PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX actor Ronie Palermo admits viral video scandal

Ronie Palermo: "Matagal na po yung video, noong 2021 pa."
by PEP Troika
Published A day ago
ronie palermo video scandal
VMX actor Ronie Palermo addresses the intimate video involving him and a tattooed woman that circulated on August 25, 2026. According to Ronie, the video was recorded in 2021, before he signed his contract with VMX. '“Matagal na po yung video, noong 2021 pa,” Ronie told PEP Troika.
PHOTO/S: Ronie Palermo Facebook

Trigger Warning: Video scandal

JERRY OLEA

Kumalat ang video scandal ng VMX actor na si Ronie Palermo kasama ang isang "Pajama Girl" na may tattoo ngayong Agosto 25, 2026, Martes, sa Telegram, Twitter, at Messenger.

Si Ronie ay bikini kontesero na lumabas sa pelikulang Bedspacer na buena manong handog ng VMX (dating Vivamax) noong Enero 2024.

Meron din siyang erotikong proyekto sa CinePOP.

Noong Hunyo 5, 2026 ay pinost ni Ronie sa Facebook ang dalawang litrato ng pagpirma niya ng kontrata sa VMX.

Sa isang picture ay kasama ang bale manager niyang si Yda Manzano, at ang kapwa bikini kontesero na si MJ Labs aka Miguel na nag-ekstra sa ilang TV shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RONIE PALERMO ADMITS VIDEO SCANDAL

“Matagal na po yung video, noong 2021 pa,” pagtatapat ni Ronie via cellphone sa PEP Troika.

“Nakontak po ako nung girl sa Telegram. Hiwalay po ako sa girlfriend ko noong time na yun.

“Pinapunta niya po ako sa condo unit niya sa Mandaluyong. Sa elevator pa lang, sinabihan niya ako na lights on daw.

“Sabi ko, baka may hidden camera at i-video niya. ‘Wala, wala!’ sabi niya. Kaya raw lights on ay gusto niyang makita ako. Malabo raw ang kanyang mata.

“Pagdating namin sa room niya, tinanggal ko sa saksakan yungTV. Tapos, yung lampshade, nilagyan ko ng towel.

“Nag-iingat po ako, kaya nga po nag-condom ako. Kung mapapansin sa video, patingin-tingin po ako.

“Nung nag-CR siya, tiningnan ko po uli bawat sulok ng room. Wala talaga akong nakitang kamera.”

Humigit-kumulang dalawampung (20) minuto raw tumagal ang kanilang pagtatalik.

Pagsisiwalat pa ni Ronie: “Pagkatapos namin, tinanong niya ako kung may maire-refer pa ako sa kanya na ibang models. Sabi ko, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinaalis na niya ako. May imi-meet pa raw siyang artista. Marami na raw artista ang pumunta sa condo unit niya.”

Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire

NOEL FERRER

Si Ronie Palermo ang ikawalong umamin sa mga lalaking personalidad na nakunan ng intimate video habang katalik ang isang Pajama Girl na may mga tattoo.

Nauna yung "The Big Four" na sina Gil Cuerva, Ron Angeles, Nikko Natividad, at Arron Villafor.

Sumunod na umamin sina Nico Locco, Andre Cue, at Jayden Fernandez. Sa seryeng ito ay may tatlo o apat pang kilalang personalidad, pero minabuti nilang manahimik.

Sa panayam noon kay Ron Angeles, sinabi niyang napag-alaman ng kanilang kampo na mahigit 50 lalaki ang biktima.

Kaya ang sabi ni Ronie, “May iba pa po sigurong bikini models na nabiktima. Nauna po sigurong ilabas yung video ko dahil pumirma na ako sa VMX.”

GORGY RULA

Hindi na raw nakontak o nakita ni Ronie Palermo yung "Pajama Girl" na ka-partner niya sa video.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nawala na po yung account niya sa TG [Telegram],” sabi ni Ronie.

Nahirapan ba siyang tanggapin na nabiktima siya at nagkaroon ng video scandal?

“Wala na po akong magagawa. Nandiyan na yan. Nag-ingat naman po ako. Dapat siguro, hindi ako pumayag na lights on,” tugon ni Ronie.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX actor Ronie Palermo addresses the intimate video involving him and a tattooed woman that circulated on August 25, 2026. According to Ronie, the video was recorded in 2021, before he signed his contract with VMX. '“Matagal na po yung video, noong 2021 pa,” Ronie told PEP Troika.
PHOTO/S: Ronie Palermo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results