PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla on political issues: “Nakakapagod nang magmura."

John Arcilla says he and Elijah Canlas are “same-minded” on issues.
by PEP Troika
Published Just now
john arcilla elijah canlas hb2m3
John Arcilla says he and HB2me co-star Elijah Canlas share similar views on political and social issues but rarely discuss them, as both are already aware of where the other stands: “Nagkakaintindihan na lang. So, hindi na kami nag-usap.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Kilalang very vocal sa mga nangyayari sa lipunan ang dalawang bida ng pelikulang HB2Me na sina John Arcilla at Elijah Canlas.

Kabilang sa kilalang celebrities na nagsasalita ng kanilang saloobin sa mga katiwalian sa pulitika, at kung ano ang sa tingin nila'y maling sistema sa ating gobyerno.

Si John nga ay napapamura pa sa pinu-promote niyang single na "Ano Ba Yan P*nyeta."

SAME-MINDED CO-STARS

Sa premiere night ng HB2Me noong Agosto 10, 2026, Lunes, tinanong ng PEP Troika si John kung isa ba ito sa napag-usapan nila ni Elijah sa shooting ng kanilang pelikula.

“Alam mo nagtataka nga ako, e,” napaisip sandali si John.

“Siguro… ang sarap kasi yung lagi kang may nakakasama na parang same-minded people when it comes to these issues, 'no?

“Pero there were no time na nag-discuss kami.”

john arcilla elijah canlas hb2me
John Arcilla and Elijah Canlas
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos iisa lang daw kasi ang iniisip nila, kaya parang nagkakaintindihan na lang sila.

“Siguro nakakapagod na din siyang pag-usapan, e. Kasi nakikita mong paulit-ulit sa social media.

“Pero kung may time kaming mag-usap… alam mo yung convenience na pareho kayo ng paniniwala. Kaya hindi niyo na napagkuwentuhan.

“Nagkakaintindihan na lang. So, hindi na kami nag-usap.

“Meron lang kaming napagdaanan siguro na isang kuwento tungkol sa isang isyu na nagkaroon ng problema yung isang co-host niya dahil lang sa isang nasabing medyo hindi yata natanggap ng audience. Parang ganun lang, in passing.

“Pero bakit nga ba hindi, 'no?” napatigil sandali si John.

“Siguro dahil sa bukod sa busy kami sa work, ang feeling ko, it’s too convenient for us just to talk about it.

“Kasi parang alam naming pareho kami nang paniniwala. So, walang chance na may pinag-usapan kami,” sabi pa ni John.

Nahaluan din ng isyung pulitika ang kuwento ng HB2Me nina John at Elijah na magso-showing na sa mga sinehan sa darating na August 19, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
hb2me

Read: Nikki Valdez recalls decision to separate from ex-husband

JERRY OLEA

Naungkat muli kay John Arcilla ang isyung pulitika dahil sa nangyayari ngayon na marami sa ating mga kababayan ang naaapektuhan ng sunud-sunod na pag-ulan.

Hindi na lang daw siya magmumura, kundi ikakanta na lang daw niya ang pagkadismaya niya sa isyu ng flood control.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam mo yung nakakapagod na… siguro yun yung dahilan kung bakit kinanta ko na lang siya.

“Kasi nakakapagod nang magalit. Sobrang sagad na sagad. Nakakaiyak na, alam mo yun?

“Ako kasi talagang from the very beginning, since I was young, very critical ako sa nangyayari sa… ilang presidente na bang dumaan sa buhay ko. Walo na o siyam?

“Tapos nagwo-worsen yung situation na parang, 'Ano ba?'

“Kailan mangyayari yung… although siyempre nung panahon ko kasi, somehow naranasan ko yung demokrasya, during the times of, well, kahit ano pang sabihin nila… yung People Power kasi naranasan ko yun, e.

“At ngayon nire-rekindle nila yung people power, iba naman yung kanilang intensiyon. So, parang ano ba talaga?

