PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cinemalaya 2026 box-office ranking

Pokwang's 2 Valid IDs lands No. 1 spot in Cinemalaya 2026 box-office ranking.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
2 Valid IDs and Status Rejected top Cinemalaya 2026: box-office ranking
2 Valid IDs starring Pokwang and Status: Rejected starring Ruby Ruiz are the top-grossers for Cinemalaya 2026.

JERRY OLEA:

Inihayag na ng Cinemalaya sa Facebook page nito noong Agosto 14, 2026, Biyernes ng gabi, ang topgrossers sa iba’t ibang venue ng nasabing indie filmfest.

Sa SHANGRI-LA PLAZA, Mandaluyong City, na prime venue kunsaan may apat na sinehan, umariba ang 2 Valid IDs ni Marietta Subong aka Pokwang.

Pumangalawa ang Status: Rejected ni Ruby Ruiz.

Pangatlo ang Mag-iina nina Janine Gutierrez, Lucas Andalio, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, at Jackie Lou Blanco.

Pang-apat ang Tayo Lang Ang Nakakaalam nina Martin del Rosario at Miguel Odron.

Sa GATEWAY CINEPLEX 18 sa Cubao, Quezon City, kunsaan may apat ding butas ang Cinemalaya 22: Reel Reflections, box-office hit number 1 ang 2 Valid IDs, at box-office hit number 2ang Status: Rejected.

Box-office number 3 ang Tayo Lang Ang Nakakaalam, at box-office number 4 ang Mag-iina.

Sa GLORIETTA, top box-office performer din ang 2 Valid IDs. Mothering sa second place ang Mag-iina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Third placer ang Status: Rejected, at fourth ang Tayo Lang Ang Nakakaalam.

Sa TRINOMA, nangungunang crowd favorite pa rin ang 2 Valid IDs, na sinundan ng Status: Rejected, Ganggang, at Mag-iina.

Sa MARKET! MARKET!, oh yes, Mamang Pokie! Pinakamabenta ang 2 Valid IDs.

Sumunod na pinakamabili sa moviegoers ang Status: Rejected, Mag-iina, at Ganggang.

Sa CIRCUIT MAKATI, ratsada pa rin ang 2 Valid IDs, followed by Status: Rejected, Mag-iina, and A.Ni.Mal.

At sa AYALA MALLS MANILA BAY, kampeon pa rin sa takilya ang 2 Valid IDs.

Sumunod ang Status: Rejected, Tayo Lang Ang Nakakaalam, at A.Ni.Mal.

Valid na valid ang pagiging topgrosser ng 2 Valid IDs sa 22nd edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

It’s official!!! Sigurado na ring pangalawa sa takilya ang Status: Rejected.

Naligwak sa Top 4 ang Hand of God nina Ruru Madrid, Iza Calzado, KD Omalin, Ronnie Lazaro, at Jhong Hilario.

Hindi rin pumuwesto sa Top 4 sa alinmang venue ang Tirik nina Rocco Nacino at Floyd Tena, at Kaka Sa Yawan nina Beaver Magtalas at Queenay Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang awards ceremony ay sa Agosto 17, Lunes ng 7:00 P.M. sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza.

Strong contenders sa pagka-best actress sina Marietta Subong aka Pokwang ng 2 Valid IDs, at Ruby Ruiz ng Status: Rejected.

Nagbiro si Direk Jose Javier Reyes na sureball na sanang best actress si Ruby kung nagpakita siya ng boobey.

Ang huhusay rin ng iba pang mga aktres. Depende iyan sa panlasa ng mga huradong sina Sari Lluch Dalena, Marian Pastor Roces, Pradip Kurbah, Lorenzo “Lello” Carvelli, at Dan Villegas.

Maiintindihan at matatanggap natin kung ang pagkalooban ng Balanghai trophy for best actress ay sino man sa limang aktres ng Mag-iina, o sa tatlong pangunahing aktres ng A.Ni.Mal na sina Maxine Ignacio, Frances Makil-Ignacio, at Bituin Escalante.

Sa kategoryang best actor, may tulog sina Ruru Madrid ng Hand of God at Martin del Rosario ng Tayo Lang Ang Nakakaalam kina Lucas Andalio ng Mag-iina, at KD Omalin ng Hand of God.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dark horses sina Rocco Nacino at Floyd Tena ng Tirik, at ang young actors ng Ganggang.

Ang best actor last year ay si Jojit Lorenzo para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.

Nasa mga hurado na kung ikukunsidera si Jojit na lead or support para sa A.Ni.Mal.

Read: Foreign tutor insults English skills of Filipina online teacher

GORGY RULA:

Nag-post si Direk Jeffrey Jeturian sa Facebook ngayong Agosto 15, 2026, Sabado.

Ani Direk Jeffrey, “It’s heartening to see 2 non-star character actresses Ruby Ruiz and Pokwang, 1st: getting to star in their respective films, Status Rejected and 2 Valid IDs.

“2nd: drawing the most crowds to their screenings and getting mobbed by an appreciative audience.

“3rd: getting rave reviews and going viral for their performance.

“4th: forging an unlikely rivalry, though not anywhere near Nora-Vilma’s still confounds.

“And 5th: are battling it out for the best actress award come awards night on Monday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Whoever wins or loses is a win nonetheless for the industry as the whole scenario shows that if you make good films, the audience follows, regardless of who stars in them.

“A scenario made possible only by independent film festivals led by Cinemalaya. Congratulations!”

Read: Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha dies at 25

NOEL FERRER:

Inuulit ko na nasa jury na kung mag po-Pokwang o Ruby Ruiz sila sa Best Actress. O malay mo naman, baka mangyari ulit iyung mala-Mga Mumunting Lihim (Cinemalaya 2012) na lahat ng mga nagsiganap — Janine Gutierrez, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Jackie Lou Blanco, at Ness Roque ng Mag-iina — puwedeng Best Actress at Best Supporting Actress din.

Ganoon din sina Maxine Ignacio, Frances Makil-Ignacio, at Bituin Escalante ng A.Ni.Mal.

Ang maganda sa labanang ito, part of their being best actresses ay ang pagpili ng tamang proyekto na hindi lang ikino-consider na pam-best picture kundi bonus pang box-office hits din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may Cinemalaya Razzies naman ala Allan Diones, tila maugong sa mga huntahan sa Shangri-La Plaza ang isang pelikulang consensus na sa mga kaibigan nating press sa pinaka-chakang pelikula sa batch na ito.

Kaya medyo minus points din ito sa mga actors kasi ang hirap na maging best ang performance mo sa isang chakang pelikula.

Paano nga ba iyun? Puwede ka ba talagang maging best actor sa chakang pelikula? What do you think?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2 Valid IDs starring Pokwang and Status: Rejected starring Ruby Ruiz are the top-grossers for Cinemalaya 2026.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results