GORGY RULA
Naka-PHP1 billion ang Spider-Man: Brand New Day sa 12 araw na showing ito sa Pilipinas — mula Hulyo 29, 2026, Miyerkules, hanggang Agosto 9, Linggo.
Ibinalita ito ng Columbia Pictures Philippines sa kanilang Facebook page noong Agosto 10, Lunes.
Pagbabando ng Columbia Pictures PH: “Spidey achieves spectacular milestone, hauling PHP1,055,450,905 gross in only 12 days!
“Catch the box-office record-breaking run of Spider-Man: Brand New Day, still showing in over 600 cinemas everywhere.”
Bida sa Spider-Man: Brand New Day si Tom Holland bilang Peter Parker/Spider-Man.
Tampok din dito sina Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Florence Pugh, Tramell Tillman, Marisa Tomei, at Mark Ruffalo, sa direksyon ni Destin Daniel Cretton.
Read: Joey Reyes reacts to Spider-Man, The Odyssey box-office success

NOEL FERRER
As expected, nanguna muli sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend ang Spider-Man: Brand New Day.
Ayon sa Box Office Mojo, nitong Agosto 7-9 ay $144.2M ang domestic gross ng nasabing pelikula nina Tom Holland, Zendaya, at Jon Bernthal.
Pumangalawa rito ang The Odyssey, with $31.7M.
Bida sa The Odyssey si Matt Damon, at suportado siya rito nina Tom Holland, Zendaya, at Jon Bernthal, maging nina Anne Hathaway, Robert Pattinson, Lupita Nyong’o, Samantha Morton, at Charlize Theron.

Lumampas na sa $1B ang worldwide gross ng The Odyssey, at pangalawa na ito sa Spider-Man: Brand New Day bilang pinakamalakas na pelikula this year globally.
Read: Gabby Lopez sells 25.7% Lopez Inc. stake to Ramon Ang for “family peace”
TOP 5 HIGHEST-GROSSING FILMS OF 2026
So far, ang Top 5 sa takilya worlwide ngayong 2026:
- Spider-Man: Brand New Day, $1.664B
- The Odyssey, $1.111B
- Toy Story 5, $1.094B
- Michael, $1.016B 5
- The Super Mario Galaxy Movie, $1.012B
Sana, sana maabot din ng Filipino film ito kapag nagkataon. Sana, sana.
JERRY OLEA
Hulyo 15, 2026 nag-open sa local cinemas ang epic action fantasy ni Direktor Christopher Nolan na The Odyssey.
Pagkatapos ng dalawang linggo, nag-open sa ating mga sinehan noong Hulyo 29 ang Spider-Man: Brand New Day.
Walang pelikulang Pinoy na tumapat sa Odyssey-Man (The Odyssey + Spider-Man: Brand New Day).
Five weeks na walang bagong Filipino film na nag-showing sa ating mga sinehan.
If my memory serves me right, first time ito nangyari sa kasaysayan.
Buong buwan ng Hulyo 2026, walang pelikulang Pilipino sa local cinemas.
Ang Odyssey-Man ay naikukumpara sa cultural phenomenon na Barbenheimer.
Sabay ang showing ng Barbie at Oppenheimer noong Hulyo 2023, at mistulang double feature na parehong tinangkilik ng moviegoers ang dalawang tentpole.

Siyangapala, mula Agosto 3, Lunes, hanggang ngayong Martes, Agosto 11, ay parehong nasa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang unang dalawang Spidey movies sa Marvel Cinematic Universe (MCU), na bida siyempre si Tom Holland.
Ang mga ito ay ang Spider-Man: Homecoming (2017) at Spider-Man: Far From Home (2019).
Read: Spider-Man: Brand New Day becomes 2026's highest-grossing movie
