PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philippine Film Commission could replace FDCP by 2028

FDCP Chairperson Joey Reyes reveals what could happen under new Film Commission.
by PEP Troika
Published A day ago
joey reyes fdcp
FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes reveals that the agency could be dissolved and replaced by a Philippine Film Commission if the proposed measure becomes law, with the Cinema Evaluation Board also expected to return under a new structure.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Magbabalik ang Cinema Evaluation Board (CEB) at madi-dissolve ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sakaling maisabatas na ang Philippine Film Commission (PFC).

Isiniwalat ito ni FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes aka Direk Joey sa mediacon ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2026 noong Agosto 24, 2026 sa Cinematheque Centre sa Sta. Lucia St., Intramuros, Manila.

Ang CEB na nasa ilalim ng FDCP ay nagbigay ng tax rebate sa mga mahuhusay na pelikulang Pilipino.

Nilikha ito noong 2003 sa bisa ng Republic Act No. 9167, bilang kapalit ng Film Ratings Board (FRB).

TAX PRIVILEGES FOR OUTSTANDING FILMS UNCONSTITUTIONAL

Noong Disyembre 2019 ay nagpasya ang Supreme Court na unconstitutional at hindi na dapat magkaloob ang CEB ng amusement tax privileges sa mga pelikula.

Nagkakaliwanag na ba ang Philippine Film Commission?

“Medyo nagkakaliwanag na. Kasi, ang nagpu-push, si Baby Javi, di ba?” sambit ni Direk Joey.

Ang tinutukoy ng multi-awarded scriptwriter-director na Baby Javi ay si Congressman Javier Miguel “Javi” Benitez ng 3rd district ng Negros Occidental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating artista si Javi, dating mayor ng Victorias City, at dating boyfriend ni Sue Ramirez.

Pagpapatuloy ni Direk Joey: “Love natin si Baby Javi. Para siyang bata. Sila ni Congresswoman Lani [Mercado] ang nagpu-push.

“Hopefully by the time na bumaba ako sa FDCP, naisaayos na yang Philippine Film Commission. Hindi ko alam kung saan isasaksak ang ibang upisina. “

Magbabalik ang Cinema Evaluation Board, e. Pero iba na ang istruktura niya.

“Mawawala na ang FDCP — magiging Philippine Film Commision. Hopefully by 2028.”

Hindi na chairman at CEO ang mamumuno ng PFC kundi Commissioner? Puwedeng siya pa rin ang italaga?

Natigilan sandali si Direk Joey bago sumagot: “Hindi ko alam kung puwede kang mag-repeat, e.

“Kahit sabihing one term in six years, hindi ko alam kung puwede yung susunod na six years, ikaw pa rin.

“Kapag umepek na ang Philippine Film Commission, may commission sa Luzon, may commission sa Visayas, at may commission sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Under doon, yung mga LGU [local government unit], may sari-sarili silang mga initiative para may incentive para sa shoot.”

Read: Philippine Film Commission to make film shoots easier in PH

JERRY OLEA

Sa National Capital Region (NCR) lamang ipinalabas ang mga pelikula ng Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 7-18, 2026.

Ang prime venue ay ang apat na sinehan sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City. Naglaan din ang Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City ng apat na sinehan for Cinemalaya 2026.

Ipinalabas din ang mga pelikula sa select Ayala Malls cinemas (Trinoma, Market! Market!, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Glorietta).

Puwedeng ipalabas ang Cinemalaya 2026 entries sa mga FDCP Cinematheque Centre sa Intramuros (Manila), Iloilo City, Davao City, at Bacolod City (Negros Occidental).

cinemalaya 2026
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi pag pinalabas mo sa mall yan, kausap mo, mga mall. E, alam mo naman, pera-pera yan,” pahayag ni Direk Joey Reyes.

“Tinanong namin, ano ang puwedeng mag-Cinematheque Centre? Kasi yung ibang producers, gusto nilang i-release kaagad commercially.

“Kunyari ko ang producer ng Status: Rejected o kaya 2 Valid IDs na ganun yun, pinuno mo ang sinehan, ire-release ko yan commercially. Kasi may word of mouth na yan na ano.

“So, hindi na magsi-Cinematheque yan, OK, kasi ipapalabas na sa mga mall yan.”

