JERRY OLEA
Natokhang ang mag-amang Ramon (Romnick Sarmenta) at Kiko (Harvey Bautista) sa six-part YouTube series na Drug War: A Conspiracy of Silence.
Parang walang happy ending sa nangyari sa kanila…
“It was going to be apparent from the time na binasa namin yung script,” sabi ni Romnick sa Q&A matapos ang advance screening ng Episode 4 ng serye noong Agosto 19, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Cinema ‘76, Tomas Morato Avenue, Quezon City.
“We were talking about it. The time we shot. Parang it was apparent na hindi siya magiging magaan in any way.
“Walang fairytale ending ang mga ganitong istorya. Also because of the fact na hindi siya tapos, e. Hindi pa siya tapos.
“Andami pa nating dapat masagot, matanong, mapag-usapan na mga bagay.
“I feel blessed and fortunate that they asked me to do that role because I felt like it also starts to tell the story.
“Parang siya yung pinakamagandang take-off point para mabuksan yung usapin, and it’s an honor to play that role.”

ROMNICK SARMENTA'S TAKE ON DRUG WAR: A CONSPIRACY OF SILENCE AS A FATHER
Bilang tatay, ano ang natanto niya sa Drug War: A Conspiracy of Silence? Ano ang tumatak sa puso at isip niya?
Hinay-hinay na tugon ni Romnick: “Siguro, siguro ang mahirap kasi doon sukatin or bantayan is yung general safety ng mga anak mo, e.
“As a parent, that’s always my fear. I mean, recently lang, may mga nababasa tayo, sa mga paaralan, yung mga kaganapan na hindi natin nagugustuhan.
“At ang takot will always be here. Yung hindi mo sila mapangalagaan nang husto or maihanda.
“And I think, kailangang-kailangan yung mga ganito. Mga ganitong usapin, mga ganitong proyekto.
“Kasi, doon mo lang mapapa-visualize sa kanila kung ano yung mga bagay na pinakaiingatan mo for them, or ano yung mga bagay na gusto mong layuan nila, di ba?
“And at the same time, ano iyung mga bagay na dapat ipaglaban nila, di ba?
“Hindi mo na lang siya titingnan sa aspetong, ‘Hindi ka puwedeng lumabas ng bahay kasi delikado.’
“Titingnan mo rin siya doon sa aspetong, ‘Hindi puwedeng nagaganap ito nang wala akong nararamdaman at wala akong sinasabi.’
“So as a father, yes, it is a contribution in a way. And I hope that they watch it with eyes that seek the value and truth of storytelling more than anything else.”
Nasa cast din ng Drug War: A Conspiracy of Silence sina Ian Veneracion, John Arcilla, Jane Oineza, Gabby Padilla, Ryan Eigenmann, Joem Bascon, Yayo Aguila, Miggy Jimenez, Lotlot de Leon, Enzo Osorio, at Yogo Singh, sa direksyon ni Shugo Praico.
Mapapanood ang Episode 4 nito ngayong Agosto 20, Huwebes ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng Rein Entertainment.
Read: Why Drug War: A Conspiracy of Silence will stream on YouTube?

NOEL FERRER
May mga haka-haka na kesyo ang ibang shooting incident ay maaaring kaugnay sa paggamit ng droga.
May gusto ba siyang imungkahi sa gobyerno upang makontrol o mabawasan ang mga ganitong kaganapan, at maprotektahan ang kabataan?
“Madaling sisihin ang mga bagay na flying in the air, e,” sambit ni Romnick.
“Katulad nun, pag sinabi, ‘Ahh droga ang dahilan niyan.’ ‘Ahh ganito yan.’
“Pero may programa ba tayo para turuan ang mga estudyante kung papaano igalang yung baril?
“May programa ba tayo para pigilan at bantayan kung sino ang nagkakaroon ng baril?
“May programa ba tayo na nagsasabing safe yung mga anak natin sa loob ng paaralan?
“May programa ba tayo para sa pagbabantay ng kasiguraduhan nung mga neurological exams natin sa mga nagpupulis, sa mga nag-a-apply magkaroon ng firearms?
