JERRY OLEA
Ang mga premyadong direktor na sina Joel Lamangan, Laurice Guillen, at Jose Javier Reyes ang mentors sa The Masters Series: FDCP Acting Workshop for Filipino Talents 2026 na ginanap noong Hulyo 7-16 sa Ibis Styles, Cubao, Quezon City.
Maliban sa pagdidirek ay umaakting din sila.
Para sa pagganap niya bilang Roda sa FPJ’s Batang Quiapo, pinarangalan si Direk Joel bilang best supporting performer sa 1st FAMAS Awards for Broadcast Arts noong Hulyo 20, 2026 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Magpapakitang-gilas si Direk Joel bilang Candido Marasigan sa restaging ng dulang Larawan next year, kung saan si Anton Juan ang aariba bilang Paulo Marasigan.
Nasa cast din si Vince Tañada bilang Tony Javier, at si Johnrey Rivas bilang Bitoy Camacho. Ang direktor ay si Anton Juan.
Artista rin si Direk Joel sa pelikulang Hello Mr. Chen, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Co-stars niya rito sina Jeric Gonzales at Laurice Guillen.

Sa pagdiriwang ng 6th Philippine Film Industry Month (PFIM) sa Setyembre, ang opening film ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) ni National Artist Lino Brocka, at ang closing film ay ang Sister Stella L (1984) ni Mike Tan.
Nasa cast si Direk Laurice ng dalawang pelikulang yan.
Nagbida si Direk Laurice sa tribute film na Faney bilang isang super-Noranian.
Nag-premiere iyon noong Mayo 21, 2025 sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City. Kaarawan noon ng yumaong National Artist na si Nora Aunor.
Ang Faney ay idinirek ni Adolf Alix Jr., at nasa cast din nito sina Gina Alajar, Althea Ablan, Angeli Bayani, Bembol Roco, Roderick Paulate, Perla Bautista, at Ian de Leon.

LAURICE GUILLEN'S EXPLOSIVE APPEARANCE IN CALL MY MANAGER!
Sa Episode 3 ng HBO Max limited series na Call My Manager! na nag-streaming nitong Agosto 27, Huwebes, pasabog ang papel ni Laurice bilang Thunderwoman.
Ang logline ng episode na idinirek ni Mario Cornejo mula sa panulat nina Senedy Que, Jinky Laurel, at Chris Violago: “The managers handle a viral scandal, power struggles, and an unexpected new romance.”
Sa istorya, makalipas ang limang dekada bilang respetadong artista, kumalat ang video ni Lola Laurice habang pinapaligaya ang sarili gamit ang pink vibrator.

Ang mga pangunahing artista sa Call My Manager! ay sina Judy Ann Santos, Edu Manzano, RK Bagatsing, at Gina Alajar. Bahagi rin ng cast sina Edgar Mortiz, Kiray Celis, Maricel Soriano, Snooky Serna, Niño Muhlach, Cristina Gonzales, Janine Gutierrez, Ayen Munji-Laurel, at Jose Javier Reyes bilang Paul Amir.
Si Laurice Guillen ang presidente ng Cinemalaya Foundation, Inc., samantalang si Jose Javier Reyes ang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Read: Laurice Guillen was Christopher de Leon's first onscreen kiss
NOEL FERRER
“What a monologue, Laurice Guillen as Laurice Guillen in Call My Manager! on HBO (Episode 3). So proud of you!”
Facebook post iyan ni Ina Feleo ngayong Agosto 27, kaakibat ang screenshot ni Laurice sa climax ng nasabing episode.
Si Ina ay daughter nina Direk Laurice at Johnny Delgado.
Comment ni Direk Erik Matti, “Waaahhh napanood mo na? Yahooo”
Reply ni Ina (published as is), “yes! Ang ganda ng naging solution sa scandal. How she turned that around. Hindi ko din napredict kung anong gagawin niya kaproud”
Sabi pa ni Direk Erik, “yeheyyy! Kakatawa na nakakatuwa.”
Credited si Erik Matti bilang isa sa producers at creators ng Call My Manager!. Siya ang nagdirek ng Episodes 1 & 2.
Tampok din sa HBO Max limited series sina Christiana Zaleta, Kat Galang, Haley Dizon, Raf Pineda, Rob Gomez, Brandon Vera, Jessica Vera, Mac Alejandre, Elijah Canlas, at Roderick Paulate. Andiyan din sina Zsa Zsa Padilla, Karylle, Loi Villarama, Rey Valera, Roselle Monteverde, Vincent del Rosario, Elisse Joson, Malou Crisologo, Hermie Go, Nicco Manalo, Ogie Diaz, Alexa Miro, Ana Abad Santos, Arci Muñoz, Antoinette Taus, Nour Hooshmand, at marami pang iba.
Read: Shirley Kuan says Bea "never defended me" amid wedding issue

GORGY RULA
Mabangis ang pag-entra ni Jose Javier Reyes bilang Paul Amir sa Episode 2 ng Call My Manager!.
“Four years ago na yun, yung Call My Manager!,” lahad ni Direk Joey sa mediacon ng PFIM 2026 noong Agosto 24, Lunes sa Cinematheque Centre sa Intramuros, Manila.
“Nalokah ako. Yung entrance ko, may patay na rabbit. Akala nila, magtataray. Ang ine-expect nila, iyung gr§¥$€*#@hgr%!!! Hindi! Ang atake ko, iniba — Charo.”
Wow! Charo Santos-Concio pala ang peg?!
THE OUTFIT...
Pero ang outfit…
“Sabretooth!” natatawang bulalas ni Direk Joey.
“Pinaglaruan ako ng production designer. Nang makita ng pamangkin ko, sabi niya, ‘Tito, ito si Sabre!’ Pinaglaruan ako, ah?!”
Sa Marvel Comics, Sabretooth ang alias ng psychopathic mutant na si Victor Creed. May feud sila ni Wolverine.
Pagpapatuloy ni Direk Joey: “Pinaglaruan ako! Nalokah ako. Oo nga, si Sabre. Nalokah ako sa shooting, antagal-tagal.
“Doon ko na-realize, ang hirap mag-artista, nag-iintay ka. Sa kaiintay ko, muntik akong ma-in love kay Elijah Canlas.
“May episode kasi, andun si Elijah. Nagkuwentuhan kami, antagal-tagal. Meron pa kaming eksena ni Roderick Paulate. May tarayan kami ni Roderick Paulate.
“May isang reporter, nagsabi sa akin, ‘Paano ba yan, si Joel Lamangan, nasa Batang Quiapo. E ikaw?’ ‘Intayin mo ako, HBO Max ito!’”
At ang original “Roda” ang katalakan niya!
Tumango si Direk Joey: “Oo, di ba? Masaya na matagal ang Call My Manager!. Kasi dalawang taon ginawa iyan. Dalawang taon din bago ipinalabas.
“Iba-iba ang direktor. P*ch*! Diring-diri ako sa sarili ko. Naka-skinny jeans pa ako, yung talagang super-skinny na gandang-ganda ako four years ako.
“Pero mukha akong palaka! Wala na sa uso. Mataba na ako. Kaya nga mukha akong palaka dahil hapit na hapit.”
Hindi pa FDCP Chairman and CEO noon si Direk Joey. Nagdidirek pa siya noon sa Vivamax (na ni-rebrand as VMX).
Read: Remember Pinky Montilla? Supergirl star now lives a quiet life in Utah
