JERRY OLEA
Halos dalawang linggo nang tuluy-tuloy ang pag-ulan kaya apektado ang trabaho ng mga tao.
Holiday sa Quezon City ngayong Miyerkules, August 19, 2026, bilang paggunita sa birth anniversary ni former President Manuel Luis Quezon, kaya nasa bahay lang ang karamihan.
Noong Lunes at Martes ay wala ring pasok ang mga paaralan at ilang establisimiyento kaya tiningnan namin ang ratings ng mga programa sa telebisyon.
Tumaas ba ang viewing level ng mga napapanood natin sa TV?
AUGUST 17, 2026 RATINGS
Noong Lunes, August 17, hindi ganoon kataas ang ratings.
Ang sabi, brownout ang ibang lugar at ang iba naman ay sa ibang platform nanonood, hindi sa telebisyon.
Noong araw na yun ay 4.8% lang ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Ang Born To Shine ay 5.8%, at ang My Bespren Emman ay 1.6%.
Sumunod ang Kamao na 5.3%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 0.7%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.7%, at ang High Street ay 0.3%.
Ang replay ng Maria Clara at Ibarra ay 3.3%, at ang Happiness 0.5%.
Ang pilot episode ng Korean drama na Branding in Seong-su ay naka-3.5%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 7.7%, at ang Minute To Win It ay 1%.
Sa primetime, mataas ang ratings sa news programs dahil marami ang gustong malaman ang mga nangyayari sa ating paligid.
Ang 24 Oras ay 13.2%, ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.1%.
Consistent ding mataas ang The Master Cutter na 11.1%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.2%.

Sumunod ang Taskforce Firewall na 9.7%, at ang Someone, Someday ay 4.1%.

Ang replay ng First Yaya ay 4.5%, at ang A Secret In Prague ay 2.1%.
Ang Saksi ay 2.5%.
Read: Ateneo de Zamboanga University confirms two dead in shooting incident
NOEL FERRER
AUGUST 14, 2026 RATINGS
Medyo mataas naman ang viewership noong Biyernes, August 14.
Ang It’s Showtime ay 6.1%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.
Ang Born To Shine ay 6.5%, at ang My Bespren Emman ay 1.3%.
Ang Kamao ay 5.7%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 0.8%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.1%, at ang High Street ay 0.4%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 3.3%, ang Happiness ay 0.5%, at ang TV Patrol Express ay 1%.
Ang Family Feud ay 7.4%, at ang Minute To Win It ay 1.1%.
Sa primetime, ang 24 Oras ay 12.1%, ang TV Patrol ay 2.7%, ang Frontline Pilipinas ay 1.6%, at ang PBA sa RPTV ay 2.3%.
Ang The Master Cutter naman ay 11.3%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.7%.
Ang Taskforce Firewall ay 9.7%, at ang Someone, Someday ay 4%.
Sumunod ang First Yaya na 4.6%, at ang A Secret In Prague ay 2.2%.
Ang Saksi ay 1.9%.
Read: Pokwang and Ruby Ruiz: Cinemalaya 2026’s "Nora-Vilma"
GORGY RULA
May mga naririnig kaming tsika na nag-react daw si Enrique Gil nang inilipat ng timeslot ang A Secret in Prague para pagbibigay-daan sa Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday.
Pero sa totoo lang, tumaas ang viewership ng A Secret In Prague nang inilipat ito kasunod sa Someone, Someday.
Mas dumami ang sumusubaybay sa kuwento nina Chiara (Andrea Brillantes) at Mikoy (Enrique Gil).
Madalas ay nakaka-2% plus na ang ratings nito, at puwede pang tumaas.

Kahit ang My Bespren Emman na nasa afternoon slot na ay mas dumami ang nanood, dahil sa inspiring na kuwento nito.
Hindi nadedehado ang ratings nito sa katapat na programa.
Kaya masayang ibinalita ng Kapatid network na marami pang aabangan sa dalawang seryeng nilikha nila.
NEW CHARACTERS
Sa pagpasok sa bagong yugto ng My Bespren Emman, may mga bagong karakter tayong aabangan.
Mga magagaling na artista ang papasok sa kuwento, kagaya ni Epy Quizon bilang Emman, Angel Aquino bilang Sapphira na mysterious owner ng isang wellness spa, at si Luis Alandy bilang titser na si Jeremiah.

May bagong karakter ding papasok sa A Secret Prague na tiyak na ikatutuwa ng fans ni Dylan Menor.
Si Dylan ay gaganap bilang si Rahmboy Corales, isang vlogger na magiging kaibigan nina Mikoy at Chiara.

May koneksiyon kaya siya sa sekreto at bagong twist sa masalimuot na kuwento nina Mikoy at Chiara?
