GORGY RULA
Ang pinakamalakas na pelikula last year ay ang Chinese animated film na Ne Zha 2.
Ayon sa Box Office Mojo at Wikipedia, ang worldwide gross ng ay umabot sa $2.27B.
Ito lamang ang pelikula last year na lumampas sa $2B ang global gross.

Walong pelikula pa lamang sa kasaysayan ang lumampas sa $2B-milestone. Yung pito ay pawang gawang Hollywood.
As we write this ay pang-apat ang Ne Zha 2 sa listahan ng all-time na pinakamalakas ang global gross.
Ang Top 3 ay Avatar with $2.924B, Avengers: Endgame with $2.799B, at Avatar: The Way of Water with $2.334B.
Pawang malalaki ang production budget ng pitong Hollywood tentpole na nakalista sa Top 8 na pinakamalakas na worldwide lifetime gross.
Ang napaulat na production budget ng Ne Zha 2 ay $80M, samantalang yung mga likhang-Hollywood ay hindi bababa sa $200M.
NIU LAI: A SURPRISE BOX-OFFICE BLOCKBUSTER
Ngayong Agosto 2026 ay isa na namang Chinese animated film ang nambulabog sa takilya at sa netizens — ang Niu Lai.
Sobrang terible raw ang animation nito. Notorious. Napaka-crude. Worse than AI (Artificial Intelligence).
Kuwento ito ng isang guya (young calf, batang baka) na nagngangalang Niu Lai.

Ayon sa Wikipedia, ini-release ito noong Agosto 5, 2026 sa 245 sinehan.
Pagsapit ng Agosto 14 ay apat na lamang ang mga sinehan nito.
Sa unang siyam na araw ay 236 lamang ang nanood. Ang hinamig nito sa takilya sa unang siyam na araw ay US$1,111.
Inokray-okray ang kapangitan nito sa Chinese social media. Nag-viral.
Noong Agosto 14, Biyernes, ay 21 screenings lamang ito.
Kinabukasan, Agosto 15, Sabado, naging 359 screenings.
Parami nang parami ang na-curious sa Niu Lai.
Lumampas na sa $6.4M ang kinita nito.
Sa kasaysayan ng pelikula, isa na ito sa may pinakamataas na ROI (return of investment). Tubong-lugaw to the max?!?!?!
Dalawang tao lang ang bumuo ng Niu Lai — isang senior cirizen na nanay, at ang kanyang anak na lalaki.
Read: Jodi Sta. Maria reveals how she and son Thirdy deal with tampuhan
NOEL FERRER
Ayon pa sa Wikipedia, ang Niu Lai (86 minuto) ay idinirek ni Xin Yumeng mula sa panulat ng kanyang ina na si Sun Lifang.
Silang mag-ina ang producers, at sila ring dalawa lamang ang voice actors.
Credited din si Xin Yumeng sa cinematography, editing at music. Si Sun Lifang naman ay credited din sa music.
Ito ang unang pelikula ni Xin. Self-taught si Sun sa pagbuo ng script.
Silang mag-ina lamang ang crew members at voice actors ng animation.
Si Sun ang nagsulat ng soundtrack at nag-perform ng theme song.“Xin Yumeng came up with the idea for Niu Lai in 2021, and chose to have the plot revolve around an ox as his father was born during the year of the Ox and 2021 was the year of the Ox as well,” ayon sa Wikipedia.
“Production on the film took over five years and cost several thousand yuan. They bought second-hand hardware online as new hardware was too expensive.
“SketchUp, an architectural modeling program, was used for the animation instead of a specialized animation software.”
NO PROMOTIONAL CAMPAIGN
Walang promotional campaign ang Niu Lai. Walang interbyu. Walang trailer.
Ang nag-iisang advertisement para sa pelikula ay isang poster na ginamitan ng tradisyonal na ink wash painting.

Ang ginawa ng ibang theater staff ay kani-kanyang gawa ng poster.
Hala, bira! Hala, bira!