“Lahat ba yun sigurado natin na in place, na maayos?
“Madaling manisi, e. Madaling makakita ng dahilan. Pero hangga’t hindi natin napapag-aralan kung saan siya nagmula, ano ang pinanggalingan — hindi natin puwedeng sabihin na nakahanda tayo, e.
“Madali ring sabihin, kasalanan ng magulang. Puwede nga nating sabihin, kasalanan ng video games.
“Pero singkuwenta y kuwatro anyos na po ako, nagbi-video game pa rin ako, wala pa akong sinasaktang tao. Di ba?
“I mean, yung context, maraming bagay na puwedeng sabihin. And until ma-figure out natin kung ano yung dapat talaga nating i-address at papaano siya ia-address nang tama — hindi yung band-aid solution.
“Hindi yung tataasan natin ng ganito, babawalan natin ng ganito. Hindi yun ang solusyon, e.
“Ang solusyon, tinuruan ba natin sila from the very beginning? At ginagawa ba natin yung tama para sa kanila?”
Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC
GORGY RULA
Maraming pumupuri sa tapang ng limited series na Drug War: A Conspiracy of Silence. Meron ding mga kumukutya o namba-bash dito. Polarizing, ika nga.
“Hindi maaalis yun, e, di ba? People will choose to think in the way they want to think,” reaksiyon ni Romnick Sarmenta.
“And sabi ko nga, pag may kinausap kang dalawang taong magkarelasyon, at tinanong mo sila kung ano yung naging problema nila, magkaiba yung version nila ng truth.
“Because that is how they experienced it. Hindi mo puwedeng sabihing mali yung isa dahil lang it doesn’t conform with yours.
“Pareho kayong totoo. Pareho kayong tama, di ba?
“Pero katulad nga gaya ng sabi ni Direk, ‘Sometimes you’re looking at the same thing, pare-pareho kayo ng gusto, kaya lang iba kayo ng pamamaraan, e.’
“So hindi ko puwedeng suklian yung basher or yung hater ng ganoon din. Kasi that defines me if I do that, di ba?
“Papaano ko sasabihing nasa tamang lugar ako kung yung pamamaraan ko, nagbabago at hindi consistent sa pagkatao ko?”
May mga kaibigan ba siyang pulitiko?
“Meron, meron.”
Friend ba niya si Herbert Bautista na tatay ni Harvey Bautista?
“Oo naman, oo naman. Magkaibigan kami. Gusto kong isipin, magkaibigan kami, di ba? Oo naman.”
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
ROMINICK SARMENTA'S SOCIAL MEDIA POSTS
May nagsabi ba sa kanya na i-tone down ang mga pinu-post niya sa social media, at sinasabi sa mga interbyu?
“Mga anak ko. Mga anak ko iyung nag-aalala. Siyempre, concerned sila, e,” sagot ni Romnick.
“Si Barbara [Ruaro], yung wife ko. Sinasabi niya, ‘Baka malagay ka sa alanganin.’ And I appreciate it more than anything na nag-aalala sila.
“But I also have to tell them every now and then na, ‘Para sa inyo din ito.’ Di ba?
“Hopefully kung may magising at may magbago — kasi, hindi ko naman inaasahan sa lifetime ko, e.
“Hindi dahil wala akong pag-asa. Parang hindi lang alam kung hindi siya ganun kabilis.
“So, kung abutan ko, grateful. Kung hindi… sana, ilaban niyo rin yung katotohanan.”
ROMNICK-SHERYL REUNION PROJECT?
On a lighter note, open ba siya sa reunion project with Sheryl Cruz?
Ang MarJo tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, balik-tambalan sa morning serye ng TV5 na Mommy Guard.
Uso iyon, e. Nostalgia.
“Talaga ba?” natatawang sambit ni Romnick.
“Pero younger generation sila [MarJo] sa amin, e. Sa tanda na naming dalawa, parang hindi ko alam kung papaano nila gagawin iung istorya. Siguro rin, sa materyal.
“Depende sa materyal. Depende sa gustong gawin.”
Read: Bela Padilla refuses to discuss rumored rift with Kim Chiu, Angelica Panganiban
