JERRY OLEA
On its fifth weekend (Agosto 28-30, 2026), nanatiling No. 1 sa takilya ng North America ang Spider-Man: Brand New Day.
Ayon sa Box Office Mojo, naka-$22.5M ito noong nakaraang Biyernes hanggang Sabado sa takilya ng US at Canada.
Pumangalawa ang bagong bukas na Coyote vs. Acme with $15.9M.
Nag-open sa ikalimang puwesto ang The Dog Stars with $7.7M, samantalang nag-open sa pang-anim na puwesto ang Buddy with $5.5M.
Umabot na sa $892M ang domestic gross ng Spider-Man: Brand New Day.

SPIDER-MAN BRAND NEW DAY DOMESTIC AND WORLDWIDE GROSS
Pangalawa na ito sa talaan ng pinakamalakas na all-time DOMESTIC gross.
Ang No. 1 sa nasabing listahan ay Star Wars: Episode VII - The Force Awakens with $937M.
Bumaba sa pangatlong puwesto ang Avengers: Endgame with $858M.
Ang worldwide gross ng Spider-Man: Brand New Day ay umabot na sa $2.333B.
Pang-apat na ito sa pinakamalakas na all-time WORLDWIDE gross.
Ang Top 3 ay Avatar with $2.924B, Avengers: Endgame with $2.799B, at Avatar: The Way of Water with $2.334B.
Nasa panlimang puwesto ang Ne Zha 2 with $2.271B.
Ang tatlo pang pelikula na lumampas sa $2B-milestone ay Titanic with $2.265B, Star Wars: Episode VII - The Force Awakens with $2.071B, at Avengers: Infinity War with $2.052B.
Read: Heart Evangelista vs. "clean money" issue: A timeline
NOEL FERRER
Ayon pa sa Box Office Mojo, pangalawa so far sa pinakamalakas ang worldwide gross ngayong 2026 ang epic fantasy na The Odyssey with $1.553B.
Two weeks apart nag-showing noong Hulyo ang The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day.
Naunang ipalabas ang The Odyssey.
Parehong nasa The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day sina Tom Holland, Zendaya, at Jon Bernthal.

Ang pinagsamang lakas ng dalawang tentpole na yan ay tinaguriang “Odyssey-Man.”
FILIPINO MOVIES IN SEPTEMBER 2026
Looking forward ang film aficionados sa kahihinatnan ng “Dunesday,” ang head-to-head box office release ng Dune: Part Three at Avengers: Doomsday sa darating na Disyembre.
Sa local cinemas ay Disyembre 16, 2026 ang Dunesday.
Samantala, kabilang sa Pinoy films na showing ngayong Setyembre ang Saving Cherry, The Guardian, Poon, Life After You, EDJOP, Silenced Nights, Plump Blossom, at Always Yours, Never Mine.

Ngayong Setyembre ang 6th Philippine Film Industry Month (PFIM), at punong-abala ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa iba’t ibang pauga kaugnay rito.
Mahigit isang dosenang klasikong pelikulang Pilipino ang hatid ng FDCP para sa Pinoy moviegoers this month.
Moreover, handog ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ang makasaysayang 1st Philippine National Cinema Day sa Setyembre 12, Sabado.
Ang tema nito, “One Industry. One celebration. One big moment.”
Read: Katherine Luna on having 8 children with 6 different fathers
GORGY RULA
Five weeks na walang bagong Pinoy movie sa ating mga sinehan mula Hunyo 30, 2026 hanggang Agosto 4.
First time iyon sa kasaysayan.
Buong Hulyo, walang bagong pelikulang Pilipino sa local cinemas.
Iniwasan ang The Odyssey na nag-showing noong Hulyo 15, at siyempre yung Spider-Man: Brand New Day na nag-open noong Hulyo 29.
Sa buwan ng Agosto ginanap ang Cinemalaya 22: Reel Reflections, kung saan siyam na bagong full-length films ang itinampok, at nag-screening din doon ang Enjoy Your Stay (opening film), 58th (exhibition), at Filipiñana (closing film).
Ang Top 4 sa takilya ng Cinemalaya 2026 ay 2 Valid IDs ni Marietta Subong aka Pokwang, Status: Rejected ni Ruby Ruiz, Mag-iina, at Tayo Lang Ang Nakakaalam.

Kabilang pa sa Pinoy films na nag-showing sa ating mga sinehan ang Rosario (na Abril 22 ang original playdate), HB2Me, Senior Moments, Filipiñana, at Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa.
Noteworthy na yung trilogy na Tatsulok ay nag-premiere noong Agosto 21 sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Dapat sana’y ipapapalabas muli iyon noong Agosto 29 sa kaparehong sinehan.
Inihayag ng MTRCB na ang nasabing pelikula na isinulat at idinirek ni Jhonny Bobier ay hindi dumaan sa review and classification ng ahensya, at walang valid Permit to Exhibit (PTE).
Palsipikado ang PTE ng Tatsulok kaugnay sa August 21 premiere nito.
Read: Tatsulok screening canceled amid MTRCB fake permit issue
NEW AND OLD FILIPINO MOVIES
Ang opening ceremony ng 6th Philippine Film Industry Month (PFIM) ay sa Setyembre 4, Biyernes, sa Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Ia-announce doon ng Film Academy of the Philippines kung ano ang panlaban ng Pilipinas para ma-shortlist sa kategoryang best international feature ng 99th Academy Awards o Oscars.
Ang walong pinagpipilian ay Rafael Manuel’s Filipiñana, Lawrence Fajardo’s Silenced Nights, Carl Joseph Papa’s 58th, Jerrold Tarog’s Quezon, Sigrid Andrea P. Bernardo’s I’mPerfect, Raymond Red’s Manila’s Finest, Jun Robles Lana’s Sisa, at Jade Castro’s All the Things I Leave You (Patawid).
Ang hula ng maraming showbiz kibitzers ay llamado yung Filipiñana starring Jorrybell Agoto.

Pagkatapos ng opening ceremony sa Friday ang screening ng restored version ng Tinimbang Ka Nguni’t Kulang (1974) ni National Artist Lino Brocka.
Kabilang sa kumpirmadong dadalo rito sina Christopher de Leon at Laurice Guillen.
Nasa Facebook page ng FDCP ang link para sa registration sa mga gustong makapanood nito. Limitado ang slots.
Ang tema ng 6th PFIM ay “Pelikula: Ginintuang Ikalawa (Philippine Cinema’s Second Golden Age).”
Sa Setyembre ay anim na 1976 masterpieces ang libreng mapapanood sa FDCP Cinematheque Centre sa Intramuros (Manila), Iloilo City, Bacolod City, at Davao City.
Ang mga ito ay Insiang, Itim, Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?, Nunal sa Tubig, Tatlong Taong Walang Diyos, at Minsa’y Isang Gamu-gamo.

Read: Philippine Film Industry Month 2026 celebrates 50 years of cinema
