GORGY RULA
Ewan ko kung pang-Cinemalaya, pang-Star Cinema ba o pam-VMX itong kuwento ng buhay ni Katherine Luna, lalo na sa bahagi ng pagkakaroon niya ng walong anak sa anim na lalaking nakarelasyon niya.
Sa pang-apat niyang karelasyon ay nakulong pa siya dahil sa drugs.
Four years siyang nakulong, samantalang yung karelasyon niya ay one year lang kaya tuluyan siyang iniwan nito.
Nagiging active si Katherine ngayon sa social media.
Nung nakaraang Miyerkules, August 26, 2026, ay ibinahagi ni Katherine sa Facebook ang pagkakaroon niya ng walong anak mula sa mga lalaking nakarelasyon niya.
KATHERINE LUNA ON GIVING BIRTH at a LYING-IN clinic
Kamakailan lang kasi ay ipinatanggal niya ang kanyang implant para maiwasan na ang pagbubuntis.
Pero meron naman daw siyang injectable para mapanatiling hindi siya mabubuntis.
Ipinagawa niya ito sa isang lying-in clini o paanakan sa Rodriguez, Rizal, kung saan doon daw siya laging nanganganak.
Either sa bahay o sa Ate Wilma’s Paanakan lang daw niya iniluluwal ang kanyang mga anak.
Ikinuwento pa ng midwife na si Ate Wilma na napakadali lang paanakin si Katherine.
Ipinaliwanag din niyang dati ay hindi pa ipinagbabawal ang manganak sa lying-in clinic.
Pero ngayon ay bawal na raw manganak sa lying-in clinic kapag panganay at mula panlima pataas na panganganak.
Malakas lang daw talaga ang loob ni Katherine, at ipinagpilitan niyang doon manganak dahil kampante raw siya sa nabanggit na komadrona.
“Sa walong anak ko, bahay lang saka lying-in. Hindi ko pa naranasan magpadala sa hospital.
“Kasi, feeling ko, lalo akong nenerbiyosin kapag nasa hospital ako… pag dun ako manganganak.
“Ewan ko! Malakas lang siguro talaga ang loob ko.
"Saka thank God, wala namang nangyari sa akin kapag dito ako manganganak,” saad ni Katherine.
KATHERINE LUNA ON HAVING EIGHT CHILDREN WITH SIX DIFFERENT MEN
Noong Miyerkules ay nasa FB muli si Katherine at sinagot niya ang ilang katanungan mula sa netizens.
Nag-react siya sa isang nag-comment na bakit nagpakadami ng anak niya gayong wala naman siyang inaasahan kung paano niya ito buhayin.
Umayon si Katherine, pero para sa kanya ay suwerte raw sa kanya ang walo niyang anak.
Aniya: “Hindi naman talaga siguro dapat na magparami tayo ng anak, dahil nga, e, kulang o kapos tayo sa buhay. Wala tayong mabigay na magandang future.
“Pero eto nga, nilalaban ko nga ito para sa mga anak ko. Patuloy lang sa buhay. Labarn! Kasi ang iniipon ko ngayon, future nila,” tugon ni Katherine.
Ipinaliwanag ng aktres kung paano siya nagkaroon ng walong anak, mula sa anim na ama.
Ani Katherine: “Ako po ay may walong anak. Walong anak sa anim na tatay po. Anim na ama!
“Isipin niyo, 'Napakalandi nito, patol nang patol. Paanak nang paanak. Hindi nag-iisip.'”
Ang panganay niyang anak ay isang babae na tinatawag niyang si "Ate Nicole."
Nasangkot pa noon si Coco Martin na siya raw ang ama ng unang ipinagbubuntis ni Katherine.
“Yung tatay ni Ate Nicole. Hindi po si Coco Martin, ha? Tapusin na po natin yun, ha?!” bulalas ni Katherine.
“Dala po ng kabataan, hindi nag-iisip, padalus-dalos, ayan po. Pero hindi ko pinagsisihan na nabuntis ako at ipinanganak si Ate Nicole dahil napakasuwerte po na naging anak ko si Ate Nicole.
“Napakasuwerte po na ako ang naging nanay ni Ate Nicole.”
Read: Katherine Luna clarifies alleged love child with Coco Martin
NOEL FERRER
Nilitanya rin ni Katherine Luna ang mga ama ng mga kasunod niyang anak.
Wala siyang binanggit na mga pangalan, at nilinaw niya sa PEP Troika na hindi taga-showbiz ang mga lalaking nakarelasyon niya.
Yung dalawang magkasunod na anak ng aktres ay talagang minahal daw niya ang tatay nito.
“Minahal ko. Minahal din niya ako. Talagang mahal namin ang isa’t isa. Kami po ay nagsama,” lahad ni Katherine.
“Nag-decide po kami na magbukod… mag-separate, humiwalay sa magulang namin. Eto, akala ko siya na, e.
