GORGY RULA
Lumipad patungong Italy ang buong team ng A Secret In Prague para i-shoot doon ang ilang malalaking eksena na maaaring bahagi ng ending ng TV5 primetime series.
Binanggit ito ni Andrea Brillantes nang nakatsikahan siya ng PEP Troika bago nagsimula ang Tara, Kapatid media conference ng TV5 na ginanap sa MVP Studios noong Huwebes, August 6, 2026.
Sabi ni Andrea, sa Europe sila magte-taping ng teleserye nila ni Enrique Gil, pero hindi niya sinabing sa Italy sila pupunta.
Una silang nag-shoot sa Prague, Czech Republic; sumunod ay sa Hong Kong, at ngayon ay sa Italy.
Kaya lalo raw naging close ang buong cast ng A Secret In Prague dahil nakakapag-bonding sila sa ibang bansa.
Sabi naman ng Kapatid actress, kahit sa Pilipinas ay okay ang bonding niya sa co-actors niya. Nakikita naman daw iyon sa mga ipinu-post nila sa social media.
“Tingnan natin kung makakapag-Brazilian dance kami sa Europe,” napangiting pakli ni Blythe, tunay na pangalan ng aktres.
Limitado lang daw kasi ang taping days nila roon.
ANDREA ON ACTION SCENES IN A SECRET IN PRAGUE
Ang isa pang ikinatutuwa ni Andrea ay ang action scenes na ipinapagawa sa kanya sa naturang teleserye.
Wala siyang gaanong traning sa martial arts, pero gustung-gusto raw niya ang nakipagsuntukan siya.
Aniya: “Gusto ko lang talagang action kaya nagmumukhang natural. Nae-enjoy ko po talaga siyang gawin.
“Nagugustuhan ko yung nahihirapan din ako.
“Nagugustuhan ko yung stunts na ako talaga yung gumagawa na madalas sinasabi ko, ako na lang.
“Tapos nagdyo-joke sina Direk na, ‘Huwag na, may mga eksena pa tayong gagawin.’
“Nagugustuhan ko yung may natatalo ako, may nabubugbog akong lalaki, ganun, charot!”
Read: Is Gandang Gabi Vice show making a comeback on GMA-7?
andrea on still having time for herself
Nagpapasalamat si Andrea dahil kahit laging puno ang schedule niya, nagkakaroon pa rin siya ng panahon para sa kanyang sarili.
Nababalanse pa raw niya ang kanyang oras sa trabaho at mga personal na bagay, pati ang kanyang negosyo.
“Very important po kasi sa akin na meron akong oras para sa sarili ko para hindi ako nasu-super overwhelm sa lahat po ng gagawin ko.
“Me time… with my special someone, with my friends, my family. Lahat nabibigyan ko naman ng oras,” saad ni Andrea.
NOEL FERRER
Nabanggit ang special someone, at open naman si Andrea Brillantes na pag-usapan ang tungkol sa nobyong si Pankie Capistrano.
“Very supportive naman po. Hehehe!” napangiti niyang pakli sa tanong kung gaano ka-supportive ang basketbolistang boyfriend.
Hindi na rin siya nagpapaapekto na minsan ay basta na lang lumalabas sa social media ang mga kuhang magkasama silang dalawa.
“Wala din naman talaga akong magagawa. Ito rin kasi talaga yung perks ng pagiging artista. Kasama siya sa pagiging artista talaga, hindi maiiwasan,” sabi ni Andrea.
Hindi na lang daw niya pinapansin ang sinasabi ng iba, lalo na ang di magagandang komento o intriga ng ilang netizens.
“Kapag inisip ko nang inisip ang sinasabi ng mga tao, maloloka talaga ako.
"Kasi never ko sila mapi-please. Hindi ko na lang iniisip yung mga iniisip nila.
“Basta ang importante, kung ano ang alam kong totoo, kung ano ang nakikita ni Lord, yun lang!”
Read: Who is Pankie Capsitrano?
ANDREA ON MEETING PANKIE'S PARENTS
Ipinakilala na raw ni Pankie si Andrea sa mga magulang nito, at okay naman daw sila.
Noong Holy Week ay nandoon si Andrea sa hometown ni Pankie na Lucban, Quezon.
“Very tight naman po ako with the family. Happy!” sambit ni Andrea.
JERRY OLEA
Pagdating sa pagiging artista ni Andrea, hindi raw ito pinapakialaman ni Pankie.
Hindi raw sila umabot na pinagbabawalan siya ng nobyo sa mga gagawin niya sa isang project.
Saad ni Andrea: “Kapag may sinabi siya na huwag kong gawin, hehehe!
"Ahhh, I think maiintindihan naman po niya at the end of the day, kasi magkaiba po, e.
“Na-meet niya po ako, eto na yung trabaho ko. Eto na ako, matagal na.
“Siguro, iba po siyang diskusyon kung nag-meet kami saka ko pa lang gagawin.
“Iba po siya, na-meet niya ako, eto na. So, tinanggap niya ako na eto na yung trabaho ko."
Kaya bukas ang aktres sa projects na kailangan niyang magpaka-daring.
“Open ako to any, as long as the script is good at maganda yung environment. Kasundo ko lahat, go.
"Kahit hindi ko kasundo, go. Basta maganda yung script, go,” sambit ni Andrea.
Hindi rin daw isyu sa kanya kung mabigyan siya ng sexy role.
“Game naman po ako any talaga. Basta maganda yung script.
"Meron naman po akong boundaries. Meron akong boundaries.
“Kapag feeling ko hindi ko kaya, hindi ko naman gagawin,” sabi ni Andrea.
Read: Andrea Brillantes welcomes 2026 with rumored boyfriend