“Nakakalungkot na bumabalik yung problema ng bayan, tapos mas matindi pa. Kasi isipin mo na lang sa flood control na ‘to, e, namamatayan ang mga mamamayan.

“E, samantalang dapat yung tax ng mamamayan, para doon, di ba? Para i-solve yung problema natin. And yet gaanun pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, minsan, talagang nakakapagod nang magmura, kaya siguro kinanta ko na lang. Dinaan ko na lang sa kanta,” himutok ni John.

"ANO BA YAN, P*NYETA"

Ikinuwento na rin ni John na ang kantang "Ano Ba Yan, P*nyeta" ay pataas nang pataas na raw ang views nito sa iba’t ibang digital platforms.

Pero balak daw niyang mag-record ng isang version na hindi na gagamitin ang terminong “p*nyeta.

“Parang gagawin na lang na ‘Ano ba yan ‘nak ng pusa,' something like that. Or 'Ano ba yan, awat na.'

“Para maere sa radio,” pakli ni John.

Pero ang layo na raw kasi ng narating ng pagbitaw niya ng salitang “p*nyeta” na ginawa niya sa 2015 film na Heneral Luna.

Nagkaroon siya ng mga kabataang fans dahil sa Heneral Luna, at ang iba raw ay nagpapamura pa sa kanya.

Pero iba raw ito nang ini-record niya ang "Ano Ba Yan, P*nyeta" at ginamit ang pagmumura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani John: “Yung mga ganung klaseng kanta na may social commentary… siguro yung ganitong klaseng merong swear word, siguro hindi na mauulit.

“Iba kasi yung sinasabi mo yun as a character. Nung sinasabi ko yung p*nyeta, may maskara ako.

“Sinong maskara ko? Si Heneral Luna. I’m playing a character. So it’s not me saying that word.

“Nung kinakanta ko na, at kakantahin ko sa ano, suddenly, it is me. Ako na mismo ang nagsasalita.

“Nagkaroon ako ng hesitation, honestly speaking, na parang… na magkakaroon ba ako ng kanta na ang magiging reputation ko is kumakanta ako ng ganitong klaseng kanta?

“Paano kaya ito tatanggapin ng tao, parang ganun.

“Mabuti na lang mas marami naman ang positive na ano,” sabi pa ni John.

Read: Charo Santos-Concio on ABS-CBN's challenges, embracing social media, politics

NOEL FERRER

Dito mo talaga mas makikita ang lawak ng pagiging ARTISTA ni John Arcilla.

Hindi lang siya aktor na marunong magalit o lumuha sa harap ng kamera. Isa siyang ganap na alagad ng sining na marunong magsalin ng damdamin — galit man, lungkot, o pagmamahal sa bayan — sa anumang porma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon sa entablado ng teatro hinubog ang kanyang husay, dinala niya sa pelikula at telebisyon, at ngayon, pati sa musika.

Bukod sa pinag-uusapang "P*nyeta" song niya na naging awit-protesta na ng marami, may mga inihanda rin siyang cover versions ng mga kanta ng mga sikat na female singers na tiyak na kaabang-abang.

Doon mo makikita ang kakaibang kulay ng kanyang interpretasyon — malalim, may hugot, may lalaking lambing. Sining na sining.

At may maganda pa siyang proyektong natapos na malapit na rin nating mapanood sa Netflix soon.

Kaya kahit saang platform mo ilagay — TV man, pelikula, online, musika — kaabang-abang pa rin si John Arcilla.

At kung tawagin man siyang magbalik-teatro anytime, naku, kayang-kaya at mas ikatutuwa pa natin.

Dahil ang tulad ni John, hindi nauubos. Habang may kuwentong kailangang isigaw at damdaming kailangang awitin, nandiyan siya.

Read: Elijah Canlas: "It’s not the happiest moment of my life."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla says he and HB2me co-star Elijah Canlas share similar views on political and social issues but rarely discuss them, as both are already aware of where the other stands: “Nagkakaintindihan na lang. So, hindi na kami nag-usap.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results