JERRY OLEA
Hunyo 30, 2023 ang huling araw na napanood ng Madlang People ang noontime show na It’s Showtime sa TV5.
Ibinigay ng Kapatid Network ang timeslot ng It’s Showtime sa Eat Bulaga! nina Tito, Vic & Joey (TVJ) at Dabarkads.
Nagkapirmahan ang Vice Ganda x Media Quest: The Phenomenal Partnership noong Agosto 12, 2026, Miyerkules, sa The Lighthouse ng Lopez Bldg., Meralco Center, Ortigas Avenue, Pasig City.
Present doon si Sir Manny V. Pangilinan (MVP), ang big boss ng TV5 at Media Quest, para i-welcome ang Asia’s Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar na tinagurian ding "Queen of All Networks."

“Nakaka-happy, nakaka-excite!” bulalas ni Vice Ganda.
“Parang for the longest time, kanina lang ulit ako nagising nang maaga. Sabi ko, ‘Ngayon lang ba ako magko-contract signing? Bakit sobrang hindi ako mapakali?’
“Kasi ano rin siya, it’s historical, di ba? Milestone sa akin.”
Matagal ba ang proseso bago nagkasundo sila ng MediaQuest para mag-collab?
“Matagal. Matagal… parang may taon yung unang usapan, yung ganun,” pagtatapat ni Vice Ganda.
“E, kasi nga, nabanggit ko naman kanina, di ba, hindi na ako nahiya. Di ba? Kasi siyempre, may part of me na masama pa ang loob ko at that time.
“Parang fresh pa, parang hindi ko keri. Di ba? I allowed myself to heal muna bago… work agad?!
“Siyempre, di ba, parang valid naman siguro kung magtatampo ako or sasama ang loob ko.
“Pero I did not close doors. I did not burn bridges.
“Sabi ko nga, there was never a time na binadmouth ko yung TV5 after mawala kami sa ere sa kanila.”
Read: Vice Ganda named “Queen of All Networks” by Manny V. Pangilinan
WHY DID VICE GANDA AGREE TO SIGN UP WITH MEDIAQUEST?
Paano siya napasagot finally ng MediaQuest?
Napabuntong-hininga ang Unkabogable Superstar, “Ahhh we were very honest to each other. They allowed me to be honest with them and they were very honest with me.
“May mga tanong akong nabigay nila yung sagot. Naipaliwanag sa akin. We have a very open communication.
“And yun nga, pareho lang kasi kami ng goal din, e. Ang goal namin is mapahaba pa yung era ng telebisyon, especially sa Pilipinas. Di ba? At least.
“Di ba? So, magagawa lang natin yun kung magko-collaborate at pagsasamahin yung mga iba’t iba nating kakayahan.
“Sabi nga ni MVP sa akin, ‘You have what I don’t have. I have what you don’t have. So why not unite?’”
Wala na talagang network war?
“Alam mo, yung mga tao din lang ang nagpapalaki sa mga ganyan. Pero in reality, parang OK naman lahat,” pagmamatwid ng Queen of All Networks.
Di ba?
“Yung GMA, nakikipag-usap. Nag-uusap-usap naman sila. Iisa lang naman ang goal nila.
“Na kailangan talaga nilang magtulung-tulong para mabuhay itong industriyang ito.
“Kasi tayong lahat dito, hindi magiging masaya kung bukas, makalawa, wala na.
“Bukod sa ito ang bread and butter natin, ito yung nagpapaligaya sa atin at sa maraming tao, itong Philippine show business.
“May iniinda ngayon yung industriya. So, yung mga may kakayahan, kailangang magsanib-puwersa talaga — ABS, GMA, TV5, and other platforms, di ba?
“Kahit yung mga streaming platforms, di ba, nakaka-collaborate din naman nila.
“Maganda yung konsepto ng collaboration.”
Sanib-puwersa nga sila ni Vic Sotto sa MMFF 2026 official entry na The Greatest Showdown, di ba?
“Yes, yes! It’s about time!”
Read: Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project
NOEL FERRER
Two years ang kontratang pinirmahan ni Vice Ganda sa MediaQuest. May gagawin siyang project sa TV5.
“Kaya MediaQuest siya, hindi lang sa TV5 yung partnership namin. Pero kasama yung sa TV5. I will be doing contents for TV5, but of course with ABS,” saad ng Queen of All Networks.
Kasama ang ABS-CBN sa lahat ng gagawin niya sa MediaQuest?
“E, ako naman kasi, I will never leave ABS wherever I go. Kunyari meron akong project with GMA, may project ako with TV5, kasama ko lagi.
“Parang hindi ako magiging komportable kung wala yung ABS. And I’m very, very grateful na sinu-support nila yung request ko na iyun.
“Kasi parang non-negotiable yun, e. If ever magtatrabaho tayo, kailangan kasama [ang ABS-CBN].”
