PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Johnny Manahan admits Vibe+ “not yet competitive” in ratings

Kapamilya singers Angeline, Maymay, and Elha perform at Vibe+ first anniversary.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
vibe+ first anniversary
As Vibe+ celebrates its first anniversary, director Johnny Manahan (left) admits the OPM-focused program still has ground to cover in the ratings game, but believes it is getting closer to becoming competitive. Meanwhile, (inset, below) Angeline Quinto, Maymay Entrata, and Elha Nympha added star power to the anniversary celebration.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ipinagdiwang ng programang Vibe+ ang kanilang first anniversary noong Sabado, August 15, 2026, na ginanap sa MVP Studio, Sheridan St., Mandaluyong City.

Dalawang Sabado ang selebrasyon nila.

Nung nakaraang Sabado ang una nilang pasabog kung saan special guests sina Angeline Quinto, Maymay Entrata, at The Voice Kids champion na si Elha Nympha.

Sandali naming nakatsikahan ang direktor ng Vibe+ na si Mr. Johnny Manahan. Parang hindi raw siya makapaniwalang nakaisang taon na sila.

“Unbelievable, andito pa kami,” bulalas ni Mr. M.

“Pero parang kailan lang. Ang bilis ng panahon. Ang daming nangyayari. So, ano kasi kami, e, di ba?

“Ang 5, galing sa halos wala. So, kailangan, i-build up lahat. Dito ang Vibe mismo, kailangang bigyan ng identity, 'no?

“So, yun ang napili nila, yung OPM. Kami yung OPM show.”

JOHNNY MANAHAN ON RATINGS GAME

Sa loob ng isang taon, aminado si Mr. M na medyo malayo pa sila sa ratings game.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Rating? I don’t think na competitive na. Pero andun na, malapit na. Malapit na kaming maging competitive kahit papano,” napangiti niyang pahayag.

Ang maganda lang daw ay marami na rin ang nakakaalam sa Vibe+.

“Saka parang nare-recognize na, e… napapansin na kami ng viewers, saka mga artista.

“Mas madali na sabihin ngayon na may show kami. Kung puwede kayo makasama dito, ganun. Alam na nila,” sambit ni Mr. M.

Natatawa siya sa madalas na reaksiyon na okay naman daw ang feedback sa kanilang show.

“Pag tinitingnan mo, ang reaksyon nila, 'Okay naman pala, 'no?'” napangiti niyang pakli.

Pero hindi raw maiwasang magkaroon ng pressure sa kanila.

“May pressure na rin. Kaya lang siguro, gawa ng pati mga kasama ko, nababad na sa industriya.

“So, parang meron na rin kaming ano, kumpiyansa na gumawa ng maganda,” sabi pa ni Mr. M.

Read: Cinemalaya 2026 box-office ranking

STAR WORX

Nagpapasalamat si Mr. M na maganda rin ang feedback sa binuo niyang Star Worx, ang talent management arm ng TV5, na madalas na nagpe-perform sa Vibe+.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So far, parang okay naman pala. Lalo na yung mga bata ngayon na naipon namin.

“Iba na e. Pagdating sa amin, wala silang confidence, wala silang alam actually.

"Except yung desire na mag-succeed. Na gumawa ng pangalan para sa sarili nila.

“We have a good bunch na mga bata, yung mga bagong discovery,” saad ni Mr. M.

NOEL FERRER

Dagsa ang fans ng mga special guest nila, lalo na kina Maymay Entrata at Angeline Quinto.

Unang nag-perform si Maymay kung saan kinanta niya ang "Masunog Man," na inalay niya sa namayapa niyang ina.

Pero nagpasiklab siya sa "Amakabogera" niya.

maymay entrata vibe+
Maymay Entrata
Photo/s: TVJ Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Angeline Quinto ang huling nag-perform na nag-promote ng concert niyang AQuinse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 22.

