GORGY RULA
Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin si Maymay Entrata sa namayapa niyang ina na si Lorna Entrata.
Pumanaw ang ina ni Maymay noong Mayo 2025.
Hindi na raw mawawala yun kaya idinadaan na lang niya ito paggawa ng kanta.
Isa si Maymay sa special guests na nag-perform sa first anniversary ng Vibe+ sa TV5 noong Sabado, August 15, 2026.
Kinanta niya ang ginawa niyang kanta para sa kanyang ina na pinamagatang "Masunog Man."
“Yung sa nanay ko po, hindi na po mawawala yung sakit na yun. Kumbaga, tanggap ko na po na habang buhay akong masasaktan kapag mami-miss ko na po siya.
“Kaya po binubuhos ko na sa kanta talaga, kagaya nung 'Masunog Man,' para sa kanya yun.
"Isa yun sa paraan, yung grief ko para maipalabas ko,” saad ni Maymay nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos niyang mag-perform.
ANOTHER SONG FOR MAYMAY'S LATE MOTHER
Noong first death anniversary ng kanyang ina ay meron pa raw isang kanta na isinulat niya.
Aniya: “Nag-post ako nung first anniversary niya po… mahigit isang taon na po siya sa langit.
“Nag-post ako ng kanta, imbes na letter kumbaga. Yun yung bale ine-express yung sakit na yun.
“May pangalawang kanta pa po na tungkol po sa kanya.”
Wala pa raw siyang maisip na title sa second song na ginawa niya para sa kanyang ina.
“Wala pa pong title, e. Baka puwedeng 'Daluyan.' Kasi may isang line po dun, na daluyan ng luha ko parang kagaya ng sa kanya.
“Kasi pareho kami ng mata,” sabi pa ni Maymay.

Read: Cinemalaya 2027 pushes through as FAP, FDCP step in for funding
JERRY OLEA
Kahit paano ay napapagaan daw ang nararamdaman ni Maymay Entrata dahil nandiyan ang kanyang Fil-Am boyfriend na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.
“Super blessed ako, e,” bulalas ni Maymay.
“Giver kasi yung dyowa ko po ngayon. Super giver siya ba.
"Tapos parang hindi ako nasanay na yung pagmamahal na binibigay niya, sobra. Kasi ako yung laging sobrang magmahal.”
Kaugnay sa kanta niyang "Masunog Man," naranasan na ba ni Maymay na "nasunog" siya sa pag-ibig?
“Parang yun po talaga ang ibig sabihin ng song, e,” sagot niya.
“Kumbaga, dapat po sa pagmamahal…kapag handa kang magmahal, handa ka ring masaktan.
“Kasi, lahat ng bagay dito sa mundo temporary lang po. Walang pang habang buhay.
"So, natatapos yun talaga. Masasaktan ka talaga.”
Read: Maymay Entrata’s mother Lorna Entrata dies at 53
NOEL FERRER
Sa pagkanta muna naka-focus si Maymay Entrata.
Pero tuluy-tuloy pa rin daw ang acting workshop at nagte-training din siya ng stunts dahil na-enjoy niya nang husto ang pag-a-action na ginawa niya sa Roja.
“Sobrang na-enjoy ko po. Hanggang ngayon nagte-training pa rin ako kay Coach. Bitin pa po, e,” napangiting sambit ni Maymay.
TEN YEARS IN SHOWBIZ
Kamakailan lang ay nag-post si Maymay sa social media nang ipinagdiwang niya ang kanyang 10th anniversary sa showbiz.
May mga emote siya roon sa mga pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.
Paglilinaw ni Maymay: “Lahat naman yata, may mga pagsubok na pagdadaanan po.
"Wala namang perfect journey lalo na dito sa industriya. Lalo na lahat nakabantay, di ba po?
“Lahat may, kumbaga, merong opinyon sila kahit papano sa buhay ko. Tinanggap ko na po yun,” saad ni Maymay.
Patuloy lang daw siya sa pag-aaral dahil para sa kanya, marami pa siyang kailangang baguhin at ayusin.
“Siguro po, yung hindi maging mabait ako sa sarili ko. Kasi sobrang hard ako sa sarili ko, e.
“May mga bagay na hindi perfect yung ginawa ko. Like for example, sa prod or sa acting man, o kahit sa anong bagay.
"Perfectionist ako… so parang naging hard ako sa sarili ko.
“Naiinis ako sa sarili ko. Ano ba yung mali ko? Ano ba yung kulang ko?
“Pero, okay lang din po yun, kasi dun din po ako nagli-lead sa kung saan, sa kung ano yung dapat kong matutunan.
"So, okay lang din po yung mga failures natin.
“Kasi, kumbaga, dun din nanggagaling kung ano yung mga bagay na dapat nating matutunan,” sabi pa ni Maymay.
