JERRY OLEA
Pinakamaraming nominasyon ang historical drama na Quezon sa 49th Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre sa De La Salle University, Taft Ave., Manila.
Sampu ang nominasyon ng Quezon, samantalang tigwalo ang Cinemartyrs at Sunshine.
Pito ang nominasyon ng Bar Boys: After School.
Tiglima ang Bloom Where You Are Planted at Manila’s Finest.
Apat ang nominasyon ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Tigtatatlo ang Republika ng Pipolipinas, Raging (Rumaragasa), Child No. 92: Anak ni Boy Kana, at Magellan.
Tigdadalawa ng nominasyon ang I’mPerfect, Paglilitis, Tigkiliwi, Some Nights I Feel Like Walking, Lakambini: Gregoria de Jesus, at Salum.
Tig-iisa ng nominasyon ang Dreamboi, Meet, Greet & Bye, at Song of the Fireflies.
ACTING NOMINEES AND SNUBS
Nominado ang dalawang bida ng I’mPerfect — Earl Amaba para best actor, at Krystel Go para best actress.
Nominadong best actor ang dalawang bida ng Some Nights I Feel Like Walking na sina Jomari Angeles at Miguel Odron.
Dalawa ang panlaban ng Lakambini: Gregoria de Jesus sa kategoryang best supporting actress, sina Elora Españo at Gina Pareño.
Dalawa rin ang panlaban ng Manila’s Finest sa kategoryang best supporting actor, sina Rico Blanco at Enrique Gil.
MMFF 2025 best supporting actress si Odette Khan para sa Bar Boys: After School. Sa Gawad Urian ay nominado siyang best actress.
Ligwak sa Urian ang MMFF 2025 best actor na si Vice Ganda (Call Me Mother), maging ang MMFF 2025 best supporting actor na si Tom Rodriguez (UnMarry), at ang Cinemalaya 2025 best actress na si Mylene Dizon (Habang Nilalamon ng Hydra Ang Kasaysayan).
Laglag din ang apat na acting winners ng inaugural Cine Silip Film Festival na sina Angela Morena (best actress for Pagdaong), Martin del Rosario (best actor for Haplos sa Hangin), Migs Almendras (best supporting actor for Dreamboi), at Chloe Jenna (best supporting actress for Maria Azama: Best P*rn Actress).
Pero ang trans woman na si EJ Jallorina, best actress nominee para sa Dreamboi.
Read: Jericho Rosales, Maris Racal win top acting honors at 9th EDDYs
NOEL FERRER
Ang limang nominadong BEST FILM sa 49th Gawad Urian ay kakawing ang mga nominadong BEST DIRECTOR.
Ang mga ito ay Quezon ni Jerrold Tarog, Cinemartyrs ni Sari Dalena, Sunshine ni Antoinette Jadaone, Bar Boys: After School ni Kip Oebanda, at Bloom Where You Are Planted ni Noni Abao.

Laglag ang documentary na Bloom Where You Are Planted sa kategoryang BEST SCREENPLAY, kung saan pasok yung four other best film nominees.
Ang isa pang nominado sa best screenplay ay si Renei Dimla para sa Republika ng Pipolipinas.
Nominado ang Quezon sa mga kategoryang best film, best director, best screenplay, best actor (Jericho Rosales), best supporting actor (Iain Glen), best production design, best cinematography, best editing, best music, at best sound.
Nominado ang Cinemartyrs sa mga kategoryang best film, best director, best screenplay, best actress (Nour Hooshmand), best production design, best cinematography, best editing, at best sound.
Nominado ang Sunshine sa mga kategoryang best film, best director, best screenplay, best actress (Maris Racal), best supporting actress (Jennica Garcia), best cinematography, best editing, at best sound.
Nominado ang Bar Boys: After School sa mga kategoryang best film, best director, best screenplay, best actress (Odette Khan), best actor (Carlo Aquino), best supporting actor (Will Ashley), at best editing.
FEARLESS FORECAST
Matapang akong mag-fearless forecast for the Urian:
Best Film and Best Director, Quezon ni Direk Jerrold Tarog.
Best Actor, Jericho Rosales (Quezon).
At Best Actress, Maris Racal (Sunshine).
We’ll see kung tatama ako.
Mabuhay ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino!
Read: PRODUCER'S TAKE: What it took to bring SB19 to Lollapalooza—and what comes next
GORGY RULA
Ang walong nominadong BEST ACTRESS sa 49th Gawad Urian ay sina Krystel Go (I’mPerfect), Nour Hooshmand (Cinemartyrs), EJ Jallorina (Dreamboi), Odette Khan (Bar Boys: After School), Maris Racal (Sunshine), Rissey Reyes-Robinson (Paglilitis), Ruby Ruiz (Tigkiliwi), at Geraldine Villamil (Republika ng Pipolipinas).
Si Krystel ay best actress ng MMFF 2025.
Si Odette ay best supporting actress ng MMFF 2025.
Si Ruby ay best actress ng Puregold CinePanalo 2025.
Hindi pumasa sa Gawad Urian ang best actress na Cinemalaya 2025 na si Mylene Dizon (Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan).
Pero tatlong aktres ng Cinemalaya 2025 ang pasok sa kanilang panlasa.
Ang mga ito ay sina Nour, Rissey, at Geraldine.

Walo rin ang nominadong BEST ACTOR ng 49th Gawad Urian.
Ang mga ito ay sina Earl Amaba (I’mPerfect), Jomari Angeles (Some Nights I Feel Like Walking), Carlo Aquino (Bar Boys: After School), Elijah Canlas (Raging/Rumaragasa), Julian Paul Larroder (Tigkiliwi), Jojit Lorenzo (Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan), Miguel Odron (Some Nights I Feel Like Walking), at Jericho Rosales (Quezon).
Si Jojit ang best actor ng Cinemalaya 2025. Kalahok din ng Cinemalaya 2025 ang Raging/Rumaragasa.
Ligwak sa Urian ang MMFF 2025 best actor na si Vice Ganda (Call Me Mother), pero pasok sina Earl at Carlo para sa kani-kanyang MMFF 2025 entry.
Laglag sa Urian ang Puregold CinePanalo 2025 best actor na si Khalil Ramos (Olsen’s Day), pero pasok si Julian Paul para sa Tigkiliwi na kasali sa nasabing filmfest.

Ang pitong nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS ay sina Dolly de Leon (Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan), Alessandra de Rossi (Republika ng Pipolipinas), Elora Españo (Lakambini: Gregoria de Jesus), Jennica Garcia (Sunshine), Gina Pareño (Lakambini: Gregoria de Jesus), Rochelle Panglinan-Solinap (Child No. 82: Anak ni Boy Kana), at Eula Valdes (Paglilitis).
Pawang kalahok sa Cinemalaya 2025 ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, Republika ng Pipolipinas, Child No. 82: Anak ni Boy Kana, at Paglilitis.
Ang wagi sa Cinemalaya ay si Rochelle.

Ang pitong nominadong BEST SUPPORTING ACTOR ay sina Will Ashley (Bar Boys: After School), Amado Arjay Babon (Magellan), Rico Blanco (Manila’s Finest), Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye), Enrique Gil (Manila’s Finest), Iain Glen (Quezon), at Nanding Josef (Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan).
Si Tata Nanding ang best supporting actor ng Cinemalaya 2025.

