PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jack Logan’s "Pabebe" fantasy book takes aim at modern reader

Jack Logan’s fantasy novel has knights, romance, and plenty of tsismis.
by PEP Troika
Published 5 hours ago
jack logan pabebe chronicles
Jack Logan talks about his new fantasy novel, The Pabebe Chronicles: The Flower and The Warrior, and explains why he uses modern social media and “marites” language to make reading more relatable to young readers.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sinusubaybayan ko ang HBO Max reality show na Come Dine With Me Philippines, na iprinodyus ng ABS-CBN Studios.

Naaliw kami sa isang episode kung saan si Empoy Marquez ang nag-host ng dinner kina Ogie Alcasid, Nathalie Hart, at Ces Oreña-Drilon.

Pagkatapos ng dinner ay niyaya niyang maglaro ng piko sina Ogie, Nathalie, at Ces na ikinatuwa nilang lahat.

Nakakatuwang balikan ang mga dating ginagawa ng kabataan ng Baby Boomers, Generation X, at ilang Generation Y o Millennials.

Marami sa mga lumang awitin, mga laro, at dating nakagawian ang kinatutuwaan na rin ng Gen Z.

THE PABEBE CHRONICLES

Ang isa pa sa sana'y maibalik na hobby ng mga kabataan ngayon ay ang pagbabasa ng libro.

Ito ang napag-usapan sa launching ng bagong librong The Pabebe Chronicles: The Flower And The Warrior ni Jack Logan.

Nakilala ang pangalang Jack Logan sa kanyang radio program. Pero ang tunay niyang pangalan ay si Cris Jason Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas nakilala siya ngayon bilang isang filmmaker, YouTuber, vlogger, at writer.

Sinimulan daw niya ang pagsusulat ng The Pabebe Chronicles noong taong 2015.

Trilogy raw ito na sinimulan niya sa prequel na The Pabebe Chronicles: The War of Golds.

Pangalawa itong The Flower And The Warrior na isinalibro ng Central Books, at ang panghuling isusulat daw niya ay ang The Last Baruk.

Ani Jack: “Itong Pabebe Chronicles is actually ano siya, e… it's a fantasy story na nasa loob ng GC naming magtotropa.

“So, habang nagkukuwentuhan kami sa GC, nagkukuwento kami ng isang prinsipe, tapos na-in love siya sa prinsesa.

“Tapos nilagyan siya ng microchip na tracker. Tapos meron silang cellphone, tapos merong back-up music na until na-realize ko na, 'Oh my God, I think this is an opportunity for a full-length novel.'”

Kilala kasi si Jack sa hard-hitting life real talks, travel videos, at nakakatawang reviews at mga commentary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya itong isinulat niyang libro ay mas ginawa niyang moderno ang approach, na mas madali at magaan lang daw basahin.

“Modern readers ito. Kasi ang language ng book kasi is very modern.

“I included knights, like yung mga jargons ngayon sa social media.

“I added yung mga tsismis language ba. Yung mga lagi nating nababasa sa Facebook. I included that.

“So, I think it’s for all ages. Pero particular siya sa mga modern readers,” aniya.

Puwede raw ma-order ang The Pabebe Chronicles: The Flower And The Warrior sa website ng Central Books.

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline

the pabebe chronicles
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Naniniwala si Jack Logan na marami pa rin sa mga kabataan ngayon ang mahilig magsulat at magbasa ng libro.

Pero sana, mabalik daw yung nakahiligan nung kapanahunan niya noong '90s na hindi sa cellphone o anumang gadget.

Iba raw talaga yung nagbubuklat ka ng bawat pahina at naaamoy mo ang papel ng libro.

Sabi pa nito: “I think konti na lang ang nagbabasa ng libro.

“Bilang isang bata na lumaki nung '90s na nabulag sa comics, sa pocketbooks… yung mga nabibili sa mga tindahan.

"Like yung mga magazine na nababasang short stories sa mga tabloids before.

“I think it’s high time na yung mga kayang sumulat ngayon na bumalik sa pagsusulat ng libro.

“Kasi, book reading is something very close to me. Kasi ako, mahilig ako magbasa nung bata ako.

“Isa kasi yun sa humuhulma sa pagkatao, ang libro.

“Namulat ako sa mga sulat ni Tolkien, Alexandre Dumas… it sounds weird na hindi ko naipapakita as a Jack Logan character na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero na-expose ako sa ganun, e... ni Lualhati Bautista. Mga local natin — Bob Ong, Pugad Baboy for comics.

"And it’s really fun! Marami kang matutunan at the same time.”

Read: Charo Santos recalls Mike de Leon's fiery temper in Kisapmata

NOEL FERRER

Nanawagan si Jack Logan sa mga kabataan na sa halip malulong sa social media, mobile games, at iba pang nakakahiligan nila ngayon, sana bumalik daw ang interes sa pagsusulat at pagbabasa ng libro.

Itong The Pabebe Chronicles: The Flower and The Warrior ay mala-Game of Thrones daw ang kuwento, pero para raw sa mga "marites" na readers.

Saad ni Jack: “I think, bigyan natin ng reason ang mga kabataan na magbasa.

“When I was collaborating with Central Books, we decided na gawin siyang modern tongue para maka-relate yung mga bagong magbabasa ng libro — particularly mga kabataan ngayon.

“Siguro naman alam natin na halos mga kabataan ngayon exposed na sa Roblox, sa mga apps, sa mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, gawin natin itong librong pag nagbabasa sila, hindi sila nagbabasa ng Noli Me Tangere.

“Nagbabasa sila ng modern na libro na parang isinulat lang ni Ogie Diaz, parang ganun.

“Iyon yung ginawa namin para to make it relatable. And I think isa yan sa mga gusto kong ipahawatig sa mga authors ngayon.

“Gawin nating modern tongue ang ating libro, para madaling maintindihan ng mga makabagong readers.”

Read: Katherine Luna opens up about having 8 children with 6 different fathers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jack Logan talks about his new fantasy novel, The Pabebe Chronicles: The Flower and The Warrior, and explains why he uses modern social media and “marites” language to make reading more relatable to young readers.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results