PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Multi-awarded actress, gusto nang mag-retire sa sobrang pagod

Mutli-awarded actress, hindi na kinakaya ang ilang tapings para sa teleserye.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
blind item multi-awarded actress

GORGY RULA

Totoo kayang huling teleserye na itong ginagawa ng kilala at multi-awarded actress?

Sobrang napagod na raw siya sa ginagawa niya ngayon, kaya napapadalas ang kanyang pagkakasakit.

Ewan ko kung magdedeklara na siya ng retirement.

Sinasabi raw niya wala na siyang kailangang patunayan pa. Puwede na raw siyang mag-retire.

Kaya baka sabihin niyang itong ginagawa niyang teleserye ang huling project na gagawin niya.

Ewan ko lang kung sasabihin niya ito sa mga susunod niyang interview, dahil nababanggit na raw niya ito sa kanyang mga katrabaho.

Na-curious tuloy akong panoorin ang ginawa niyang teleserye kung bakit siya napagod nang husto.

May ilang tapings kasing napilitan silang mag-pack up dahil hindi na raw talaga kaya ng aktres.

Nakiusap daw ang aktres sa production staff na i-pack up na siya dahil hindi na niya kaya.

Nakadagdag pa ang mga sunud-sunod na pag-ulan, kaya nagkakasakit na raw si aktres.

Naospital na raw ito minsan, dahil hindi na kinaya ng kanyang katawang lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MGA KATRABAHO NG AKTRES, HINIHIKAYAT SIYANG HUWAG MUNANG MAG-RETIRE

Maganda ang pakikitungo ng aktres sa co-actors at sa mga katrabaho niya, kaya sinasabihan daw siyang kakayanin pa niya.

Huwag muna siyang mag-retire.

May ilang dekalibreng artista ang nanghihinayang kung sakaling ituloy ng multi-awarded actress ang pagretiro.

Sana ay makagawa raw muna sila ng pelikula bago man ito mag-retire.

Itutuloy na kaya talaga niya kahit maganda ang feedback dito sa teleseryeng ginagawa niya?

Tatanggi na kaya siya sa susunod, kahit napakaganda ng project na inaalok sa kanya?

Read: Julie Anne San Jose on Vanessa Rangadhol’s death: “Sana panaginip lang lahat ng ito.”

NOEL FERRER

We feel for her most definitely, especially for senior actors who have given so much sa ating industriya.

Unang-una nating concern of course ay ang kanilang kalagayan o well-being.

Pero baka napagod nga lang siya nang husto.

Kasi, kilala namin ang aktres na ito na todo-bigay sa kahit na ano’ng gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka naman all she needs is a time off, a break, i-enjoy ang success ng bago niyang project na inaabangan na ng mga tagahanga niya — na mukha namang binusisi at pinaganda.

Tapos mag-assess … gagawin na lang niya ang mga gusto niyang gawin upang hindi siya ma-stress at magkasakit.

Basta, mahal na mahal natin itong aktres na ito at todo ang suporta natin sa kanya.

JERRY OLEA

Nasa dugo at sistema ng multi-awarded actress ang pagiging artista.

Maiintindihan natin na maghinay-hinay siya. Pero huwag naman sanang tuluyan niyang iwan ang showbiz.

Puwede namang magpahinga siya, at piliin nang husto ang mga proyektong gagawin.

Walang pressure, dahil wala na siyang kailangang patunayan.

Gawin niya ang mga gusto niyang gawin, pero huwag sana siyang magsalita nang tapos.

Read: Derek Ramsay on controversy involving his luxury car: "I'm not a smuggler"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results