Sa mga ganitong business decision, meron ba siyang kinokonsulta?
“Meron. I am very blessed with an amazing core group. Meron akong team,” sambit ni Vice Ganda.
“And ABS-CBN has always been there to guide me. Lahat ng desisyon ko, ipinapaalan ko, itinatanong ko.
“They never decide for me. They allow me to decide for myself. Pero I will always have to hear their thoughts about the things that I would be doing.”
Read: Is Gandang Gabi Vice show making a comeback on GMA-7?
"PHENOMENAL PARTNERSHIP"
May pressure ba yung magiging first pasabog sa phenomenal partnership niya with MediaQuest?
Tumango si Vice Ganda: “May pressure kasi siyempre, ayaw nating lahat mapahiya. Di ba? Ayaw kong mapahiya sa MediaQuest.
“Ayaw ng MediaQuest na mapahiya din sila sa desisyon nila, di ba? So, paano ang deal na ito? Sinimulan na natin itong partnership.
“Ayaw naman nating mapunta sa, ‘Ano yun?! Ganun lang yun?!’ Di ba? Ayaw nating masayang kung anong meron tayo na pinagsasama natin, di ba?
“Kung yung io-offer nila sa akin, ayoko namang sayangin. Di ba? Ayaw ko rin namang masayang yung puwedeng i-offer ko sa kanila.
“Gusto namin, matapos man yung kontrata, maging maayos ang relationship ng bawat isa at happy kami. Gusto ko, win-win siya.
“Kaya yun din ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na, ‘Sige, let’s do this!’
“Because it’s going to be a big win for me, for TV5, for MediaQuest, for ABS, and for everyone that I will be sharing this win-win, di ba?
“Magiging service siya, e.”
Read: Tuesday Vargas "deeply hurt" by Eva Le Queen’s DMs, mulls legal action
GORGY RULA
Kailan kaya masisilayan ang unang pauga ng collab niya with MediaQuest?
“Meron na akong mga concept. Kasi sobrang nahihiya din ako, sobrang tiwala nila sa akin. ‘Kung anong concept ang maisip mo, yun na yun!’ Yung ganun,” sey ng Unkabogable Superstar.
“Inaayos na namin yung schedule. Gusto sana nila, before the end of the year makapagsimula kami.
“We’ll see. Ako naman, ‘O sige po, susubukan natin.’ Pero pag nagtse-check na ng kalendaryo, ‘So, saan diyan?!’
“E, after Sunday, wala nang susunod, Monday na ulit. Yung ganun. Thirty-one days lang sa isang buwan.
“Hindi ko na din alam pero pipilitin natin dahil mukha tayong pera, e. Tanggap tayo nang tanggap ng trabaho. Ha! Ha! Ha!”
Magastos ba yung concepts na naiisip niya?
“Kasi hindi na rin nila alam kung anong gagawin nila kaya kailangang gamitin na natin sa production, charot!” pagbibiro ni Vice Ganda.
“Hindi naman magastos. Siyempre kailangan din naman nating ano... you have to be very mindful kung ano yung ise-share nila sa atin.
“Basta we will give what the audiences deserve.”
Read: Nikki Valdez recalls decision to separate from ex-husband
WILL VICE GANDA APPEAR ON KAPATID PROGRAMS?
Mapapanood ba siya sa existing programs ng TV5? Halimbawa’y bilang guest?
“That would be possible. That’s possible.”
Pressure ba na parang siya ang tutulong na mag-lift sa programming ng TV5?
Natigilan sandali si Vice Ganda bago sumagot: “Ayoko namang isipin na ako yung maghe-help ng programming ng TV5!
“I will just share what I can. I will just do what is asked of me.”
May pressure ba sa bagong title niyang "Queen of All Networks"?
“Wala! Wala rin namang bearing iyung mga ganyang title-title na yan. Ganun din naman ang bayad!” bulalas ng Asia’s Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar.
“Kahit ano namang… Ha! Ha! Ha! Wala namang, ‘O, dalawa na ang title ko, dalawa ang bayad ko.’ Wala namang ganun!”
Natuwa ba siya na pinagkalooban siyaa ng bagong title, by MVP no less?
“Siyempre nakakakilig naman! Ang plastik pag sinabing, ‘Uhmm, wala naman yan!’ Meron yan,” tugon ni Vice Ganda.
“Nakakakilig yan. Nakaka-flatter yan nang malala. Kasi siyempre bina-validate niyan yung mga nagawa mo, yung body of work mo, di ba?
“May nakakapansin nung binibigay mo, at may nakaka-appreciate kaya nagbibigay din sila ng ganung title. Nakakakilig yun, no?!”
Read: Vice Ganda almost quit It’s Showtime: “Parang na-overwhelm ako.”
