GORGY RULA
Takusa nga ba ang isang sikat at mahusay na male singer?
Pamilyado na si Male Singer. Nakakasama niya ang kanyang misis sa public places.
Pero hangga’t maaari, pinangangalagaan ni Male Singer ang kanyang privacy. Wala tayong nababalitaang personal na isyu tungkol sa kanya.
Ang importante, andiyan ang commitment niya sa fans at sa kanyang propesyon.
Mabait at desirable si Male Singer, pero napapansin ng karamihan — at natatanong ako ng ibang kakilala ko — kung bakit ang hirap magpa-picture sa kanya.
May mga sinusuwerteng nakakatiyempo at nakakapagpa-picture kay Male Singer, pero madalas na iniiiwas siya sa fans.
Bakit kamo? Nag-e-emote daw kasi si Misis kapag may pretty women na nagpapa-picture kay Male Singer.
Kapag napo-post sa social media ang litrato ng magagandang girls kasama si Male Singer, any moment ay nag-iiba ang timpla ng mood ni Misis.
Kaya para iwas-pusoy, umiiwas si Male Singer na magpa-picture kasama ang kanyang mga tagahanga.
Read: Shirley Kuan denies involvement in Bea Alonzo-Vincent Co prenup
JERRY OLEA
Noon pa man ay mina-marites nang takusa (takot sa asawa) itong sikat at mahusay na male singer.
Likas na mabait lang daw ito. Ang dating sa iba ay takusa.
Basta, pagdating sa pamilya niya, lalo na sa kanyang asawa, ay binibigyan talaga ni male singer ng panahon at pagpapahalaga.
Mas bata si Male Singer kina Dennis Padilla, Andrew E, at Janno Gibbs, pero mas matanda siya kay Jerald Napoles.
Sina Dennis, Andrew, Janno, at Jerald ang mga bida sa 2020 comedy film na Pakboys Takusa, na merong tagline na “Kung ang Hapon may Yakuza, ang Pinoy may Takusa!”
NOEL FERRER
Nakakasama ko si Male Singer sa mga event at kahit sa kampanya — at talagang very-well applauded and energetic ang performance ng vocalist na ito.
Bigay-todo ang kanyang act lagi at napapasayaw at napapaawit niya ang mga tao with much gusto!
In fairness, never kong na-notice ang pagsama ng timpla ng wifey niya sa anumang gig niya, pero nakita ko rin kung gaano nagsu-swoon sa kanya ang mga fans.
Pero more than takusa, grabe ang self-control ng male singer na ito. Bilib ako.
Kasi sa mga kilala nating rock stars, meron talagang patola.
Pero si Male Singer, behaved sa mga pagkakataong nakasama ko siya.
Kung takusa man, admirable yun, in fairness, ha!
Read: Hazel Espinosa reacts to viral The Buzz clash with Sabrina M.
