PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach legal battle continues as case nears promulgation

Sandro Muhlach’s healing journey continues.
by PEP Troika
Published A day ago
sandro muhlach legal battle
Two years after Sandro Muhlach came forward with allegations of sexual assault, his legal battle involving independent contractors Jojo Nones and Richard Cruz continues. According to the latest update from the defense counsel, Atty. Maggie Abraham, a formal offer of evidence has already been filed.
PHOTO/S: Sandro Muhlach Facebook

GORGY RULA

Nasangkot sa isang vehicular accident si Niño Muhlach sa Antipolo City noong Linggo, August 23, 2026.

Hinarap niya ito at inako ang kanyang pagkakamali.

Naglabas ng official statement si Niño kung saan ay inamin niyang nakatulog siya.

Humingi siya ng paumanhin at nangakong haharapin ang responsibilidad sa naapektuhan ng naturang aksidente.

nino muhlach statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na-bash ang dating child star dahil nakita ang katapatan sa statement na kanyang inilabas.

Karamihan ay positibo ang komento at mga magagandang mensahe ang ipinarating sa kanya ng mga katrabaho at mga kasamahan sa showbiz.

Nakita rin sa social media ang suportang ipinakita ng kanyang pamilya.

Nandoon ang dalawang anak niyang sina Alfonso at Sandro Muhlach.

Kahit ang kaibigan niyang komedyanteng na si si Jeff Tam ay dumamay rin sa kanya.

Read: Niño Muhlach admits falling asleep at the wheel in Antipolo crash

UPDATE ON SANDRO MUHLACH'S RAPE, SEXUAL ASSAULT CASE

Dahil nakita ko si Sandro, naalala ko na naman ang kinasangkutan niyang eskandalo dalawang taon na ang nakararaan.

Kinumusta namin ang kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness laban sa independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones na patuloy pa ring dinidinig sa Department of Justice (DOJ).

Sa pagkaalala ng PEP Troika, ibinasura ang two counts na acts of lasciviousness dahil kasama na ito unang kasong nabanggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala kaming paraan na ma-contact ang legal team ni Sandro, kaya kinumusta ko ang development ng kaso kay Atty. Maggie Abraham, ang abogado nina Richard at Jojo.

Patuloy pa raw itong dinidinig, at ang na-update namin ay maaring magkakaroon na ng promulgation bago matapos ang kasong ito.

Text ni Atty. Maggie sa PEP Troika sa Messenger: “Nag-file na po kami ng formal offer of evidence for the defense.

“Next hearing is for checking if mag-rebuttal evidence pa ang prosecution.

“If hindi na, mag-schedule na ng date ng promulgation for to release its decision.”

Kinumusta rin ng PEP Troika kay Atty. Maggie ang dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

Paano nila naipagpatuloy ang kanilang buhay? May trabaho ba sila ngayon?

At this writing ay wala pang sagot si Atty. Maggie Abraham.

Sa pagkakaalam namin, kung tuluy-tuloy ang hearing at wala nang delay, malaki ang tsansang ibaba na ang resolution sa kaso bago matapos ang taong ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung anuman ang magiging desisyon nito, sana’y maluwag na tanggapin ng dalawang kampo at magtuluy-tuloy na ang kanilang pagmu-move on.

Pero paano ang pag-move on kung hindi maganda ang resulta sa isang panig?

Abangan na lang natin.

Read: Acts of lasciviousness case laban kina Nones at Cruz, na-dismiss

NOEL FERRER

Wala na si Sandro Muhlach sa Sparkle ng GMA Artist Center.

Ilan sa mga huling appearance niya ay ang sinalihang basketball event at ang pagrampa niya sa fashion week ng Bench.

Base sa panayam sa kanya ilang buwan na ang nakaraan, natapos na ni Sandro ang kanyang therapy at marami raw siyang realizations sa mga napagdaanan niya.

Sinabi rin niyang hindi sa traumatic experience na yun natatapos ang kanyang buhay.

Kailangan daw niyang mag-move on. Kailangan niyang bumalik sa dating Sandro na nakilala sa kanya ng mga tao.

Nakikita naman kung paano siya suportahan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

JERRY OLEA

Dahil sa pagbubunyag ni Sandro Muhlach sa sinapit niya umano sa dalawang independent contractors two years ago, nagsalita muli si Gerald Santos tungkol sa panghahalay raw sa kanya ng musical director at composer na si Danny Tan.

Lumantad din ang isa pang biktima umano ni Danny Tan, ang singer na si Enzo Almario na 12 anyos lamang daw nang abusuhin ni Danny.

Naging panauhin sina Sandro at Enzo sa Courage concert ni Gerald noong Enero 24, 2025 sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Natapos na ni Gerald ang shooting ng pelikulang Liwanag at Dilim (Heneral Emilio Jacinto), na idinirek ng manager niyang si Rommel Ramilo.

Si Sandro naman ay lumahok recently sa HYROX Bangkok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subaybayan natin ang mga susunod na kaganapan kina Gerald, Enzo, at Sandro.

Read: Taong 2024, nabalot ng mga isyu ng rape at sexual harassment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two years after Sandro Muhlach came forward with allegations of sexual assault, his legal battle involving independent contractors Jojo Nones and Richard Cruz continues. According to the latest update from the defense counsel, Atty. Maggie Abraham, a formal offer of evidence has already been filed.
PHOTO/S: Sandro Muhlach Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results