GORGY RULA
Agosto 11, 2026, Martes, ang lipad ni Elijah Canlas patungong Finland para mag-shoot ng pelikulang ipo-produce ng Mavx Productions, Inc.
Ang Mavx din ang producer ng pelikulang HB2Me, kung saan kasama niya si John Arcilla, mula sa script at direksiyon ni Veronica Velasco.
Bago siya umalis, dinaluhan muna ni Elijah ang premiere night ng HB2Me noong Agosto 10, Lunes, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
Sa premiere night ay nakabantay kay Elijah ang handler niya nang in-interview na ito ng entertainment media.
Sandali lang ang aming pakikipagtsikahan sa aktor dahil nung medyo personal na ang pinag-uusapan, tinapos na ito ng kanyang handler.
IS NOW THE "HAPPIEST MOMENT" FOR ELIJAH CANLAS?
Nabanggit kasi ni Elijah na magsu-shoot sila sa Finland, ang bansang tinaguriang "happiest country in the world."
Kaya ang kasunod na tanong ay kung nasa happiest moment ba siya ngayon.
“Not really! But it’s okay cause busy sa work,” napangiti niyang sagot.
“It’s hard to ignore those blessings and spend time with the family, of course.
"It’s not the happiest moment of my life. I’m really going through it.
“Pero just living life and focusing on work and focusing on the people around us."
Biro pa ni Elijah, “Baka umiyak pa ako, e!”
Sinundan ko pa siya ng tanong kung lovelife ba ngayon ang nagpapalungkot sa kanya. Tumawa lang siya at hindi na niya ito nasagot.
Sa August 19 na ang showing ng pelikulang HB2Me, at nasa Finland pa siya niyan na nagso-shooting.
Kaya si John na lang ang maiiwan para mag-promote nito.
Kasama nila sa pelikula sina Alexa Miro, Carmi Martin, Archie Alemania, Rubi Rubi, Dindo Arroyo, Matt Lozano, Joe Vargas, Basti Flores, Ron Capinding, at Criza Taa.
Read: Gabby Lopez sells 25.7% Lopez Inc. stake to Ramon Ang for “family peace”

JERRY OLEA
Namataan nga namin si Elijah Canlas sa Cinemalaya 22 independent film festival sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, noong nakaraang Sabado, Agosto 8.
Mag-isa lang siyang dumalo sa gala night ng pelikulang Mag-iina.
Hindi na sila nakikitang magkasama ni Miles Ocampo, pero hindi rin naman niya kasama ang nali-link sa kanya ngayong Sparkle artist na si Thea Astley.
Sabi nga ni Elijah, happy na lang muna siya ngayong naka-focus sa trabaho, at nakikita namang maganda ang kinalabasan ng mga ginagawa niya.
Read: Elijah Canlas spotted with Thea Astley in market video
CRAZY CONCEPT
Kagaya nitong pelikulang HB2Me na medyo weird daw sa iba ang dating ng takbo ng kuwento.
Sabi ni Elijah pagkatapos ng screening: “Marami sa team natin, ngayon lang talaga na-gets yung ginagawa namin.
“Kasi on paper it’s a bit of ano.... you know, it’s an original concept, and medyo crazy yung concept. Yung kuwento niya, may pagka-absurd.
“And I guess, most of our team daw na nung napanood nila yung first cut, dun lang daw nag-make sense.
“So, kanina nung naririnig ko yung reaction ng mga tao, nagbubulungan nga kami dun sa taas.
“Kasi, nakakatuwa, na-gets agad na tumatawid agad yung gustong iparating ng pelikula, yung gusto niyong maramdaman.
“Feeling ko napaka-reactive niyo, salamat for being a great, great audience.”
NOEL FERRER
Puring-puri ni John Arcilla si Elijah Canlas na co-star niya rito sa HB2Me.
First time lang pala nilang magsama sa isang pelikula, at magaan daw itong katrabaho.

“I love working with Elijah. Isa sa pinakamahusay at magaling talaga na batang henerasyon, pagdating sa pag-execute ng character,” bulalas ni John.
“Kitang-kita mo na ano, e, na… ang tatag ng kapit doon sa choice niya.
“When you act kasi, when you create a character, usually meron kang mga choices na pinanghahawakan just to keep the backbone of your character.
“Kitang-kita ko yun sa kanya, na ang higpit ng pagkakahawak niya dun sa mga choices niya sa the way interprets the scene, the way he interprets the character.
“Sabi ko, ang sarap tuloy bumato. Ang sarap mag-ping-pong.
“Ang arte kasi parang ping-pong. Bigay ko sa iyo to, pong! Pong! Pang! Parang ganun yun, e.
“So, pag ganung klase yung artista, ang sarap na mag-create kasi maibibigay niya, tapos may maibibigay ka.”
At nakikita naman talaga ang galing nila rito sa HB2Me.
