GORGY RULA
Marami ang nagulat sa pagpirma ni Vice Ganda ng collaboration nito sa MediaQuest Holdings, Inc.
Kahit ang ilang taga-TV5 ay walang kaalam-alam at nagulat ding nagkapirmahan na.
Isa na rito ang starmaker at may hawak ng Star Worx sa TV5 na si Mr. Johnny Manahan.
Ginawa na lang joke ni Mr. M ang pagkagulat niya sa balitang nagkapirmahan na sina Vice Ganda at Mr. Manny V. Pangilinan.
“Hindi ko nga alam. Wala! Bigla na lang pumutok yun, e.
"Kaya kung minsan dito, sikreto. Secret in Prague nga!” natatawang pahayag ni Mr. M noong Agosto 15, 2026, Sabado, sa MVP Studio, Sheridan St., Mandaluyong City.
Dagdag niya, “Ako, nagulat ako. Pinag-uusapan nga dito. Ano kaya yun? May bagong basketball team ba na ipiprisinta?”
COCO MARTIN TO ALSO SIGN UP WITH MEDIAQUEST?
Kaya hindi na siguro sila magugulat kung meron pang kasunod na pipirma.
Pagkatapos kasi nitong kay Vice Ganda, may mga naririnig kaming interesado na rin daw si Coco Martin na makipag-collab sa MediaQuest.
Ang narinig lang kasi namin ay may pelikula raw na gagawin si Coco sa MediaQuest. Pero gusto rin daw ni Coco na gumawa ng content para sa TV5.
Yun ang isa sa naririnig naming kuwento.
Abangan na lang natin kung may bago na naman silang pasabog at biglang may bagong announcement.
Read: Vice Ganda named “Queen of All Networks” by Manny V. Pangilinan
JERRY OLEA
Sa totoo lang, may ilang kilalang artista na sunud-sunod ang mga ginagawang programa sa GMA-7 pero ngayon ay nasa TV5 na rin.
May kuwento pang pipirma na rin daw sa Kapatid network si Julia Barretto.
Sina Julia at Xian Lim ay hosts ng Artista Academy na eere na sana noong Pebrero sa TV5.
Meron pang isang magandang aktres na pinag-uusapan na ring may gagawin daw na bagong teleserye sa TV5.
Pero nang nalaman daw na makaka-partner nito ang dating ka-loveteam, tumanggi ito.
Ganundin daw ang aktor na dating ka-loveteam ng magandang aktres. Umayaw rin daw sa posibleng reunion project na balak gawin ng TV5.
Parehong ayaw na nila sa isa’t isa?
Malay natin, marami pang puwedeng mabago at tiyak na may mga lalabas pang malalaking pangalan na magiging Kapatid star na rin.
KILIG AND GOOD VIBES ON SIGABO
Siyangapala, kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa mga susunod na episode ng Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.
Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang muling pagkrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagan niya ang sugatang dalaga.

Pagkatapos ng ilang matitinding engkuwentro, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hiningang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.
Itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.
Tutukan ang aksyon at kilig sa Coco Martin’s Sigabo, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 P.M. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Read: Johnny Manahan admits Vibe+ “not yet competitive” in ratings
NOEL FERRER
Excited ang mga Kapatid sa pagpasok ni Vice Ganda sa TV5.
Naglu-look forward sina Johnny "Mr. M" Manahan na maging special guest daw sana nila si Vice Ganda sa kanilang Vibe+.
“Ano naman siya. Tunay na star naman yun, e. So it’s nice have a tandem with us,” pakli ni Mr. M.
Nakukumusta naman daw ni Mr. M ang iba pa niyang alaga sa Kapamilya network.
Meron pa rin ba silang komunikasyon sa mga dating alaga kagaya nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at Bea Alonzo?
Biglang napangiti si Mr. M.
Aniya, “Si Bea, Secret in Prague din yan. Nabigla rin kami.
“Kasid, i ba, urong, tapos sulong. Tapos bigla na lang okay. I’m happy for her also.”
Nagkakaroon naman daw sila ng chance na magkikita at nagkakakumustahan.
“Nakita ko naman sila paminsan-minsan. Si Piolo… we get together naman. Nami-miss ko naman yung mga yun e,” sambit ni Mr. M.
Si Julia Barretto, nasa TV5 na ba?
“Secret in Prague din yun!” natawa niyang pakli.
“Yun ang mga sa usapin, e. E, talagang kasama siya sa isang show. I think, nakipag-usap na sila sa ibang mga producer.
“Saka yun ang iniisip nila, si Julia. For a show next year. Pero alam mo naman, di ba? Kailangan umpisahan na ngayon, e, di ba?” sabi pa ni Mr. M.
Read: Pokwang emerges as the Box-Office Queen of Cinemalaya 2026
