JERRY OLEA:
Two days nang number 1 ang Call Me Mother sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Tingnan natin kung ilang araw na topnotcher ang MMFF 2025 official entry nina Vice Ganda, Nadine Lustre, at Lucas Andalio.
Iyong Ganito, Ganyan, Ganoon nina Jodi Sta. Maria at Agot Isidro ay eight consecutive days na nanguna sa nasabing listahan — mula Agosto 15, 2026, Sabado hanggang Agosto 22, Sabado.
Interesting to note na three days nang nasa Top 10 Movies ng Netflix PH ang American epic disaster film na 2012. Noong Agosto 27, Huwebes ay pumangatlo ito. Kahapon, pumangalawa. Ngayong Sabado, pangatlo muli.
Ang logline ng 2012, “Catastrophic earthquakes, devastating volcanoes and monster tsunamis. Humans have dreaded this day for millennia — but nothing can prepare them for it.”
Noong Nobyembre 2009 ipinalabas ang pelikula, na ang tagline, “We were warned.”
Posibleng pumasok sa Top 10 Movies ang 2012 dahil sa flash flood disaster noong Agosto 26, Miyerkules ng umaga, sa Nepal at China.
Ang Top 10 Movies sa Netflix Philippines ngayong Agosto 29, Sabado:
1. Call Me Mother 2. Grand Theft Auto 3. 2012 4. The Magnificent Seven 5. Facing El Chapo 6. Anora 7. Mickey 17 8. The Whisper Man 9. Ganito, Ganyan, Ganoon 10. The Last House

Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline
NOEL FERRER:
Naka-23 non-consecutive days nang number 1 ang Someone, Someday sa listahan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Nanguna ang teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador noong Hulyo 25-Agosto 8 (15 days).
Nang sumunod na siyam na araw ay topnotcher ang K-drama na Our Sticky Love. Bumalik sa top spot ang Someone, Someday noong Agosto 18-20 (3 days), at kinabog muli ng Our Sticky Love the next two days.
Number 1 muli ang Someone, Someday noong Agosto 23-27 (5 days), at tinalbugan ng three-episode documentary na Death of the Pastor’s Wife kahapon at ngayon.
So far, ang Someone, Someday ang palabas na pinakaumarangkada sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH this year.
Sumunod dito ang Agent Kim Reactivated (22 days na nanguna), The Wonderfools (19 days), Teach You A Lesson (17 days), The Art of Sarah (12 days), Bridgerton (11 days), at Our Sticky Love (10 days).
Pare-parehong naka-9 days na topnotcher ang Can This Love Be Translated?, Jujutsu Kaisen, One Piece, The Cleaning Lady, at If Wishes Could Kill.
Naka-7 days ang The Walking Dead, samantalang parehong naka-6 days ang Jeffrey Epstein: Filthy Rich at Phantom Lawyer. Iyong Alex Calleja: Past is Past, The Master Cutter, at A Secret in Prague ay pawang nakalimang araw bilang number 1.
Iyong Blood vs. Duty, two days lang nanguna. Parehong bigo ang BINI docuseries at Sanggang Dikit FR na makapasok sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix PH.
Ang Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines ngayong Agosto 29, Sabado:
1. Death of the Pastor’s Wife 2. Someone, Someday 3. The Early Spring 4. Our Sticky Love 5. Spooky in Love 6. Mousetrap 7. Teach You A Lesson 8. Agent Kim Reactivated 9. Blood Sacrifice 10. S & X.

Read: QC Court acquits Favila, Asprec in Gretchen Fullido complaint
GORGY RULA:
Gumaganda na kasi ngayon ang Someone, Someday, na tingin ko dahil sa lakas ng karakter na Abi o Bea na ginagampanan ni Maja Salvador. Ang galing ni Maja sa seryeng ito, kaya siya talaga ang pansing-pansin dito.
Bilang sinusubaybayan ko talaga ito, inaabangan ko naman kung kailan na magkaka-inlaban sina Billy (Kathryn Bernardo) at Jordan (James Reid).
So far ay 26 out of 90 episodes pa lang ng Someone, Someday ang streaming sa Netflix. For sure, babalik muli ito sa top spot.
Hanggang November ang installment ng mga bagong episode for streaming ng Someone, Someday.
Hindi naman gaanong maaksyon ang The Master Cutter, at naka-focus na sa madamdaming kuwento nina Ibyang (Sienna Stevens) at Atoy (Dingdong Dantes). Hindi man bumalik sa top ten ng Netflix, winner naman ito sa free TV na nanatili siyang toprater.
As we write this, naka-81 episodes na ang The Master Cutter sa Netflix. Ang finale nito na Episode 100 ay nakatakdang mag-streaming sa Setyembre 22, Martes.

Ang A Secret In Prague naman ay mas marami pang mga karakter na papasok. Bukod kay Dylan Menor bilang Rahmboy Corales, meron pang mas matinding karakter na sa ipinost nila sa social media, ay halata namang si Lorna Tolentino ito.
Sabi sa ipinost ng TV5, “May ultimate secret na ready for takeoff? Kakampi ba siya o kaaway? Mukhang hindi pa ubos ang pasabog sa A Secret In Prague.”
Naka-91 episodes na ang A Secret in Prague. Ang Episode 115 nito ay nakatakdang mag-streaming sa Setyembre 29, Martes.

Bukod sa Netflix ay nakakatuwa ring subaybayan ang Call My Manager sa HBO Max. Nakatatlong episode na ito.
Ngayong Agosto 29, Sabado ay number 1 ang Call My Manager sa Top 10 TV Series ng HBO Max. Kasunod nito ang Lanterns, Stuart Fails to Save the Universe, My Bias My Boss, House of the Dragon, Come Dine With Me, The Philippines: Secrets of A Tropical Archipelago, President Curtis, Undercover Chef Korea, at Surviving Earth.
Nakakaaliw rin ang reality show na Come Dine With Me, tampok ang mga Kapamilya artist. Ang Top 10 Movies ngayong Sabado sa HBO Max ay Primate, Margaux: Welcome Home, Green Lantern, PAW Patrol The Movie, Crazy Rich Asians, 13 Hours, Mortal Kombat II, Trust, The Highest Stakes, at Practical Magic.
Sa VIU naman ay pinagtitiyagaan ko pa ring sinusubaybayan ang Love, Siargao nina Alden Richards at Nadine Lustre, kahit may pagka-boringga pa rin ito. Magaling lang dito sina Alden at Nadine, lalo na ang support ni Kakki Teodoro na napaka-natural ng acting sa seryeng ito.
Sa Amazon Prime Video, ang Top 10 in the Philippines ngayong Sabado ay The Last Sunrise, Reacher, Lioness, Sterling Point, The Loyalty Game, Shelter, The Devil’s Mouth, Bar Boys: After School, Off Campus, at Masters of the Universe.