“Akala ko, siya na yung forever ko, di ba? Kaya nagkasunud-sunod ang aming mga anak.
“Hindi rin nag-ingat. Hindi rin nag-control.
"Pero kung hindi nag-control, wala si Kuya Ichan, wala rin si Ate Princess. Ganun lang naman talaga ang buhay, e.”
THE BREAKUP
Ang buong akala raw niya ay okay na ang lahat.
“Akala namin, kung ano yung kasaganaan na tinatamasa namin, akala namin, napakadali lang ng buhay,” salaysay ni Katherine.
“Akala namin, napakadali lang bumuo ng pamilya, di ba? Na akala namin, ganun lang, basta-basta lang.
“Papasok kami sa relasyon, tapos yun na. Hindi namin naisip na may pagdadaanan kaming mga pagsubok.
“Hanggang sa dumating sa punto na gutom na. Ayaw niya ako pagtrabahuin. Ang gusto niya, siya lang ang magtatrabaho.
“Pero wala siyang nakuhang magandang trabaho. Ayaw niya ng mahirap. Gusto niya, madali lang.
“Parang madamot sa kanya yung pagkakataon nung panahon na yun para mag-abroad. Para ibigay yung magandang future para sa amin, at sa kanyang mga anak.”
Nagkahiwalay na rin daw sila, dahil talagang naghirap na sila, at wala na rin siyang ipinantutustos sa kanyang pamilya.
Masakit man daw sa kanya na makipaghiwalay, pero kailangan daw niyang iwan para makapagtrabaho na siya.
Read: Mommy Pinty confirms Alex Gonzaga has welcomed a baby boy
JERRY OLEA
Sumunod daw kasi si Katherine Luna sa gusto ng lalaking ito na huwag siyang magtrabaho.
Kaya lang, may pamilya naman daw siyang umaasa sa kanya.
“Ang nangyari, nabalitaan ko at nakarating nga sa akin na natutulog na lang ulit sa Luneta yung mga kapatid ko,” pagtatapat ng aktres.
“Yung pamilya ko, dun na sila natutulog, naghihirap na, ang dudungis. Tumigil na sa pag-aaral.
"Napakasakit sa akin bilang kapamilya nila. Bilang ate, napakasakit sa akin nun.
“Bumitaw ako. Nag-decide ako na lumayas. NIlayasan ko siya, kasi masakit.
“Mahal ko siya, e. Pero kailangan ko rin mabuhay. Kailangan din ako ng pamilya ko.”
THIRD PARTY
Sa mga kasunod niyang karelasyon ay babae naman ang dahilan kaya siya nakipaghiwalay.
“Dito naman ako nakapag-decide na unahin ko naman ang sarili ko.
“May mga lalaki rin siguro na talagang babaero, at yun ang hindi ko matanggap.
“Hindi ko matanggap kasi nga, parang ang dami kong sinuko, ang dami kong sinurender.
“Tapos, ganun lang din pala ang gagawin sa akin. So, hindi ko kaya,” pagmamatwid ni Katherine.
Naging tanga raw siya nung panahong yun dahil sobrang mahal daw niya ang lalaking ito kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak.
“Pero hindi ko kayang iwan, kasi siya na yung mundo ko. Pero dapat pala mahalin mo rin muna ang sarili mo. Hindi yun ang nangyari sa akin.
“So ayun! Nambabae siya. Ang dami kong nalaman, ang dami kong naririnig. Marami rin akong nahuli.
“Hanggang sa dumating sa puntong ayaw ko siyang iwan — ang ginawa ko para ibalik sa kanya yung sakit, nanlalaki na rin ako.
“So ayun na, nagantihan na, hanggang nagkagulo na,” patuloy ni Katherine.
Nagkahiwalay na rin sila, at ito rin daw ang nangyari sa pang-apat at panlima niyang karelasyon kung saan nagkaroon naman siya ng tig-isang anak.
Ayaw ikuwento nang buo ni Katherine kung bakit sila nagkahiwalay ng pang-anim at panghuli niyang karelasyon.
Lalaki ang anak niya rito at ito na raw ang bunso niya,
Tama na raw na may lalaki siya uling anak na iniluwal niya nung nakaraang taon.
Hindi na niya sinabi kung bakit sila nagkahiwalay. Basta, nagkasundo na raw silang mag-co-parenting sa kanilang baby boy.
“Kung bakit napagdesisyunan naming mag-co-parenting kami na lang para sa bata…. kaya nga sinasabi wala akong dyowa. Pero hindi pa ako nagsarado ng pinto. Kasi may inaayos pa.
“Gusto ko kasi, bago ako pumasok sa talagang relasyon. Gusto ko, ayoko na maging failure ulit,” sabi ni Katherine.
Kasalukuyang napapanood si Katherine sa Coco Martin's Sigabo.
Read: Shirley Kuan says Bea "never defended me" amid wedding issue
