GORGY RULA
Ang magandang pangangatawan ang kaagad na pinansin kay Korina Sanchez nang humarap siya sa entertainment press bago nagsimula ang Tara, Kapatid media conference sa MVP Studios ng TV5 sa Sheridan St., Mandaluyong City, noong August 6, 2026.
Si Korina ang host ng Face To Face with Ate Koring, na hindi lang sa TV5 napapanood kundi pati na rin sa ABS-CBN platforms.
May iba pa siyang mga programa, hindi lang sa TV5, kaya maingat daw siya sa kanyang kalusugan para hindi siya magkasakit.
Bukod pa riyan, kailangan daw niyang manatiling healthy para sa kanyang kambal na sina Pepe at Pilar.
Saad ng veteran broadcaster: “Ewan ko. Ang pakay ko kasi, buhay ako ng 120 years.
"Mga anak ko kasi, seven years old pa lang. Kailangan makita ko yung mapapangasawa nila.
“O sabihin natin nagkamali sila, yung Take 2, kailangan alam ko rin kung sino yun.”
KORINA ON TAKING CARE OF HER HEALTH
Kaya sobra siyang maingat sa kanyang kalusugan, at isa sa tinitiyak niya ay dapat kumpleto ang kanyang tulog.
Sapat na raw sa kanyang makakumpleto ng tulog na at least walong oras.
“Kapag kulang ang tulog, ibig sabihin naka-six hours lang ako.
"Pero six hours, sabi nga nila, karaniwan okay na yun e. Talagang sinosobrahan ko lang.
“Kasi gusto ko super well-rested ako, and my body has enough time to… yung heal itself habang tulog ka,” paliwanag ni Ate Koring.
Read: Korina Sanchez says Mar Roxas no longer interested in politics
JERRY OLEA
Hindi lang ang kalusugan ang pinag-iingatan ni Korina Sanchez.
May mga pinaghahandaan din siya para sa kanyang mga anak na maaring gumabay sa kanilang paglaki.
Ibinahagi ni Korina na meron siyang nire-record na video kung saan pinapayuhan niya ang kanyang mga anak sa mga magiging karanasan nila.
Sinimulan daw niya ito nung nakaraang pandemic, at meron na raw siyang library ng mga ito na anytime ay puwedeng buksan ng mga anak niya kung kailangan nila ng payo.
“May advance thinking ako talaga,” pakli ni Korina.
“In fact, I have a library already of videos for my kids.
“If anything happens to me, alam na nila yung, ‘Ano ang gagawin ko kapag buwisit yung boss mo? Ano ang gagawin mo, red flag sa boyfriend?’ Ayan!
“May ganun ako. Yes!”
Updated daw ito, depende sa mga nangyayari ngayon.
“Nag-iiba-iba yung version. As many as I can. Malay mo naman,” sambit niya.
View this post on Instagram
PEPE AND PILAR ACTIVE ON SPORTS
Nahihilig daw ang mga anak niya sa sports, at suportado niya ang mga ito.
Pero hindi pa raw sure kung magpu-focus na ang kambal sa tennis.
Ani Korina, “Look, they’re into tennis. I was into tennis once. Natapos na yun.
“They’re into swimming. They’re into taekwondo, never ako nag-taekwondo. Nag-football, never ako nag-football.
“So I can’t give them advice. All I can tell them is, kailangan masaya ka what you’re doing.
"Because when you’re happy, then you can enjoy whatever you’re doing. Kahit competitive pa yan, hindi ba?
“Pero yun na nga, huwag kakalimutan ang academics. Kasi, yun pa rin ang magsasalba sa kanila.”
Read: Andrea Brillantes on boyfriend Pankie Capistrano: "Tinanggap niya ako."
NOEL FERRER
Inspired si Korina Sanchez sa trabaho, lalo na itong Face to Face With Ate Koring na bago raw talaga sa kanya.
Akala raw niya ay pa-retire na siya. Pero sabi nga ng ilang press, mabili pa rin siya hanggang ngayon.
“Mabili! Wow, thank you!” bulalas niya.
“Hindi ko naman inawitan ang mga yan. In-offer lahat yan sa akin.
“And ako naman, parang all these formats, I’ve been able to do.
“Parang yung Face to Face, dating format, never ako nag-referee ng suntukan. So, parang gusto kong subukan, di ba?
“Parang full circle ako. Dati meron akong Magandang Umaga, ngayon meron na naman akong Face To Face With Ate Koring.
“Hindi ko akalain, babalik ako ng news. Akala ko retired na ako. Nung binalikan ko, ay, enjoy!” saad ni Ate Koring.
KORINA ON SENATOR LITO LAPID
Natawa uli si Korina nang binalikan sa kanya ang nag-viral niyang komento kay Senator Lito Lapid, na nakalimutan niyang nasa Senado pa rin ito.
“Hindi ko naman kasi talaga siya nakikita,” bulalas niya.
“Pero tama yung ginagawa ni Sen. Lito, the less said, less mistake. Friend ko naman si Sen. Lito. Friend ko yun.
“Sabi nga niya sa mga boss ko, 'Uy, sabihin mo kay Korina, nanalo ako, ha?'” natatawa na lang niyang pahayag.
Read: Grace Poe recalls FPJ's ingenuity in the making of Panday movies