Pinayuhan ang Tianjin Yamazaki Film na huwag i-release ang Niu Lui dahil nga sa napakababang kalidad ng animation nito.
Hindi sumunod ang Tianjin Yamazaki Film dahil ang nagpapatakbo nito ay kaibigan ng direktor, producer, bida, cinematographer, editor, at animator na si Xin Yumeng.
What are friends for, ika nga?!
Mula sa pagsemplang, ang Niu Lai ay tinawag na cult film.
Statement ba ito ng moviegoers na mas gusto nila ang human-made animation kahit low-quality at weird kesa sa AI art?
Read: Derek Ramsay on controversy involving his luxury car: "I'm not a smuggler"
JERRY OLEA
Prinomote ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang Ne Zha 2 last year.
Ngayong 2026, sinortahan naman ng FFCCCII ang Philippine visit ng Chinese actress na si Zhang Yingfei ("Linda Walker"), whose activities promoted education, tourism, perseverance, and cultural understanding.
Ginanap ito noong Hunyo. Ngayong Agosto ay prinomote naman ng FFCCCII ang Chinese family drama film na Dear You.
Noong Agosto 5 ay suportado ng FFCCCII ang advance screening ng Dear You sa IMAX Theatre ng SM Mall of Asia.

Take note na noong araw na iyon din nag-premiere screening ang Niu Lai sa 245 theaters ng China.
Susuportahan din kaya ng FFCCCII ang Niu Lai sakaling ipalabas ito sa local cinemas?
PLUMP BLOSSOM
Sa Setyembre 23 ay nakatakdang ipalabas sa ating mga sinehan ang Filipino AI-assisted animated film na Plump Blossom, na tungkol sa isang tabachingching na Chinese princess named Ruo Hua.
Ang setting nito ay fictitious Huang Dynasty ng ancient Chinene, humigit-kumulang 1,400 taon na ang nakalipas.
Ang writer, director, at producer ng Plump Blossom ay si Rossana Hwang, na writer-producer din ng pelikulang Isang Komedya Sa Langit (2025).
Hindi kabilang si Kapitana Rossana sa principal voice cast o featured vocalists ng Plump Blossom.
Ang nagboses kay Princess Ruo Hua ay si ang tri-lingual na si Candice Tan, na interpreter ni “Linda Walker” nang bumisita ito sa Pilipinas noong Hunyo.

Nasa voice cast din sina Don Puno bilang General Jian, Gutch Gutierrez bilang Chef Bao, Chad Williams bilang General Feathers, Yeng Her bilang Yuan Yuan, Audie Gemora bilang Emperor, at Thunderson Tan bilang Assistant Chef Wen.
Featured vocalists sina Paulina Yeung at Rafael Sundayan sa mga kantang “Wait for Me" and "Under One Moon.”

Sumusuporta sa promo ng Plump Blossom si Sir Wilson Lee Flores na may-ari ng Kamuning Bakery, moderator ng Pandesal Forum, at member ng FFCCCII.
Sa Setyembre 23 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Plump Blossom, kasabay ang animated film ding Forgotten Island kung saan tampok sa voice cast sina H.E.R., Liza Soberano, Dave Franco, Manny Jacinto, Lea Salonga, at Dolly de Leon.
Sa soundtract nito ay tampok sina H.E.R., Liza Soberano, BINI, Lea Salonga, at SB19.
Ayon kay Kapitana Rossana nang makatsikahan namin noong Agosto 22, Sabado, sa Cino Cafe, Amoranto St., Sta. Mesa Heights, Quezon City, noong Marso pa natapos ang Plump Blossom.
Hulyo sana ang target playdate nito. Wala kasing pelikulang Pinoy na nakasalang sa buwang iyon.
Pinayuhan si Kapitana Rossana na ipagpaliban iyon, dahil Hulyo ang showing ng The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day.
Ang pinagsamang lakas na “Odyssey-Man” ay nagpayanig sa takilya, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Yung Spider-Man: Brand New Day at The Odyssey ang dalawang pinakamalakas ng pelikula worldwide so far ngayong taon.
Siyempre, iniwasan din ng Plump Blossom ang Ghost Month mula Agosto 13 hanggang Setyembre 11. Baka kasi malanta na agad ang Plump Blossom bago pa mamukadkad.
Sabi ni Kapitana Hwang, nang ilagay sa September 23 playdate ang Plump Blossom ay hindi pa nakapuwesto roon ang Forgotten Island.
Wala na silang malilipatang ibang playdate this year.
Ang tanong… maaambunan kaya ang Plump Blossom ng suwerte o tagumpay ng Niu Lai?
Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after breakup with Vic Sotto
