makita ng ibang artista, lalo na ng mga action star at iba pa, 'Ay, maganda pala sumali dito sa Philippine Navy,” saad ni Lorna.
Related Stories:
- Carlos Yulo, 24, now a Philippine Navy Reservist
- Nadia Montenegro, 52, now a Philippine Navy reservist
- Navy reservist Beatrice Luigi Gomez receives Military Merit Medal from Friends of Marines
- Dingdong Dantes now lieutenant commander of Philippine Navy
- Rocco Nacino is officially a Philippine Navy reservist
NOEL FERRER
Sabi ni Lorna Tolentino, ang nakalagay raw sa kanyang name tag ay "Seaman First Class Jo" o S1Jo Victoria Lorna Fernandez.
Journalist ang ibig sabihin ng "Jo."
Bukod sa Medics, na talagang magiging responsibilidad niya, journalist na rin daw siya o sa media siya naka-assign.
“Dun nila ako nilagay. Kasi mas makakatulong ako sa media.
“In-interview nga nila ako after the graduation. Magsasalita ako para sa Hukbong Sandatahang Pandagat.
“Nabonggahan ako sa kanila. Masaya!” natutuwang pahayag ni Lorna.
Marami raw silang nag-graduate sa batch na ito, kabilang na ang The Voice Kids champion noong 2015 na si Elha Nympha.
JERRY OLEA
Facebook post ni Lorna Tolentino ngayong Agosto 7, Biyernes: “Discipline is choosing to finish, even when it’s hard.
“Just finished.
“Lorna Tolentino Fernandez, at your service.
“Philippine Navy Reserve Command “Mabuhay ang Pilipinas!”
Kalakip ng FB post ni LT ang walong litrato.
Read: Dimples Romana dodges questions on Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Angel Locsin
