PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Young actor, na-turn off sa Miss Pakipot effect ni young actress

Young actress says: "Pinakilig, pero hindi jinowa."
by PEP Troika
Published 5 hours ago
Young actress plays hard to get; young actor says no to bait
PHOTO/S: Gemini AI

GORGY RULA:

Tiyak na magre-react ang mga fans nitong mga batang artistang ito na pinag-uusapan ng ilang grupo ang kanilang relasyon.

Nagkapalagayan ng loob sina young actor at young actress nang magsama sila sa isang TV show.

Gusto nang ligawan ni young actor si young actress. Pero sabi raw ni young actress, saka na muna ang ligawan dahil mas mabuting mag-focus na muna sila sa kanilang showbiz career.

Tama naman! Kaya sinunod ito ni young actor.

Malapit pa rin naman sila sa isa’t isa, at madalas na nakikita silang magkasama.

YOUNG ACTOR SKIPS YOUNG ACTRESS'S BIRTHDAY

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni young actress ang kanyang kaarawan at siyempre, gusto niya na si young actor ang escort niya.

Ang problema, may conflict sa schedule ni young actor. May trabaho raw ito na kukunan sa ibang bansa. Kaya hindi siya puwedeng mag-escort sa birthday ni young actress.

Tampurorot ang young actress. Sinabihan daw si young actor na huwag na lang siyang batiin sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madaling kausap si young actor, sinunod niya ito. Hindi nga ito nag-post ng pagbati sa kaarawan ni young actress.

Marami lang ang nakapansin sa mismong birthday party ni young actress nang magpa-picture daw ito sa kanyang photo wall.

May hawak daw itong placard na ang nakasulat, “Pinakilig, pero hindi jinowa.”

Nag-react daw ang mga fans. Ano raw ba talaga ang gusto ni young actress?

YOUNG ACTOR NO LONGER INTERESTED

E, itong si young actor ay may pagka-foreigner ang takbo ng utak. Hindi siya ang tipong mangungulit kapag nasabihang "huwag na!"

Kung ayaw mo, e, di huwag, Ang type daw yata ni young actress, e, suyu-suyuin pa siya.

Swak na swak daw sa kanya ang lyrics ng kantang "Hahabol-habol ni" Victor Wood.

"O ang babae, pag minamahal / May kursunada, aayaw-ayaw

"Pag panay ang dalaw ay nayayamot/ ‘Wag mong dalawin, dadabog-dabog

"Wag mong suyuin ay nagmamaktol/ Pag 'yong iniwan, hahabol-habol."

Read: BLIND ITEM: Nepo baby, nakulong dahil sa shoplifting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA:

Mabilis na naka-move on si young actor sa “pambabasted” ni young actress na Miss Pakipot.

Ang kawikaan nga, kung hindi ukol, hindi bubukol. Bawa’t palayok ay may kasukat na suklob.

Kapag para sa iyo, para sa iyo.

Kaya namnamin nawa ni young actress ang lyrics ng kantang "Que Sera, Sera" ni Doris Day:

“When I grew up and fell in love/ I asked my sweetheart

“What lies ahead?/ Will we have rainbows “Day after day?/ Here's what my sweetheart said: “Que sera, sera/ Whatever will be, will be

“The future's not ours to see/ Que sera, sera “What will be, will be.”

Read: Male TV personality, nakakabahala ang kapayatan dahil sa sakit

NOEL FERRER:

Naku, hindi ko pa sila kilaley. Sana, magtatak at magpakilala muna sila sa tao taglay ang angkin nilang galing sa pag-arte o pagpe-perform.

Tama nga naman, focus sa career, huwag muna sa extracurricular activity. S

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ana na lang, dahil sa blind item na ito, lalo silang sumikat. O kung hindi man, sana malagpasan nila ang pagka-da hu!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gemini AI
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results