GORGY RULA
Batid kaya ni Pretty Actress na minamarites ng ilang negosyante ang nakaraan niyang birthday party?
Bonggacious ang birthday bash ni Pretty Actress recently. May pasiklab pa siya bago ang mismong ganap.
Kahit ma-Julanis Morissette ay present sa event ang kanyang mga kapamilya, kapuso, katrabaho, kaibigan, at ka-ibigan na merong pleasant surprise.
Dasurv ni Pretty Actress na mag-celebrate ng milestone dahil kayod siya nang kayod. Dapat lang na i-enjoy niya ang fruits of her labor.
Pakiwari namin, kering-keri ni Pretty Actress na maglustay para sa magarbong piging na one for the books, so to speak.
BOUNCING CHECK?
Pero teka, teka, teka!
Ano itong naulinigan namin na kaya raw pinag-uusapan si Pretty Actress ay dahil… tsk, tsk, tsk… ang ipinambayad niyang tseke sa pinagdausan ng kanyang memorable birthday payanig ay nag-bounce?
Talbog?!!!
Read: Katherine Luna opens up about having 8 children with 6 different fathers
JERRY OLEA
Hindi pa namin nakukuha ang buong detalye sa birthday "patalbog" at kung magkano ang halaga ng tseke.
Nasorpresa raw ang mga may-ari ng bar dahil wala sa karakter o reputasyon ni Pretty Actress na matatalbugan ng tseka.
Hinuha ng ilang kibitzers, baka meron lang problema sa bangko.
O kaya, may nakasabay na binayaran si Pretty Actress kaya kinulang sa pondo ang kanyang bank account.
Huwag daw munang i-judge si Pretty Actress.
As we write this, inaalam pa namin kung nabayaran na, o napalitan ang tumalbog na tseke.
Harinawang ma-settle ito ni Pretty Actress sa lalong madaling panahon.
NOEL FERRER
Baka nakaligtaan lang. Baka nawalan lang ng funds.
Nangyayari ito, hindi lang sa mga artista.
Naaawa ako kay Pretty Actress dahil napapalaki ang isyung ito.
Pero sana talaga, magkaroon siya ng marami pang projects na nagma-matter para makaipon siya at mabayaran ang kung anumang kailangan niyang mabayaran.
Ayun!
Read: Mommy Pinty confirms Alex Gonzaga has welcomed a baby boy
