GORGY RULA
Hindi nakaligtas sa netizens ang ilang tagpo na nakunan sa Biyaheng Bente concert ni Yeng Constantino noong Agosto 29, 2026, Sabado, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Bukod sa kilig-kiligan ni Heart Evangelista at ng director ng concert na si John Prats, pati ang reunion ni Yeng at ng dati niyang kasamahan sa Pinoy Dream Academy na si RJ Jimenez, pasabog din ang rebelasyon ni Yeng tungkol sa kanila ni Ryan Bang.

YENG CONSTANTINO'S REVELATION ABOUT PAST WITH RYAN BANG
Bumalik ang almost love story nilang dalawa nang nagpahiwatig ng pagkagusto si Ryan kay Yeng noong taong 2010.
Nanligaw si Ryan kay Yeng, pero hindi naman pala niya itinuloy.
Sa previous interview ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), walang-wala raw kasi siya nun na kahit pang-date ay hindi niya ma-afford.
In short, nung panahong yun ay na-i-insecure daw si Ryan sa kanyang financial status, without knowing na gusto naman pala siya ni Yeng.
Nagkabukingan lang noong 2022 sa It’s Showtime nang kantiyawan ni Yeng si Ryan na na-ghost siya ng South Korean comedian.
At may dagdag na kuwento ang singer sa recent concert niya: “Yung kay Ryan Bang, yung nangyari sa amin si-neen zone niya ako.
“Alam mo yun, crush na crush kita nun,” sabi niya kay Ryan na nanood sa concert kasama si Vice Ganda.
“Sobrang gusto ko siya. Sabi ko, ‘Pumunta ka lang sa restaurant, ako na bahala sa iyo kasi crush kita, e.’
“Tapos one time, akala nila, gimmick lang yun sa Showtime na para bang gumawa tayo ng tsismisan para sa rating daw, ganun. Hindi talaga.
“Sobrang random. Parang hindi ko alam kung ano ang nangyari sa sarili ko. Bigla na lang ako nag-comment.
“Tapos si Meme naman, may gatong na ayyy. Nabunyag na na-seen zone ako,” sabi pa ni Yeng na halos hindi na marinig ang ibang sinasabi dahil sa lakas ng tilian ng audience.
Sabi pa ni Yeng kay Ryan: “Pero sobrang thank you, kasi nalinaw ko lang yung istorya natin.
“Kasi that gave me a context na hindi naman pala ako pangit. Na nagustuhan mo rin pala ako. But it was not the ending.
“I celebrate you, lahat ng business mo at kung gaano ka kaguwapo ngayon.
“Siyempre pag kaibigan mo, iaangat mo na parang poon. Ryan, I love you my friend.”
Read: What it took to bring SB19 to Lollapalooza--and what comes next
JERRY OLEA
VICE GANDA AND HEART EVANGELISTA IGNORED EACH OTHER?
Ang isa pang pinag-uusapan sa nangyari doon sa concert ay kung nag-isnaban ba sina Vice Ganda at Heart Evangelista.
Kumalat sa social media ang video na hindi napansinan ang dalawa. Nakunan na nakipagbeso-beso si Vice Ganda sa ilang taong malapit sa kinatatayuan niya. Tanaw nila ni Heart ang isa’t isa, pero hindi sila nagkabatian.
Kaya pinag-usapan ang naging ugat ng diumano’y isnaban ng dalawa.
Bumalik ang isyu ng dalawa nung nakaraang taon kung saan naikuwento ni Vice Ganda sa It’s Showtime ang isang bayan sa Sorsogon na pinuntahan niya.
Sabi nun ni Vice Ganda: “May pinuntahan akong lugar dun sa probinsiya nina Heart Evangelista, isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko yung eskuwelahan.
“Bulok yung paaralan dun. I cried so much when I saw that school.”
Ang PA ni Heart na si Resty Rosell ang nag-react sa mga sinabi ni Vice Ganda. Nilinaw niyang nag-ambag lang daw ang Unkabogable Superstar sa pagpapagawa.
“Inako mo lahat ng credit, na-itsapuwera ang PTA [Parents and Teachers Association] na nagbayad rin naman doon sa pagpapagawa ng classroom. Tapos nilagay mo pa sa channel mo at monetized,” paglilinaw ni Resty.
Samantala, nag-message ang PEP Troika kay Resty para alamin kung talagang nag-isnaban ba sina Heart at Vice Ganda, ang sagot niya, hindi raw niya alam.
Read: Korean actor Lee Yong Joo passes away at 44
NOEL FERRER
What I want to remember from that 20th Anniversary concert of Yeng Constantino (na talaga namang deserve ng ganitong klaseng celebration) was the beautiful nostalgia — seeing (1) Heart and John together again (20 Yeng and RJ sharing the same stage.
Those full-circle, throwback moments are what made the concert special.
Yung sinasabing isnaban daw nina Vice at Heart, honestly hindi ko naman nakita in that way and I'm not even sure if it's true. Ang daming tao, ang bilis ng pangyayari backstage.
Kaya better to dwell on the happy reunion kaysa sa intriga.
Let’s celebrate what was beautiful that night. At sana, wala nang away-away, di ba? Pasko na!!! And life is short… sana, maligaya na lang lahat!