ANGELINE QUINTO'S AQUINSE CONCERT

Nakapanayam sandali ng PEP Troika si Angeline pagkatapos niyang mag-perform.

Kinumusta namin ang ticket selling, at hindi pa naman daw naso-sold out, pero ramdam niyang bago ang takdang araw ay mauubos na ito.

Ilan sa aabangan sa malaking concert na ito, ayon kay Angeline: “Bukod sa mga bagong collaborations na gagawin ko with my special guests na kasama, napakaraming inihahandang mga pasabog na gagawin po namin sa aking concert.

“Halos… dyusko, Lord! Enjoy na enjoy akong ginagawa talaga,” bulalas ni Angeline.

Marami raw siyang dapat ipagpapasalamat, dahil hindi raw siya makapaniwala sa mga na-achieve niya sa loob ng 15 years ng kanyang showbiz career.

Aniya: “Minsan hindi ko ma-imagine ang sarili ko na 15 years na pala.

“E, ang daming nangyari. Talagang ipinagpapasalamat ko po kung ano man yung sine-celebrate ko ngayon at ipinagpapasalamat ko sa lahat na mga tao na hanggang ngayon nandiyan pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa sa ikina-excite pa ni Angeline ay ang dalawang anak niyang manonood sa kanya.

“First time nila akong mapapanood na mag-show sa Araneta Coliseum. At yun din ang isa sa nilu-look forward ko na makita ako ng anak ko na nagso-show.

“Kasi siyempre dati, si Mama Bob… e, wala na ang mama. So, ang dalawang bulilit na ang manonood sa akin.

“Mas nagkaroon ng meaning ang bawat song dahil sa kanila,” saad ni Angeline.

Read: Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha dies at 25

angeline quinto vibe+
Angeline Quinto
Photo/s: TVJ Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kasama si Elha Nympha na nag-perform sa production number ni Angeline Quinto.

Nakipagtsikahan din ang PEP Troika sa kanya pagkatapos niyang mag-perform.

ELHA NYMPHA AS PHILIPPINE NAVY RESERVIST

Masayang ibinahagi ni Elha ang experience niya nang mag-training siya sa Philippine Navy, kung saan nakasabay niya si Lorna Tolentino na nag-graduate bilang Reservist.

elha nympha vibe+
Elha Nympha
Photo/s: TV5 Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually nung 2024 nagpa-enlist na ako, but there’s no slot.

“This year, nabigyan ako ng chance… parang special class na you have to, like, finish the training within a month.

“E, siyempre po as a busy person, ginrab ko na po yung opportunity.

“Pinagkasya na nga po yata ang three months na training in one month.

“So, it’s so hard!” kuwento ni Elha.

Noon pa man ay gusto na raw talaga niyang maging Reservist para kahit paano ay makapagserbisyo raw siya sa ating bansa.

“Before po… I mean 'til now, gusto ko po talagang makatulong sa ating community.

“Nandiyan na po na pag magkaroon ng bagyo, gusto ko po talaga mag-help.

“I’m just ano… giving back yung parang makakaya ko sa community po,” saad ni Elha.

Sabi pa ni Elha, sa pagkakaalam niya ay noong last year pa nag-training si Lorna sa Philippine Navy.

“Actually si Tita Lorna, last year po siya nag-training, e. Pero hindi lang po siya nakapag-FTX [Field Training Exercise].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Need po kasi yun, parang 4 days na nasa isang camp kami, and then nandun din po yung training namin na para po talaga kaming mga sundalo po,” sey ni Elha.

Read: Lorna Tolentino becomes Philippine Navy reservist

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As Vibe+ celebrates its first anniversary, director Johnny Manahan (left) admits the OPM-focused program still has ground to cover in the ratings game, but believes it is getting closer to becoming competitive. Meanwhile, (inset, below) Angeline Quinto, Maymay Entrata, and Elha Nympha added star power to the anniversary celebration.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results