GORGY RULA
Kumpirmadong nanganak na si Alex Gonzaga.
Noong Martes, August 25, 2026, nag-post si Alex ng maternity pictures niya.
Makahulugan caption ni Alex: “I’ll miss carrying you inside my tummy, my baby. It was like having our own little world. (cry emoji and white heart). Thank You Jesus!”
Duda tuloy ng karamihan, dahil sa caption na yun ay tila nagpapahiwatig na nakapanganak na siya.
Ilang beses nagpadala ng Viber message ang PEP Troika kay Alex, pero hindi niya ito sinasagot.
Ang duda namin ay maaaring sa vlog na niya ia-announce ang mga detalye ng kanyang panganganak.
MOMMY PINTY CONFIRMS ALEX HAS GIVEN BIRTH
Mabuti at sumagot naman si Mommy Pinty sa text message ng PEP Troika.
Siya ang nagkumpirmang isinilang na nga ni Alex ang panganay nilang anak ni Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.
Hindi sinabi ng Gonzaga matriarch kung kailan at iba pang detalye ng panganganak.
Ang sinabi lang niya ay baby boy ang isinilang ni Alex.
Hindi raw totoong kambal ito.
May mga nagsasabi kasing kambal ang ipinagbubuntis ni Alex dahil sa laki ng tiyan nito.
Ilang beses kaming nag-text kay Mommy Pinty para sa iba pa naming katanungan, pero hindi na siya sumasagot.
Read: Has Alex Gonzaga given birth?
NOEL FERRER
Atf this writing ay wala pang ipino-post si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang panganganak.
May mga kumakalat lang sa social media ngayon na may bitbit nang baby si Alex na halata namang AI.
Meron pang video ng pagle-labor nito at inalalayan siya ni Mikee.
Halatang gawa-gawa lang dahil hindi nga nabanggit ang kasarian ng baby na iniluwal nito.
Abangan na lang natin ang official announcement ng mag-asawang Alex at Mikee sa kanilang first baby.
Ganunpaman, congratulations sa bagong Mommy Alex at Daddy Mikee!
JERRY OLEA
Nakatatlong miscarriage si Alex Gonzaga mula nang ikasal sila ni Mikee Morada noong Nobyembre 2020.
Kaya lubos ang kasiyahan natin para sa mag-asawa ngayong nailuwal na ni Alex ang kanilang baby boy.
God bless!
Read: Mikee Morada reveals third miscarriage with wife Alex Gonzaga