LACK OF MARKETING PLAN FOR local MOVIES

Sa mga Cinemalaya 2026 films, meron na bang kumpirmadong magsi-Cinematheque?

“Wala pa sa ngayon. Kasi katatapos lang,” tugon ni Direk Joey.

“Ang problema talaga is, sana may marketing plan na pagkatapos ng palabas sa Cinemalaya, may plano na para sa pelikula.

“Hindi yung nag-iintay ka pa bago mo planuhin!”

Kulang talaga iyon sa local movie industry…

Himutok ni Direk Joey: “Alam kong kinu-crucify ako dito. Ang kitid-kitid ng paningin natin! Ayaw ng producers ng international.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinausap ko na ang isang creative director, ‘Bakit hindi kayo mag-international co-prod? Lalaki yung market ninyo. At saka mas magkakaroon ng better branding.’

“Hindi yang buong buhay ninyo, nakatutok sa Metro Manila Film Fest! E do or die naman ang Metro Manila Film Fest.

“Ilan sa Metro Manila Film Fest ang kumikita? Tatlo sa walo. Hindi ba? Hindi pa rin surefire.

“Kailangang lawakan ang paningin. E, kung lalawakan ang paningin, hindi naman puwede na puchu-puchu na pelikula ang gagawin mo! Hindi ba?”

Ang Film Academy of the Philippines (FAP) at FDCP ang tumulong sa Cinemalaya Foundation, Inc. upang mapondohan ang call for entries sa Cinemalaya 2027.

6th philippine film industry month

Sa Setyembre ay pangungunahan ng FDCP ang pagdiriwang ng 6th Philippine Film Industry Month.

Ang tema ng PFIM 2026 ay “Pelikula: Ginintuang Ikalawa” (“Philippine Cinema’s Second Golden Age”).

philippine film industry month
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa classic Filipino films na ipapalabas next month sa Cinematheque Centres ang 1976 films na Itim, Insiang, Tatlong Taong Walang Diyos, Minsa’y Isang Gamu-gamo , Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?, at Nunal sa Tubig; at ang pre-war films na Zamboanga (1937), Giliw Ko (1939), Tunay na Ina, Pakiusap (1940), at Ibong Adarna.

Naka-line up ding mag-screening next month sa Cinematheque Centre Manila ang mga pelikulang Jaguar (1979), Tuhog (2001), Kubrador (2006), Kodomo-tachi: Children of the War (2025), at Olsen’s Day (2025).

jaguar pfim
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan natin kung kailan maipapalabas sa Cinematheque Centres ang ilang pelikula ng Cinemalaya 2026.

Read: Philippine Film Industry Month 2026 celebrates 50 years of cinema

NOEL FERRER

May pag-asa pa ba ang pelikulang Pilipino na makabangon?

Maliban sa pag-arangkada ng streaming platforms, anditan ang banta ng A.I. (Artificial intelligence), at ang mga vertical drama series.

“Dyusko, 'day! Verticals are five-minute triggers!” bulalas ni Direk Joey Reyes.

“Puro trigger, trigger, trigger. And it really destroys your sense of narrative.

“Dyusko, 'day! Nung nag-attend ako ng isang film conference sa Macau, puro verticals na A.I.! Nakakaloka!

“Alam mo, intayin mo yang A.I., pagdating ng kampanya, naku! Yang mga paninira!”

Sa social media ay naglipana ang mga deepfake, mga gawang-A.I. na tampok ang mga kilalang personalidad sa pulitika o gobyerno.

Andiyan ang mga talakan, tarayan, sampalan, at bugbugan na halatang huwad.

Naawa si Direk Joey sa isang pulitiko na tampok sa sandamukal na A.I. content kung saan binabalahura ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyangapala, 100 percent ang excitement at suporta natin sa National Cinema Day sa September 12.

Sana, makatulong ito sa paghikayat ng pagpapabalik ng mga Pilipino sa mga sinehan. Harinawa!

Read: Shirley Kuan says Bea Alonzo "never defended me" amid wedding issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes reveals that the agency could be dissolved and replaced by a Philippine Film Commission if the proposed measure becomes law, with the Cinema Evaluation Board also expected to return under a new structure.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results